Marco's P.O.V
Kasalukuyan akong nakahiga ngayon dito sa bago naming tulugan ni marvin at yung kapatid ko tulog na tulog pa...
Pero nandun toh kela jenna malamang sa malamang alas sais pa lang wala na toh sa higaan pano maaga din nagigising si missy...
Hayy! Nakakamiss lang si jenna ito na ulit yung bagong simula ng buhay ko THE DAY WITHOUT HER...
Tumayo na ako sa higaan at binuksan ko yung bintana...
Andaming tao sa labas halos yung iba busy maglaba, tumambay, naglalaro yung mga bata, nagkukwentuhan, yung ibang mag asawa nagbabatuhan na ng mga gamit dahil sa away hayy!
Ganito kagulo dito sa skwater area tsk! Buti pa dun kela jenna tahimik lang masaya kaming namumuhay dun kahit nasaktan ko sya...
Alam ko namang mahal na ako ni jenna kasi hindi naman magiging ganun yung reaksyon nya nung makita nyang magkahalikan ni sofia kung hindi nya ako mahal di ba? Tska hindi dapat sya iiwas sakin...
Iniisip ko naman sya.. Naku dapat ngayon wag ko na syang iisipin masasaktan lang ako...
Hindi ko nga alam kung kelan ulit kami magkikita eh...
Halos 1 day pa lang akong wala sakanila.. Sana maging masaya pa rin sya...
Maya-maya lang nakaramdam na akonng gutom..
Bumaba muna ako saglit para kumain pero nakita ko agad sa sala si tita monica na syang kumuha samin kahapon...
Ng makita ko sya babalik na sana ako ulit sa kwarto ng...
"Marco kumain kana dito.. Tska pwede ba? Nandito kana sa pamamahay ko kaya wag kang aasta ng ganyan atsaka mamaya mag uumpisa na kayong magtrabaho ng kapatid mo.." sabi nya...
Aba! Pagkatapos nya kaming kunin? Tapos ayaw nyang ganito ang asta ko? Anung gusto nya matuwa ako? Tumatalon kasi inampon nya kami? Eh samantalang nung nabubuhay pa sila mama nun ni hindi man lang sila makadalaw sa bahay kahit nung namatay ni dumalaw sa lamay wala man lang ginawa tapos ngayon? Tss! Ewan ko nalang...
Hindi ko nalang sya pinansin at dumiretso ulit ako sa kwarto at nilock iyon...
Binuksan ko nalang yung radyo at nagulantang ako sa isang balita...
*Isang nagbabagang balita sa oras na ito*
Anak na panganay ni mr.&mrs. salazar nawawala matapos ang dalawang oras na klase bago ito umuwi... Ng susunduin na ng ama nito yung anak nya sinabi ng mga kaeskwela nakauwi na pero wala pa sa bahay nila kung gayon nasaan kaya ngayon ang anak nila na si jenna salazar? Gayong wala naman tong ibang pinupuntahan bukod sa swelahan nila?
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER And EVER [Completed]
FanfictionPaano kong sa isang iglap bigla mo nalang malalaman na may inampon yung magulang nyo na anak lang ng kaibigan ng magulang nyo? Maiinis ka kaya dahil magkakaroon kayo ng kahati ng kapatid mo sa pagmamahal ng magulang nyo? o matutuwa dahil magkakaroon...