The Wedding Day...
Jenna's P.O.V
Naririnig ko na ang tunog ng dambana ng simbahan pagkababa ko ng sasakyan.
"Oh anak dahan dahan ah." - Sabi ni mama saakin habang inaalalayan ako maglakad.
"Ma, kinakabahan ako." - Sabi ko kay mama.
"Sshh! Huwag ka kabahan si Marco naman pakakasalan mo eh! Atsaka inaantay ka na niya sa loob." - Sabi niya saakin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at pinilit na inalis ang kaba at lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nagready na ang iba simula sa mga kaklase ko, ang maid of honor ko na si Missy at best man naman ni marco ay si Marvin, si mea naman ang kasunod ng dalawa. Hanggang sa kami na ni mama ang huli. Binitawan na ni mama ang kamay ko at pumunta na siya sa pwesto niya kasama sila missy.
Napatingin naman ako sa nasa unahan at nakita ko doon si marco na nakangiti habang maluha luhang nakatingin saakin.
Napabuntong hininga muna ako bago dahan dahang nag lakad sa pasilyo ng simbahan.
Naiiyak na ako habang palapit ng palapit na ako sakanya habang inaalala ang mga memories naming dalawa. Habang tinutugtog ang kantang from this moment.
Hindi ko inaakalang sakanya din pala ako maikakasal at mapapamahal ng ganito. Sobrang thankful ako kasi nakilala ko siya.
Nang makarating na ako sa altar at sakanya kaagad naman niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming humarap sa pari.
"Bago po tayo magsimula, gusto ko lang malaman kong sino sainyo ang tutol sa kasalang ito." - Sabi nung pari.
Nag antay kami na may tumutol pero wala naman kaya naman tinuloy na ng pari ang pagkakasal saamin.
"Jenna Salazar, Do you take Marco Santiago as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" - Father.
"I do." - Sagot ko.
Pagkatapos nung sinabi ko, tumingin naman si father kay Marco.
"Marco Santiago, Do you take Jenna Salazar as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" - Father.
Tumingin naman saakin si marco bago sumagot.
"I do." - Sabi niya.
Maya maya kumuha siya ng isang singsing at humarap saakin.
"Jenna my loves, I take this ring as a sign of my love and faithfulness, walang ibang makakapaghiwalay saatin tayong dalawa magkakasama habang buhay hindi na kita pakakawalan pa dahil sobrang mahal na mahal kita, i will always love you and i don't want to leave you again, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish you until death do us part, in the name of the father, the son and the holy spirit." - Sabi niya habang nakatingin saakin.
Bigla na namang ako naging teared eye dahil sa sinabi niya.
Ako naman ang kumuha ngayon ng singsing at humarap ulit sakanya.
"Marco/Mr.Jepjep ko." - Panimula ko at napatawa ako mahina, narinig ko din na napatawa ang mga nandito sa simbahan. Pinagpatuloy ko nalang ang sinasabi ko.
"I take this ring as a sign of my love and faithfulness, kahit na marami tayong pinagdaanan nalampasan natin iyon at ito tayo magiging asawa na kita, ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay ikaw lang wala ng iba hinding hindi ako nagsising minahal kita marco hindi ko nga alam kong bakit ako nagkaganito sayo eh ginayuma mo ata ako eh." - Sabi ko rinig kong nagtawanan na naman sila saakin.
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER And EVER [Completed]
FanfictionPaano kong sa isang iglap bigla mo nalang malalaman na may inampon yung magulang nyo na anak lang ng kaibigan ng magulang nyo? Maiinis ka kaya dahil magkakaroon kayo ng kahati ng kapatid mo sa pagmamahal ng magulang nyo? o matutuwa dahil magkakaroon...