11: Jenna Is Indenial

35 1 0
                                    

Jenna's P.O.V

Heto na at ihahatid na ako sa martinez university ni marco...

Wala kaming imikan ngayon dahil sa nangyari kagabi at hanggang ngayon kasi napapaisip pa din sa mga sinabi nya.. Ang gulo kasi eh...

Nakita ko na nga ba talaga si mr.jepjep pero di ko na sya makilala na? Ang alam ko kasi nakikilala ko sya sa katauhan ni marco... Tapos ang manhid ko pa daw? O___O

Sa katauhan ni marco? Tapos manhid ako? Di kaya si marco at si mr.jepjep ay iisa? Kaya siguro andami nyang alam saakin? Tapos sa sinabi nya pa kagabi...

Pinagmasdan ko sya habang nagdadrive... Tiningnan ko mukha nya at biglang nagflashback saakin yung itsura ni mr.jepjep nung bata pa kami..

Yung ilong, mata, yung mukha, yung labi yung paglalakad, paggalaw halos parehong pareho sila.. Di kaya totoo ang hinala ko?

Kasi nung una ko pa lang makita si marco sa bahay namin kitang kita ko na parehong pareho talaga sila...

Maya maya biglang tumigil na yung kotse at nakita kong nasa university na pala kami..

Bumaba naman sya at pumunta sa may side ko para pagbuksan ako..

Habang lumakad sya papunta sa may side minamasdan ko ulit ang galaw nya kagayang kagaya nga kay mr.jepjep..

Binuksan nya na yung pinto sa may side ko at bumaba na ako..

"Salamat.." sabi ko at lumakad na papasok sa school...

Pero maya maya nakita kong sumakay na sya sa kotse atsaka na umalis..

Yumuko nalang ako at dumiretso na ulit sa paglalakad..

"LQ?" biglang tanong ng nasa likod ko...

"Bhest.." sabi ko kay mea..

Nilapitan naman nya ako at inakbayan..

"Anung nangyari?" tanong nya saakin...

"Mamaya ko nalang ikukwento yun sayo irerefresh ko lang utak ko ang gulo na kasi eh.." sabi ko..

"Paanong kagulo? Naguguluhan kana ba kasi mahal mo na si marco pero nahihirapan ka kasi pinaninindigan mo parin na yung isa pa rin ang mahal mo kasi inaantay mo parin sya?" sabi nya..

Nanahimik ako bigla sa sinabi nya..

Mahal ko na nga ba kaya si marco? Hindi ko pa alam hayyyst..

"Pag isipan mo muna yan bhest.." sabi ni mea saakin saka sya nauna ng lumakad saakin...

Bakit ganun? Lahat sila pinapaisip ako..

Dumiretso nalang ako sa HRM department at naupo sa upuan ko..

"Oh anu? Pinagsawaan kana ba nya? Sumuko na ba sya sayo? Ikaw naman kasi eh binusted mo pa si carlo yan tuloy at sana nasakin nalang ngayon si marco tss! Landi kasi eh.." sabi nung nagsalita sa harapan ko..

I Love You FOREVER And EVER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon