Jenna's P.O.V
"M-marco? Anong ginagawa mo dito? Ililigtas mo na ba ako?" - Tanong ko sakanya habang nanlalaki ang mata kong nakatingin sakanya.
Napatingin naman siya saakin at nginitian ako. Kapagkuwan ay bumaling ulit siya ng tingin kay carlo at sofia.
"So superhero ka na niyan?" - Sabi ni sofia kay marco, sabay napatingin sya saakin. "Ahahaha at feeling mo naman bida ka na niyan?" - Sabi niya saakin.
Badtrip na babaeng toh, panira ng moment walanjo naman.
"So? Okay lang maging bida, atleast hindi ako bida bida na katulad mo." - Sabi ko sakanya sabay inirapan ko siya.
Nakita ko naman na nagtatagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niyang nakatingin saakin kaya napangisi ako sakanya.
Ha! Ano ka ngayon? Edi natamaan ka. Tss!
"Tama na yan! Simulan na natin ang laban ng matapos na to." - Sabi naman ni carlo na epal.
"Sige tama yan, ng makalaya na ako dito sa pangit mong lugar." - Sabi ko naman sakanya.
Kampanteng kampante ako ngayon magsalita kasi nandito na si marco para iligtas ako. Bwahahaha!
Maya maya nag-umpisa ng maglaban si marco at carlo. Nanuod lang ako sakanila kong paano sila magbugbugan. Chinecheer ko din si marco para naman ganahan siyang sumuntok di ba?
Pero nagulat nalang ako ng bigla nalang akong sinugod ni sofia at pinagsasabunutan ako.
"Hayop ka! Lahat inaagaw mo sakin. Lahat nalang nasayo! Ano bang meron ka ha? Ng wala saakin?" - Sigaw ni sofia habang patuloy pa rin sya sa pagsabunot saakin.
"Aray! Aray! Ano ba ang buhok ko! Pag ako nakalbo tingnan mo hindi rin ako magdadalawang isip na kalbuhin ka kapag nakaligtas ako dito." - Sigaw ko rin sakanya pabalik.
"Ha! Bakit sa tingin mo makakaligtas ka rito? Asa ka!" - Sabi naman niya at pinagpatuloy ang pananabunot niya saakin.
Bwisit talaga tong babae na to. Malapit ko ng maialis ang gapos sa kamay ko humanda talaga siya saakin kapag nakalaya na ako.
At nang sa wakas ay natanggal ko na napangisi naman ako kahit na nananakit na ang anit ko sa kaka-sabunot niya saakin. Hindi naman ako makalaban kasi may gapos pa ako pero ngayon ako naman.
Kaso nga lang nakagapos pa ang paa ko langya naman oh! Ang ginawa ko sinubukan kong tanggalin ang tali sa paa ko habang sinasabunutan ako ni sofia, kahit na hirap na ako kinakaya ko pa rin. Para saakin din naman ito.
Nang matanggal ko yung tali ko sa paa ko.. Kaagad na akong tumayo ng maayos at natumba naman bigla si sofia.
"Nakarami ka sakin ah! Ako naman ngayon." - Sabi ko sakanya at nginisihan ko siya.
Kaagad naman itong tumayo at susugod sana ulit sakin ng makarinig kami ng tunog ng sasakyan ng mga pulis.
Natigilan kaming lahat sa narinig. Tatakbo na sana si sofia ng higitin ko ang buhok niya. Kala niya ah.
"Aray bitawan mo ako." - Sabi niya.
"Aba! Balak mo pang tumakas? Pagkatapos ng ginawa niyo saakin?" - Sabi ko sakanya.
"Sinong nagtawag ng pulis? Sino?" - Sigaw ni carlo sa mga bouncer niya.
Nakita naming nagtaasan ng kamay ang mga natirang bouncer. Kaya naman napangisi ako.
"Ano? Bakit kayo nagtawag ng pulis? Alam niyo bang tayo ang mapapahamak----" - Carlo.
Natigil ang pagsasalita ni carlo ng marinig naming may pumutok na baril.
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER And EVER [Completed]
FanfictionPaano kong sa isang iglap bigla mo nalang malalaman na may inampon yung magulang nyo na anak lang ng kaibigan ng magulang nyo? Maiinis ka kaya dahil magkakaroon kayo ng kahati ng kapatid mo sa pagmamahal ng magulang nyo? o matutuwa dahil magkakaroon...