Chapter Four
"GET in," sabi ni Thomas at ipinagbukas ako ng pintuan ng kotse.
"Thanks for coming, Thomas. You saved me," kimi ang ngiting sabi ko.
"Wala 'yon," sabi niya at umikot sa kabila.
Ilang sandali pa ay palayo na ang kotse sa university.
"Sinabi ba ni Kuya na sunduin mo 'ko?" tanong ko pa. Gusto ko kasi na meron kaming mapag-usapan.
"Yeah. Daanan na lang daw kita para may kasabay ka papunta sa restaurant."
"Ang galing ng timing mo. Pero teka, talaga bang forty-five years ang penalty sa pagviolate sa karapatan ng babae?"
"Ah, 'yon? Hindi naman. Depende sa degree of violation at kung saang article at section siya natuon. Sinabi ko lang yun para matakot siya. Hindi ko naman alam na maniniwala siya agad."
Napahagikhik ako.
"Pati 'yong pagkwestiyon niya sa'yo at yung kunwaring restraining order? Joke mo lang 'yon?"
"Parang ganu'n na nga, Miss Jennica,"
Natawa ako.
"Buti na lang talaga dumating ka. Siguro naman lalayuan na 'ko ng lalaking 'yon. Thank you, Thomas."
Tipid na ngiti lang ang tugon niya. He's back to being formal again. Hay naku.
Ilang sandali pa ay narating na rin namin ang restaurant. Nandoon na silang lahat. So, special entrance kami ni Thomas ko. Ahihi. Humalik agad ako sa parents namin at kay Kuya.
"Late na ba kami?" tanong ko.
"Just in time, little sister," sagot ni Kuya.
"I'd like you to meet my daughter, Jennica, she's in her third year now. Business din ang kinukuha niya pero marami ang nagsasabi na baka matulad siya sa Mom niya, magaling na shoe designer," pagpapakilala ni Dad.
Ngumiti lang ako. Pero siyempre plastik lang. Kay Thomas lang naman ako nakakapag-smile ng genuine, 'no. Charot.
"She's a promising lady kung ganoon," komento ng asawa ni Mr. Malay-ko-kung-sino tapos may nag-agree naman.
Ngumiti lang ulit ako. Sana matapos na agad ang dinner na 'to, whew.
"I'm sure some of you know Thomas already. Isa siya sa mga company lawyers natin, he's young but topping the bar exam, hindi natin siya pwedeng maliitin," pakilala naman ni Dad kay Thomas.
Tipid na ngiti lang ang tugon ni Thomas but I think I saw him blushed. I giggled in my mind. Nice one, Dad. Malay mo, he'll make a good son-in-law, too.
"So you are that Thomas Aguirre? Gosh, glad to meet you, finally," sabat ng daughter ni Mr. Hindi-ko-din-alam na halatang nagpapa-cute sa Thomas ko."I'm Chloe."
Naging busy na ang lahat sa dinner pero ako, nakatutok lang kay Thomas at do'n sa kulugong Chloe na yun. Hmp, mas maganda naman ako sa kanya 'no. Psh.
Nag-uusap sila. Yes, nag-uusap sila! Ang unfair, hindi naman siya ganyan ka-willing magsalita sa harap ko, ah? Unfair. Grr!
"Ano ba, Jen? Kung nakakamatay lang ang tingin baka bumulagta na yung si Chloe kanina pa," pansin sa 'kin ni Kuya.
"Kuya?"
"Hmm?"
"I think I'm jealous."
"Gutom lang 'yan, Jen. Gusto mo ng ice cream?"
"Gusto ko yung very rocky road, ha."
Buti na lang spacious 'yong restaurant, malapad din ang garden kaya naglakad-lakad akong mag- isa. Kaysa naman makita ko yung kulugong Chloe na nagpapa-cute sa Thomas ko, e di natiris ko pa siya.
Nagsaksak ako ng earphone sa tenga ko at nakinig ng music sa ipod ko.
