Chapter 1

1.2K 5 1
                                    

''beep ... beep.'' Ang sakit ng ulo ko, ang bigat ng mata ko.. ''beep .. beep .. '' , teka ano ba yang maingay na yan .. '' beep .. beep .'' pinipilit kong idilat yung mga mata ko pero parang dumoble ang bigat nito.. ''beep .. beep'' sa wakas naidilat ko ng konti yung mata ko pero agad kong naipikit ulit dahil sa nkakabulag na liwanag, idinilat ko ng konti yung mga mata ko nang medjo nasanay na sa liwanag yung mata ko ay saka ko pa natignan ng maayos yung buong paligid. Maraming nakakabit sa katawan ko, sa may kanan ko eh isang malaking bintana na may puting kurtina sa kaliwa ko naman may mga monitor na may kung anu-anong linyang lumalabas, dun pala galing yung ingay na kanina ko pa naririnig, malambot at kulay puti ang kama na hinihigaan ko sa may kanang parte ng kama ay may lamesa na may bulaklak, sa harap ko naman ay may malaking painting na hindi ko maintindihan, sa kaliwang sulok ng silid ay may pintuan.

Iniangat ko bahagya ang kaliwa kong braso, marami akong pasa at sugat. At parang bumaha saking utak ang lahat ng nangyari na dahilan upang sumakit bigla yung ulo ko. ''Aarrgghh!!!!'' napasigaw ako sa sobrang sakit.

Agad na bumukas yung pinto at lumabas mula doon ang isang babae, medjo may edad na pero maganda parin ito, bakas sa hitsura nito ang pag-alala. ''Gising ka na pala hijo eto inumin mu itong gamot para maibsan ang sakit ng iyong ulo ..'' sabay abot sakin nung maliit na gamot at isang basong tubig. Agad ko itong ininom at maya-maya pa'y umipekto agad ito. Medjo kumalma na ang paghinga ko.

''You need to rest hijo, matulog ka muna .. alam ko maraming kang tanong .. ipagpabukas mu na muna iyon, we still have much of time..'' sabi nung babae. Tumango na lang ako at humiga. Tumalikod na yung babae para lumabas ng kwarto pero bago ito lumabas ay tinignan muna ako nito at ngumiti saka lumabas. Pinikit kong muli ang mata ko at agad na nakatulog.

<m(__)m>

When I'm With You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon