3: Iisa Nga Ba Talaga?

132 3 0
                                    

Missy's P.O.V

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni ate... Nakakagulat naman kasi yung sinabi nya kung sakali ngang si marco nga at si mr.jepjep ay iisa ibig sabihin after 5 years nagkita din ulit sila? Oh my god!

"Hoy missy anu? Bat nakatulala kana jan? Hindi ka man lang ba magsasalita?" tanong saakin ni ate habang niyugyog naman ako...

Bumalik naman ako sa katinuan ko at nakapagsalita na din...

"Ate sigurado kaba jan sa sinabi mo?" tanong ko sakanya...

"Na anu?" tanong ni ate habang nililigpit nya mga gamit nya sa study table...

Ay baliw! Nakalimutan agad?

"Ate anu kaba? Yung sinabi mo kanina na parehas ng galaw at paglalakad si kuya marco at si mr.jepjep mo?" sabi ko sakanya na parang naiirita...

"Ah ou nga pala.. Hmm di ako sigurado pero para kasing parehas sila sa paggalaw pati paglalakad eh..." sabi nya..

"Hayysst! Hindi ka naman pala sigurado ate eh.. Baka naman sa sobrang pagkamiss mo jan sa mr.jepjep mo eh kay kuya marco mo na sya nakikita.." sabi ko naman sakanya at pumunta na ako sa closet ko para kumuha ng damit...

"Siguro nga missy baka nga sa sobrang pagkamiss ko dun kay marco ko sya nakikita...Hayy! Kelan ko kaya sya makikita ulit?" sabi nya habang nakatingin sa labas ng bintana...

Pagkatapos kong magready ng bibihisan ko nilagay ko na yun sa kama at kumuha na din ako ng tuwalya pero bago ako tuluyan pumasok ng cr lumapit muna ako kay ate...

"Ate alam mo kung ako sayo kalimutan mo nalang yung mr.jepjep mo at ibaling mo nalang yang pagtingin mo sa iba kesa nagmumukmok ka jan hayysst! Atsaka nanjan naman si kuya marco eh malay mo magka-ibigan din kayo nyan...at kung tadhanang magkita ulit kayo nung mr.jepjep mo magkikita at magkikita din kayo sa huli nyan..." sabi ko at tuluyan na akong pumasok ng cr...

I Love You FOREVER And EVER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon