Jenna's P.O.V
Katatapos ko lang maligo at dumiretso na ako sa kusina nakita kong mag isa lang na nakaupo dun si marco at mag isang kumakain...
Oh? Bat mag isa lang toh?
"Hey! Good morning! Bat mag isa ka lang?" tanong ko sakanya...
"Eh sila mama mo kasi may pinuntahan tapos sila missy inihatid ko na sa school..." sabi nya...
Ah kaya naman pala eh...
"Lika kain kana dito sabayan mo na ko.." sabi nya at kumuha sya plato at kutsara nilagyan nya na din yun ng kanin at ulam pagkatapos binigay na nya saakin..
Aba! Iba yata aura nito ngayon ah...
Linapitan ko sya at hinawakan ko yung noo nya... Wala naman syang sakit...
"Bakit?" tanong nya...
"H-ha? Wala akala ko kasi may lagnat ka hehe.." sabi ko at nagdasal na bago kumain..
"Nga pala jenna sabi nila tita hindi na daw muna ako papasok ngayon ng school.." sabi nya...
"Oh? Bakit naman daw?" tanong ko...
"Malapit na din naman daw kasing matapos yung school year..." sabi nya...
Hmm.. Sabagay nga naman... February na kasi ngayon eh malapit na nga valentines eh ilang tulog na lang hehe...
"Ganun ba so anung plano?" tanong ko...
"Magtatrabaho nalang muna ako tapos sa next school year mag eenrolle na ako..." sabi nya..
"Ah sige ikaw bahala hehe.." sabi ko..
"Ihahatid sundo ko nalang kayo sa school nyo.." sabi nya...
"Sige salamat.." sabi ko sabay natapos na akong kumain...
Aayusin ko na sana yung pinagkainan ko ng sya na yung nag insist...
Ayaw ko sana kaso mapilit sya eh binigay ko nalang...
Habang nagtotoothbrush ako sya na naghugas ng pinagkainan ko..
Tinitingnan ko ulit bawat galaw nya.. Kaparehas na kaparehas talaga ng galaw ni mr.jepjep ko...
Umiling iling nalang ako at nagmumog na...
Pagkatapos kong magtoothbrush sya naman yung nagtoothbrush...
Pumunta muna ako ng kwarto at nagbihis na ng uniform ko...
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER And EVER [Completed]
Fiksi PenggemarPaano kong sa isang iglap bigla mo nalang malalaman na may inampon yung magulang nyo na anak lang ng kaibigan ng magulang nyo? Maiinis ka kaya dahil magkakaroon kayo ng kahati ng kapatid mo sa pagmamahal ng magulang nyo? o matutuwa dahil magkakaroon...