Chapter 13

318 4 3
                                    

** Noah's POV

Lumipas ang mga araw ay mas nakilala ko kung ano at kung sino talaga si Hansel. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa dun sa Journal ni Hansel.

Lahat ng mahahalagang mangyari sa kanya nakasulat doon. Naikwento niya kung paano siya niligawan ni Alex, kung paano siya saktan ni Kyle at tungkol kay Cassandra.

Nalaman ko din na may hinanakit siya sa mga magulang niya dahil sa kawalan ng oras nito sa kanya.

"Uy Hansel tinatawag ka ni Sir kanina pa .." sabi ng katabi ko. Nasa klase ako ngayon ngunit dahil sa mga iniisip ko ay nawala ang atensyon ko sa klase.

"Mr Valderama pay attention to my class!" bulyaw sakin ni Sir Anthony, Chemistry teacher namin.

"I'm sorry sir.." pagpapaumanhin ko.

Pilit kong tinuon amg atensyon ko sa klase. Buti nalang at tumunog yung bell hudyat na tapos na ang klase. Lunch break na namin kaya nag-uunahan ang mga kaklase kong makalabas. Habang nililigpit ko ang mga gamit ko ay may naglapag ng tatlong rosas sa mesa ko.

"Hi .." si Marco.

"Para san ang mga yan?" sarkastiko kong tanong.

"Para sayo pinapabigay ni Alex.. " ngiti nitong sagot. Nakatingin sa amin lahat ng mga kaklase ko. Tinignan ko silang lahat ng masama, halatang natakot silang lahat kaya agad silang umalis at bumalik sa kung ano man ang ginagawa nila.

"Grabe .. Isang tingin mo lang natakot silang lahat ah .." manghang sabi ni Marco.

"Kasi alam nila anong mangyayari sa kanila pag di sila tumigil .." pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit ko. Tumayo ako sabay sabit ng backpack ko sa balikat ko.

"Walang lamay dito Marco kaya alisin mo yang bulaklak mo sa harap mo .. Dahil kung hindi .. ikaw ang paglalamayan" seryoso kong saad sa kanya.

"Chill ka lang Hansel .. 'kaw naman .. Napag-utusan lang naman ako.." depensa nito.

"Kung gusto makipag-usap sakin nung may-ari niyan siya mismo ang lumapit sakin.."

"Roger that! Astig mo na talaga ngayon Bansot .. Ah- este Hansel .."

Naglakad na ako paalis at iniwan dun si Marco. Natatawa ako sa mga estusyante dito. Kapag dumadaan ako walang humaharang, umaalis sila sa dadaanan ko.

Tahimik akong kumakain ng tanghalian ng lumapit sakin si Cassandra. "Please naman pwede ba kahit ngayon lang gusto ko ng katahimikan!" sabi ko sa sarili ko.

"Hi Hansel!' masayang bati niya sakin.

"Plastic .." sabi ko.

"May sinabi ka?' tanong niya.

"Wala .. sabi ko gawa sa PLASTIC 'tong lalagyan ng pagkain.." sabi ko. Alam ko may binabalak na naman 'tong bakekang na 'to. "What brings you here Cassandra?" tanong ko.

"Oh right .. I'll be throwing a party this weekend, all our classmates were invited.. so it would be great if you'll be there" sabi niya. Eninglish pa ako ni Bakekang. Kala niya siya lang marunong ah!

"Oh .. That's exciting! I would love to! Expect me to be there .." ngiti kong sagot.

"So .. see you on Friday! Bye!" agad siyang umalis.

*** Cassandra's POV

Buti pumayag si Hansel. Tanga pa rin talaga hanggang ngayon. Excited na ako sa gagawin ko sa kanya this friday night.

"How was it Cass?" tanong sakin ni Margery.

"Just like before Cass, he's coming. I thought he'll decline." sabi ko sabay upo sa table namin.

"So, everything is settled then?" tanong sa akin ni Margery.

"Yes Marg. Dahil pupunta si Hansel, Alex will be there too.." sabi ko sabay smirk.

*** Alex's POV

Nilapag ni Marco 'yung roses na dapat pinabibigay ko kay Hansel.

"Di niya tinanggap?" tanong ko.

"Di ba obvious? Seriously!? Dude!? Nasan na ba 'yung confidence mo!? 'yung Alex dela Riva a.k.a Mr Tough Guy!?? Kailangan pa talaga ako pa utusan mo para ipaabot 'to kay Hansel?" bulyaw sakin ni Marco.

"Iba si Hansel Marco .. He's different!" sabi ko.

"Alam mo ba muntik na niya akong balian ng leeg kanina!? You should have seen his death glares! God! Lahat ng kaklase niya takot sa kanya!" sigaw Marco sakin.

"Okay! Okay! I'm sorry! Ako na magbibigay sa susunod!" sabi ko.

"By the way.. Cassandra will be throwing a party this weekend!!" si Marco with matching taas ng kamay.

"Diba sabi ko, anything and everything about that girl ay di ako interesado!" sabi ko.

"Hansel will be there!" seryosong saad ni Marco.

"Sinasabi mo lang yan para sumama ako.."

"I'm serious dude!" sabay hampas ni Marco sa mesa.

"At paano ka nakakasiguro?!"

"Cassandra invited all of our former classmate 'nung Third year, which includes me," sabay turo niya sa sarili niya.."you.." turo sakin.. " And Hansel!" sabay turo sa kanan niya. Nandun nga si Hansel. Kumakain.

"Paano ka nakakasiguro na pupunta si Hansel!?"

"He's the Main Guess! That party will serve as a comeback party for Hansel.."

"Okay .. I'll be there.. I know may binabalak si Cassandra .." sabi ko.

"Yes!!! Sabay na tayo pumunta doon!" sabi ni Marco.

********** A/N

Pasensya na kung medjo natagalan akong mag update!

medjo busy lang.

dedicated to kay:

greysmyle

When I'm With You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon