Chapter 4

323 1 0
                                    

Natigilan ako sa narinig ko. Ako magpapanggap bilang si Hansel? Naputol ang pag-iisip ko ng biglang nagsalita si Tito Art.

''That's crazy Elizabeth! Have you lost your mind?! Pagpahingahin mo na si Hansel Elizabeth!'' sigaw ni Tito.

''Hindi ako titigil hangga't di nagbabayad ang may dahilan kung ba't nagpakamatay ang anak ko!'' humagulgol ulit ng iyak si Tita.

Mahal na mahal niya siguro si Hansel, napakaswerte siguro ni Hansel dahil mayroon itong mapagmahal na magulang habang ako lumaki ng di ko man lang sila nakilala. Anak Mayaman si Hansel habang ako kulang nalang ang mamalimos para lang may makain.

**flashback**

'Hays maggagabi na konti pa rin 'tong mga kalakal ko', sabi ko sa sarili ko habang tulak-tulak ko ang kariton ko. Sumasakit na rin ang tiyan ko't nanghihina na rin ako, kaninang umaga pa kasi ako huling nakakain.

'ayun may tambakan!', dali-dali kong tinungo yung tambak ng basura at agad na naghanap ng kalakal. Bale wala sakin ang mabahong amoy at dumi, ang importante lang sakin nung mga panahong iyon ay ang makahanap ng kalakal at ipagpalit sa pera upang may makain.

'hoy bata! alam mo bang bawal yan! at ang dumi-dumi pa, umalis ka nga diyan!'', sabi nung mama.

'basura na nga pinagdadamot pa', sabi ko.

'anong sabi mo?', yung mama ulet.

'wala ho, aalis na ho, pasensya na ..', sabi ko.

'maligo ka nga ang baho mo!', sigaw nung mama habang papalayo sakin.

'mas mabaho pa ugali niyo kesa amoy ko! basura na nga pinagdadamot pa!' sigaw ko at agad na binilisan ko ang pagtulak ng kariton.

Kinagabihan ay naipagpalit ko na yung mga kalakal ko. Bente pesos lang lahat ng kita ko. Bumili ako ng tinapay para lang may makain.

Pumwesto ako sa isang parke upang doon magpalipas ng gabi, kaharap nito ang simbahan. Linggo pala ngayon kaya maraming taong nagsisimba. Mayamaya pa'y nagsilabasan ang mga tao malamang tapos na. May nakita akong isang pamilyang masaya , dalawang magulang kasama yung anak nila, kitang-kita sa mga mukha nila ang saya. ''Ang saya siguro pag kasama ko magulang ko ..'' bigla kong nasabi sa sarili ko.

''Mama kumain po tayo dun oh!'', sabi nung bata sabay turo dun sa isang kainan.

''tanungin mu muna papa mo kung ayos lang ba..'' sagot nung Mama nung bata.

''Please sige na po Pa?'' lumingon yung bata sa kaliwa nya.

''Oo na, kakain tayo dun! Ano ba gusto mo? Spaghetti? diba favorite mu yun?'', ngiting sagot nung tatay.

''Opo! tapus icecream!'', tuwang sigaw nung bata.

''kaw talaga, oo na tara na baka maubusan tayo ng upuan.'' pagyaya nung tatay. At umalis na nga sila.

'Ano kaya ang pakiramdam ng may magulang ..' natanong ko sa sarili ko.

**end of flashback**

Binuksan ko ang pinto. Halatang nagulat silang dalawa sa pagpasok ko.

''No-noah ..'', si Tita.

''Papayag ho ako, papayag akong magpanggap bilang si Hansel ..'', halatang mas lalo silang nagulat sa mga sinabi ko.

''Noah ..'', si Tita na may halong pagkagulat at saya sa mukha.

~\(≧▽≦)/~

When I'm With You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon