Chapter 16

230 5 2
                                    

AN: Okaayy .. so I accidentally uploaded the last chapter. Sorry tatanga-tanga kasi ako minsan eh. So here's Chap. 16.

** Alex POV

"Dude napanood mo ba yung video ni Cass?" si Marco. Kay aga-aga puro chismis na pinagkakaabalahan.

"I don't have time for that things.." sabi ko.

"You know what Alex? You've been acting like an old grumpy man! What's wrong?!" nag-alalang tanong ni Marco.

Napabuntong hininga ako. Tama siya, nitong mga nakaraang araw ay ang dali kong maiinis at mawalan ng pasensya sa mga simpleng bagay.

"I'm sorry .. I was just tired thats all .." pagdadahilan ko.

"C'mon tell me what's bugging you? Tungkol ba 'to kay Hansel?" si Marco sabay umupo sa tabi ko.

"Yeah .. kind of .." sabi ko.

"Oh .. What about him?" tanong ni Marco.

"It's like he's a different man now .. Parang hindi ko na siya kilala .. I know I did a horrible thing on him but you know I've been regretting it since the day after that incident happened.."

"I know na ginagawa mo na ang lahat para mapatawad ka niya pero you can't blame him for hating you that much .. " si Marco.

"Dude you're not even helping!" bulalas ko.

"Okay-okay! I'm sorry! Easy ka lang .. Basta ipakita mo lang na sincere ka sa paghingi mo ng kapatawaran .. He's really hard to please .." si Marco.

"Yeah .. I'll never give up .."

** Noah's POV

Lunch Break ngayon, ako lang mag-isa ang naiwan sa classroom, kaya naiisipan kong magbasa ulet sa journal ni Hansel. May ilang entry nalang ang natitira.

Kinuha ko sa bag ko journal ni Hansel at agad na binasa..

Dear Diary,

   Ang saya-saya ko ngayon kasi nagdate kami ni Alex. Malapit na nga pala ang 1st Monthsary namin! excited na ako.

    Kaninang umaga habang naglalakad ako papuntang classroom may tina-

    tinawag ako ni Alex. "Hansel!" kahit na nakatalikod ako, kilalang-kilala ko kung kaninong boses iyon.

"G-good Morning .." bati ko.

"Good Morning din!" nakangiti niyang bati sakin.

"May kailangan ka?" tanong ko.

"Yayain sana kita mamaya pagkatapos ng klase. Labas tayo!" nakangiting tugon ni Alex.

"Sige .. " maikli kong sagot.

"Kita tayo mamayang 4:30 sa labas." at agad na umalis si Alex. Oo, kami nga pero sabi niyang isecreto lang daw namin. Ayos lang naman sakin 'yun. Ang mahalaga ay nagmamahalan kami.

Pagkatapos ng klase ay agad akong naghintay sa kanya sa labas ng school. Ilang minuto lang akong naghintay at agad na dumating si Alex. Niyaya niya ako papunta sa sasakyan niya.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta malalaman mo na lang mamaya.." nakangiting sagot ni Alex.

Tahimik lang kami sa buong byahe. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Napagod siguro ako sa buong araw ko sa school.

"Hansel nandito na tayo .." paggising sakin ni Alex.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Malapit na pala maggagabi. Agad akong lumabas. Nasa harap kami ng isang restaurant.

"Masarap ang pagkain dito kaya dito kita dinala .." si Alex sabay akbay sakin.

Pumasok na kami sa loob at umupo malapit sa may veranda ng restaurant. Nasa may tabing dagat pala ito. Hapon na kaya ang ganda mg view ng sunset.

"Dinner by the Sunset, masyadong cheesy ba?" tanong sa akin ni Alex.

"H-hah? Hindi naman .. S-sweet nga eh .." nakangiti kong sagot.

"Buti naman kung ganun .." si Alex.

Pagkatapos nun ay dumating ang isang lalaki malamang siya yung waiter.

"Good Afternoon Sir Alex, anong order natin for tonight?" nakangiting tanong nito.

"Yun pa rin Randy. Gusto ko matikman ng kasama ko ang favorite naming pagkain dito.." si Alex.

"Okay Sir.." agad na umalis yung Randy.

Agad na dumating ang pagkain na inorder ni Alex. Tama siya, talagang napakasarap nito!

"Ang sarap nito ah!" bulalas ko.

"Kaya nga paborito namin yan nina Mama't Papa," nakangiting tugon ni Alex.

Pagkatapos ay agad kaming umalis sa Restaurant.

"S-salamat sa pagttreat sakin Alex .."

"Hindi yun basta lang treat, first dinner date natin yun .."

Napatingin ako kay Alex, nakangiti itong nagmamaneho.

"Enjoying the view?" pukaw sakin ni Alex.

Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa kanya.

"S-sorry .."

"Tumitig ka lang hangga't gusto mo .. sayong sayo lang naman talaga ito.."

Uminit bigla ang pisngi ko sa sinabi niya. Bumilis yung tibok ng puso ko. Huminto bigla ang sasakyan.

"We're here .." si Alex.

Nasa tapat na pala kami ng bahay.

"Salamat sa d-dinner Alex."

"Walang anuman,"

Bababa na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko't sabay hila sakin at hinalikan ako sa labi.

"Ayan, kumpleto na ang gabi ko .."

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Agad akong bumaba at pumasok sa bahay dumeretso sa kwarto ko-

     - ko, ang bilis ng pangyayari. Di man lang ako nakapagpaalam kay Alex. Si Alex ang first kiss ko!! Mahihirapan akong makatulog nito ngayon. At bukas di ko alam kung pano haharapin si Alex!!

  Anyway, dito na muna. Good Night :*

"Uy Hansel!", si Marco.

"Uhh.. Marco! Baket?"

"Wala, nakita kasi kitang nag-iisa dito bat ang seryoso mo habang nagbabasa? Teka ano yang binabasa mo!? Patingin!" umandar na naman ang pagiging makulit ni Marco.

"Don't you dare!" seryoso kong sagot.

"Okaaaay~" sabay taas ng kamay ni Marco. "teka? san ka pupunta?"

"Kakain lang ako, Teka bat ba ang dami mong tanong?!" mukhang may tinatago itong si Marco.

"Wa-wala! Sige! Aalis na ako!" aalis na sana siya nang hawakan ko collar ng damit niya.

"Spill the bean Marco, kung ayaw mong masaktan!" sabay seryosong tingin.

"Sa-sabi kasi ni..''

"Sino!?"

"Ni Alex na babantayan kita!" natatarantang sagot ni Marco.

"I've said this in a million times, I can handle myself," binitiwan ko na si Marco. "Tapos ikaw magbabantay sakin? C'mon Marco, I'm even more stronger than you".

"Napagutusan lang naman ako eh.."

"Nga pala .. Pakisabi kay Alex, kakausapin ko siya bukas.''

"Aye aye Captain!!" sabay salute ni Marco.

*******
A/N: Chapter 16 is out. Sana nagustuhan niyo!

When I'm With You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon