Chapter 9

306 5 0
                                    

** Hansel/Noah's POV

Sa wakas natapos na din ang unang araw ko dito. Unang araw ko pa lang ang dami na ng nangyari. Paano nalang kaya kapag nagtagal pa to.

Alam ko na pumayag akong magpanggap bilang si Hansel. Kaya paninindigan ko to. Marami pa.akong di alam tungkol kay Hansel. Mamaya pagkauwi ko magtaanong ako kay Manang Loleng para naman may konti akong alam kay Hansel.

Naglalakad ako ngayon palabas ng campus. Sinundan ko lang yung mga dinaanan namin ni Kyle kanina. Di ko pa din kasi kabisado ang pasikot-sikot dito eh, sa laki ba naman ng eskwelahang ito.

"Hi Hansel .."

May boses ng isang babae ang biglang nagsalita sa likuran ko. Akala ko wala na akong makakaharap pang isang tao na na may kinalaman kay Hansel. Dahan-dahan akong humarap dun sa pinanggalingan ng boses.

"How are you? Didn't you miss me?" sabi nung Babae. Maganda ito pero napuno ng make-up ang mukha nito. Masyadong mapulang labi dahil siguro sa lipstick. Naka shorts lang ito. May hawak-hawak na can ng coke ito.

May kasama itong babae. Maganda din pero pareho rin sa kanya puno ng make-up ang mukha.

"Sorry? Di ko na kasi maalala pangalan niyo eh .. " mahina kong sagot.

"Aba! Narinig mu ba yun Cass? Hindi niya daw tayo maalala?" sabi.nung pangalawang babae. So Cass pala pangalan nung isa.

"Well, magpapakilala ako ulit sayo.." akmang ibubuhos niya yung inumin niya sakin kaya.agad ko itong kinabig ng kamay ko. Napakalumang paraan ng pambubully, di uubra yan sakin. Kaya siya mismo ang nabasa ng sarili niyang inumin.

"WHAT THE F*CK!!" sigaw nung Cass.

"Alam niyo di uubra sakin yang mga ganyan. Napakaluma na ng style niyo sa pambubully .." sabi ko. "Di sana ako pumapatol sa mga babae, since mukha naman.kayong bakla dahil sa kakapal ng mga make-up niyo papatulan ko kayo.."

"You Fag!" akmang susugurin ako nung Cass. Kaya agad kong hinawakan ang leeg niya gamit ang kanang kamay ko. Kahit na medjo matangkad sakin tong Cass na 'to eh yakang-yaka kong patumbahin to. Lalake ako kaya mas malakas pa din ako sa kanya. Nagulat sila sa.ginawa ko.

"Get off your filty hand you fag!"

"Di mo alam kung anong kaya kong gawin sayo Cass o kung ano mang pangalan mo, Kaya kung ako sayo wag na wag niyo akong guguluhin kung ayaw n'yong maka face to face si Hudas.." binitiwan ko ang leeg niya. "And oh by the way .. Nice to meet you .. Cass" sabay kindat. agad akong tumalikod at umalis.

Hindi ko.maintindihan bat ang daming nambubully sakin .. siguro palaging binubully dati si Hansel. Siguro nga ganun. Basta magtatanong ako mamaya kina Tita at Manang.

Nagring yung cellphone ko sa bulsa. Binigyan ako ni Tita kagabi incase daw na may kailangan ako ay tawagan ko lang daw siya.

Si Tita pala ang tumatawag.

"Hello.. "

"Hello Noah .. how's your first day?" si Tita.

"Ayos - lang naman .." pagsisinungaling ko. Ayaw kong mag-alala si Tita.

"Thats good! Well, tumawag lang naman ako para makausap at kamustahin ka .."

"Ayos lang ako .. kayo po kamusta?" tanong ko.

"Hay naku Noah nakakapagod .. kaliwa't kanan ang pasyente ko dito sa clinic.. pauwi ka na ba?"

"ah oo .. bale hinihintay ko nalang po si Manong Chris .."

"okay sige mag-iingat ka .."

"okay po .. kayo rin po .."

"Bye Noah .."

"Bye Tita .." naputol na ang linya. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na may itatanong ako tungkol kay Hansel. Siguro mamaya nalang sa bahay.

Sakto namang huminto sa harap ko yung sasakyan kaya agad na akong pumasok.

"Pasensya na Sir kung natagalan ako.. ang traffic kasi ng daan papunta dito .." pagpapaliwanag ni Mang Chris.

"Ayos lang ho yun Manong Chris.." ngiti kong sagot.

Nakahinga na ako ng malalim. Wala ng manggugulo sakin. Hiniga ko muna ang ulo ko at pinikit ko ang mga mata ko. Ilang saglit lang ay nakatulog na ako.

When I'm With You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon