Marco's P.O.V
Nandito ako ngayon sa isang finest silver jewelry. At alam nyo naman siguro kong bakit ako nandito. Balak ko na kasi magpropose kay jenna hehehe.
"Kuya ano may napili ka na ba para kay sakanya?" - Tanong saakin ng kapatid ko.
Nga pala isinama ko siya dito para tulungan ako sa pagsurprise kay jenna, samantalang sila tita, missy at mea ay kasama naman si jenna mamasyal para libangin siya at mamaya uuwi na kami ni marvin dahil ireready ko na ang dapat ihanda.
"Ou may napili na ako, ito oh." - Sabi ko sakanya sabay turo sa napili ko.
Napatingin naman siya sa tinuro ko at napangiti siya.
"Nako kuya, hindi ko alam kong anu magiging reaksyon ni ate jenna pero panigurado sobrang saya nun dahil dyan." - Sabi niya saakin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at binili ko na yong napili kong singsing para sa magiging asawa ko.
Oo tama ang narinig nyo! Mag popropose na ako sakanya kaya wish me luck guys!
Simpleng singsing lang siya pero gusto ko yong design niya kasi nakainfinity siya. Dahil gusto ko habangbuhay ko na siyang makasama. Nagkakahalaga din ito ng mahigit isang libo. Ganon ko siya kamahal.
Nang makauwi na kami ni marvin inihanda na namin ang mesa at kandila pati na rin ang pagkain namin nilagyan din naming design ang paligid may mga pa heart kaming design, at may pa lobo din kami sa sahig naglagay din kami ng christmas light, pati nilagyan ko ng mga petals simula sa pwesto ng mesa namin na pagpypwestuhan naming dalawa hanggang sa pintuan.
Nang maayos na ang lahat tinext na namin sila tita na bumalik na dito sa bahay dahil ready na ang lahat sila nalang kulang lalo na ang pakakasalan ko.
Nagtext naman si tita na pabalik na sila kaya naman nagtago muna kami ni marvin niready ko na ang singsing at si marvin naman hawak na niya ang gitara.
Maya maya narinig na namin na bumukas ang pinto.
Sinilip ko naman kong sino at nakita kong si jenna iyon. Pinasimulan ko na kay marvin na tumugtog.
Nakita kong napatakip si jenna sa bibig niya at hindi siya nakagalaw sa gulat. Hanggang sa unti unti siyang naglakad palapit sa mesa naming dalawa.
Kaya naman pumunta ako sa likuran niya at inihanda ang isang box.
"Jenna." - Tawag ko sa pangalan niya.
Napalingon naman kaagad siya saakin at nakita ko naman siya na naiiyak.
"M-marco. Anong meron? Bakit may pa ganito?" - Tanong niya saakin habang tumutulo ang luha niya.
Kaagad ko naman pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaki kong daliri.
"Sshh! Huwag ka ng umiyak dyan." - Sabi ko. Hanggang sa bigla akong lumuhod sa harapan niya.
"H-hoy! A-anong ginagawa mo? Tumayo ka nga dyan!" - Sabi niya. Hinihila niya ako patayo pero hindi niya magawa dahil mas malakas ako sakanya. Kaya naman sumuko nalang siya.
"Jenna. Alam kong marami tayong pinagdaanan, marami ang nanira saatin, sa relasyon natin pero kahit ganoon hindi tayo nagpatalo hindi ba? Sabay nating nalagpasan iyon. Kaya naman ngayong maayos na ang lahat gusto kong gawin sayo toh, sana pumayag ka." - Sabi ko. At inilabas ko na ang isang maliit na box na may singsing at binuksan iyon sa harapan niya.
Napatakip ulit si jenna sa bibig niya sa gulat at nanlalaki ang matang napatingin siya saakin habang walang preno ang luha niya sa pagbuhos.
"Marco." - Sambit niya sa pangalan ko.
"Jenna. Will you marry me?" - Sabi ko sakanya.
This time napahagulhol na si jenna sa sinabi ko kaya naman nag alala ako sakanya.
Tatayo na sana ako para aluhin siya dahil nag aalala ako ng pigilan niya ako.
"Marco. Yes! I will marry you. Pakakasalan kita marco. Kaya isuot mo na saakin yang singsing na yan dahil ang ganda." - Sabi niya saakin.
Ngayon naman ako na ang napaiyak sa sinabi niya saakin, kaagad kong sinuot sa daliri niya ang singsing at tumayo na ako, sabay kaagad ko siyang binuhat dahil sa sobrang saya.
"Yes! Yes! Pakakasalan ako ni Jenna." - Sigaw ko.
"Hoy ano ba! Ang ingay mo nakakahiya sa kapitbahay." - Sabi niya saakin at tinapik ng mahina ang balikat ko.
"Pssh! Ano naman? Atleast magpapakasal ka saakin." - Sabi ko sakanya sabay nginisihan siya at hinalikan.
Maya maya narinig namin na may nagpalakpakan sa likuran namin.
"Congratulations sainyo mga anak." - Sabi saamin ni tita habang nakangiting nagpapapalakpak saamin at niyakap kami.
Sumunod naman si Missy at Marvin naman ang bumati saamin at niyakap kami.
"Congrats ate at kuya." - Missy.
"Congrats bro at ate jenna." - Marvin."Salamat sainyo." - Sabay naming sabi ni Jenna.
Pati na rin si mea binati na rin kami at niyakap.
"Congrats sainyo ah! Huwag mong sasaktan yang kaibigan ko ah." - Sabi ni mea saakin. "At ikaw naman, masaya ako para sayo dahil nahanap mo na destiny mo." - Sabi naman niya kay Jenna.
"Huwag ka mag aalala, hindi ko sasaktan ang kaibigan mo." - Sabi ko. Sabay hinapit ko ang bewang ni Jenna para mapalapit saakin. "Mahal ko kaya to." - Sabi ko at tinitigan si Jenna na nakatingin rin saakin.
"Nako maiwan ko na nga kayo, baka langgamin ako bigla sa kasweetan nyo hahaha." - Sabi ni Mea saamin at umalis na siya.
Ako naman inalalayan ko si Jenna na umupo at ako sa harap niya.
Masaya kaming nag uusap tungkol sa proposal na ginawa ko sakanya at bakit daw biglaan sinagot ko naman mga tanong niya at sinabi ko rin na bukas na bukas na ang kasal namin. Nagulat naman siya doon pero wala na siya magagawa kasi nakaplano na yon.
Masaya ako na ang babaeng pakakasalan ko ay ang babaeng matagal ko ng gusto at minamahal. Wala ng mas hihigit pa sa nararamdaman ko para sakanya. Siya lang ang babaeng bukod tangi kong minahal.
-
-
-
-
-
-Aww ito na talaga guys. Ending na huhuhu..
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER And EVER [Completed]
FanfictionPaano kong sa isang iglap bigla mo nalang malalaman na may inampon yung magulang nyo na anak lang ng kaibigan ng magulang nyo? Maiinis ka kaya dahil magkakaroon kayo ng kahati ng kapatid mo sa pagmamahal ng magulang nyo? o matutuwa dahil magkakaroon...