Kainis na Thomas 'yon, kay bago-bago at hindi pa man kami pinapaselos na agad ako. Psh. Basagin ko salamin n'on, eh! At teka, sa'n na ba 'ko nakarating kakalakad?
"Jennica."
Ay, di bale hindi naman siguro ako maliligaw. Nandito lang naman ako sa paligid ng restaurant, eh.
"Jennica."
Ipapatawag lang naman nila 'ko kapag uuwi na kami. Sana kasi nagdahilan na lang ako na masakit ang tiyan ko para nakadiretso na 'ko sa bahay.
"Miss Jennica."
"Ay, naku!"
Napatalon ako nang biglang tanggalin ni Thomas ang earphones ko at nagsalita siya malapit sa tenga ko.
"Sorry, nagulat kita. Hindi mo kasi ako naririnig kanina," hinging-paumanhin naman niya.
"Oo nga, muntik na nga akong atakihin sa puso," sabi ko habang sapo ang dibdib ko.
Aish. Kapag nasa paligid si Thomas lagi naman talaga akong parang aatakihin sa puso. Ahihi.
"Hindi kasi kita makita kanina kaya hinanap kita. Hindi ka dapat lumalayo, Miss Jennica."
"Na-bored lang ako sa loob kaya ako lumabas. Uuwi na ba kami?"
"Hindi pa naman."
Oh, so sinundan niya 'ko dito kasi nag-aalala siya? Ayayay.
"Kaya mo 'ko sinundan kasi concern ka sa 'kin, 'no?" tanong ko.
Napatikhim siya. Umamin ka na kasi, Thomas. Alam mo naman ikaw lang ang hinihintay ko, eh.
"Miss Jennica, it's not what you think," kaila naman niya.
"Talaga? Eh bakit mo iniwan si Chelsea?"
"She's Chloe."
"Fine. Kahit si Charlotte pa siya," napakibit na sabi ko. "And Thomas..."
Humakbang ako papalapit sa kanya. Tumiyad ako pero hinawakan niya 'ko sa balikat at bahagyang inilayo sa kanya.
"Not a thank you-kiss again, please," sabi niya sa pormal na tono.
"But why?" dismayadong tanong ko.
Ang arte naman nito. Hmp!
"Nagpasalamat ka na kanina. Okay na 'yon."
I pout at pinagkrus ang mga braso ko.
"Kahit hug hindi pwede?"
"That's just fine with me."
Tapos bigla na lang niya 'kong niyapos at mabilis din akong pinakawalan. Natigilan ako. At ang heartbeat ko biglang bumilis. He just hugged me! Hohemgee!
"Sumunod na po kayo sa'kin agad. Baka hanapin na kayo sa loob," sabi niya at mabilis akong tinalikuran.
Hala! Langya naman! Hindi ko man lang natugunan yung yakap dahil sa pagkabigla ko. Hoy, Thomas, pwedeng bumalik ka dito? Pahirit ng replay ng yakap mo!
***
The next day and the following days, hindi na nga ako ginugulo ni Jack. In fact, iniiwasan na nga niya ako. Natatawa talaga ako kapag nakikita ko siya. Hindi naman siya magkakaganoon kung hindi siya nagpapaniwala sa mga pinagsasabi ni Thomas sa kanya. Nyahaha. Buti nga sa kanya.
"Ipakilala mo naman sa 'kin yung Thomas mo, Jen. Gusto kong malaman kung gwapo nga siya talaga at pa'no niya nasindak si Jack."
Lagi na lang ganito ang hirit ni Chippy sa akin.
"Chippy, I told you. Thomas is a busy person. Kahit ako hindi ko din siya madalas makita so wala akong maipapangako sa'yo."
Iyon naman ang lagi kong sinasabi sa kanya. Palusot ba. Nyahaha.
BINABASA MO ANG
My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]
RomanceBasahin na habang hindi pa nabubura. Forgive the errors. Tamad na kasi akong mag-edit, eh. Hehehe. Jennica almost got everything a girl could wish for. Beauty, brains talent and fortune. She's a happy-go-lucky girl, at imposibleng walang lalaking ma...