Jenna's P.O.V
Arrggh! Anu ba toh? Bat ang sakit ng buong katawan ko? Anu bang nangyari sakin?
Minulat ko mga mata ko at nakita ko puro lang mga puti.. Ano toh nakarating na ako sa langit? Aba! Ang bata ko pa naman para mamatay...
Inikot kong muli ang paningin ko ng may mapansin akong may nakakabit na dextrose sa kamay ko tapos may mga aparato din akong nakita..
Ah nasa hospital lang pala ako kala ko naman patay na ako tss!
Tumingin ako sa kanang kamay ko ng may makita akong may nakahawak dito..
At may nakita akong lalaki na nakayuko sa kamay ko..
Teka sino ba toh?
Habang kinikilala ko tong taong toh ng may biglang magflashback sa isipan ko..
Yung mga nangyari bago ako maaksidente...
Si marco kahalikan nya si sofia..
Yung naamin ko na sa sarili ko na mahal ko na sya...
Napatingin ulit ako sa lalaking toh at muli kong binanggit ang pangalan nya...
"M-marco.." sambit ko sakanya..
Nakita kong iniangat nya yung ulo nya at napatingin saakin...
"J-jenna? Gising kana.. Teka lang tatawagin ko lang yung doktor.." sabi nya saakin at tatayo na sana ng pigilan ko sya..
"Wag na.." sabi ko sakanya...
Bigla namang may tumulong luha sa mga mata ko at nakita naman nya yun...
"Bakit naman? Tsaka teka bakit ka umiiyak?" tanong nya saakin at sabay pinunasan nya mga luha ko...
Inalis ko naman yung kamay nya sa mukha ko.. At tumingin nalang ako sa ibang direksyon..
"Asan sila mama? Si missy? Si mea?" sunod sunod kong tanong sakanya.
"Ah sila tita papunta daw sila dito si missy ganun din at si mea sinundo nya sila mama mo.." paliwanag naman nya saakin...
Ah oky!
Hindi ko nalang ulit sya pinansin..
"Jenna tatawagin ko lang muna yung doktor ah.." sabi nya..
"Sige.." sabi ko naman..
At lumabas na nga sya sa room at bigla ulit akong naiyak.. Tss! Kainis naman kasi eh!
Ayaw kong ipakita kay marco na umiiyak ako.. At lalong ayaw kong ipaalam sakanya na mahal ko na sya...
Ambilis naman kasi ng pangyayari eh..
Una, yung nakipagsagutan na din ako kay sofia magmula nung makilala ko si marco.. Pangalawa, yung ginamit ko pa sya para magpanggap na boyfriend ko sa harap ni carlo... Pangatlo, yung hindi ko agad maamin sa sarili ko na mahal ko na sya.. Pang-apat, yung nakita kong magkahalikan sila ni sofia... Panglima, yung nasaktan ako sa nakita ko at yun na din yung dahilan kung bakit naamin ko na sa sarili ko na mahal ko na sya... Pang-anim, yung nasagasaan ako.... Pang-pito, yung nagising ako sya agad nakita ko... Pang-siyam, yung nakita nya akong umiiyak na ayaw kong makita nya yun... Pang-sampu, yung ayaw ko nalang aminin sakanya na mahal ko na sya...
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER And EVER [Completed]
FanfictionPaano kong sa isang iglap bigla mo nalang malalaman na may inampon yung magulang nyo na anak lang ng kaibigan ng magulang nyo? Maiinis ka kaya dahil magkakaroon kayo ng kahati ng kapatid mo sa pagmamahal ng magulang nyo? o matutuwa dahil magkakaroon...