Chapter 14

292 5 1
                                    

*** Alex's POV

Maaga akong dumating sa bahay ni Cassandra. Mas mabuti kasi na agahan ko baka mauna sakin si Hansel dito't anong gawin sa kanya ni Cassandra. I know she's planning something bad for Hansel.

"Hey Sexy, you came earlier than I thought.." speaking of the devil, si Cassandra. Nakasuot ng maikling short and naka upper swim wear since it's a pool party.

"I didn't came here for you Cassandra .." matigas kong tugon.

"Whatever, just enjoy the night and oh .." bigla siyang lumapit sa aking tenga sabay bulong.."be prepared to witness the main event.." nilayo niya mukha niya sakin. "Ciao Mr. dela Riva." Tuluyan na siyang umalis.

"Subukan mo lang saktan si Hansel Cassandra, I'll make sure you'll pay for it!" sigaw ko.

Parang walang narinig si Cassandra at tuloy-tuloy lang ito sa paglakad at pag-entertain sa ibang bisita.

Everyone's here, mga kaklase namin 'nung third year pa lang kami. May mga schoolmate din namin. Marco's enjoying talking to Jerriel, Hansel's bestfriend.. Ex-bestfriend.

Kinakabahan ako sa mangyayari. God! Sana di na pupunta si Hansel dito.

Napansin kong may tinignan sila sa may terrace ng bahay. Dadaan ka kasi muna sa loob ng bahay bago ka makapunta sa may Garden ng mga Aragon.

Oh GOD! It's Hansel! He did came! He's wearing a black sando and hawaiian shorts. He look so stunning!

*** Hansel/Noah's POV

Naririnig ko na ang malakas na tugtog. Nandito na kami ngayon sa Mansion ng mga Aragon, Cassandra's party.

"Nandito na po tayo Sir.." si Manong Chris.

"Sige ho salamat. Tatawagan ko na lang po kayo pag mag papasundo na po ako.." bumaba.ma ako ng sasakyan at naglakad papunta sa mansion. Medjo kinakabahan ako, dapat hindi ako magpakita ng takot at kaba.

Maganda 'yung bahay. Napakayaman talaga ng mga Aragon. Dumerecho akong terrace, tanaw na tanaw ko ang buong pool at garden area.

Napansin kong nakatingin silang lahat sakin. 'Let the party begin' sabi ko sa isip ko at bumaba na ako.

"Hansel! Glad you came!" si Cassandra sabay yakap sakin.

Agad akong kumawala sa yakap niya.

"Diba sabi ko pupunta ako?" nakangiti kong tugon.

"C'mon, come with me .." sabay hawak sakin at dinala niya ako sa mini-stage.

"Listen everybody!" hininto ang malakas na tugtog. "This gorgeous guy beside me is the main guest of this party, any message Hansel?" tanong sakin ni Cassandra. Lahat ng bisita nakatingin sakin.

"Uhhm well lets enjoy the night! Let the party begin!" sigaw ko.

"WOOHHOOOOO!!!" nagsigawan silang lahat at pinagpatuloy ang party.

"Hansel, maiwan muna kita. May kakausapin lang ako. Enjoy!" umalis na si Cassandra.

Lumapit ako sa may table na puno ng pagkain. Maraming pagkain ang nakalapag sa mesa. May seafoods, salad pat desserts. May mga taga serve pa!

"Akala ko di ka pupunta?" may nagsalita sa likuran ko. Kilala ko ang may-ari ng boses na yun, si Akex.

"Bat mo naman nasabi yan?" hinarap ko si Alex.

"Dati mas gusto mo pa magkulong sa kwarto mo kesa pumunta sa ganitong mga party, especially Cassandra's party." si Alex.

May dumaan na lalake na may dala-dalang inumin kaya kumuha ako. Tumango ako sa lalake bilang pasasalamat.

When I'm With You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon