Chapter 7

314 4 0
                                    

Habang naglalakad kami papunta sa aking classroom ay maraming nakatingin sa amin. Si Kyle naman ay palaging nagkukwento ng kung anu-ano.

"Dito na tayo..", pukaw sa akin ni Kyle.

"Salamat Kyle .."

"Wala yun, " pinagpapawisan si Kyle.

"May gusto ka bang sabihin Kyle?" tanong ko.

"W-wala naman. Sige Aalis na ako. Bye Han!" agad itong umalis.

Pagkapasok ko sa room lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. Agad akong naghanap ng bakanteng upuan. Saktong may isa sa may bandang likuran agad at akong umupo. Hindi pa rin nawawala ang mga kakaibang tingin sa akin ng mga kapwa ko estudyante.

"Uhm bakit may problema ba?" tanong ko. Agad na bumalik sa kani-kanilang gawain ang mga estudyante.

** Cassandra's POV

"Hey Cass have you heard the latest news dito sa campus?" tanong sa akin ng bestfriend kong si Margery.

"I'm not interested Marg. Kung di yan tungkol kay Alex, I'm not into it." sagot ko.

"It's all about this Hansel guy. The one we used to bully before and the one Alex choose instead of you.. " sagot ni Margery.

"I hate that fag! Anong meron sa Hansel na yan?" bigla akong naintriga.

"He's back", sagot sa akin ni Margery.

"What do you mean?" bigla akong kinabahan.

"He's back from States. Dun daw siya nagpagaling dahil dun sa aksidenteng nangyari."

"No way!" sigaw ko.

"So anong plano mo?" tanong sa akin ni Margery.

"Well, we'll make his life miserable .. again. Para pagsisihan niya ang pagbalik niya at bumalik na siya sa kung saang impyerno siya nanggaling." sagot ko.

"Oh ... you're so mean Cass. And I like your idea. Count me in!"

** Alex's POV

Papasok na ako sa St. Nicholas ng tumawag sa akin si Marco, one if my closest friend.

"Yeah?" tanong ko.

"Guess who's back in town?" tanong sa akin ni Marco sa kabilang linya.

"I don't have time for guessing game Marc, just spit it out.."

"Okay okay! Hansel's back .."

"What?! Come again?" tanong ko ulit.

"Hansel Valderama. He's back dude!"

Hindi ako agad nakapagsalita. Nagbalik na siya. May halong kaba at pananabik ang nararamdaman ko.

"Dude? Still there?" nakalimutan ko nasa kabilang linya pa pala si Marco.

"S-sorry .. I'll just talk to you later. Bye." agad kong enend call.

This time gagawin ko na ang tama. Ipaglalaban at poprotektahan kita Hansel. Ayokong may mangyaring masama ulit sayo.

** Noah's POV

Nagring na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Pumasok ang isang lalake, siya siguro ang homeroom teacher namin. Tumayo lahat ng mga kaklase ko at tumayo na rin ako.

"Good Morning class. Before anything else I just want to say we have a new classmate.. Welcome back Mr. Valderama kindly introduce yourself to your new classmates."

Lahat napatingin sa akin. Inihanda ko na ang sarili ko sa ganito kaya agad akong pumunta sa harapan upang magpakilala.

"Good Morning. Ako nga pala si Hansel Valderama.."di ko natapos ang pagpapakilala ko ng may bolang papel na tumama sa akin.

Nagtawanan ang buong klase.

"Sino gumawa nun!?" sigaw ng homeroom teacher namin.

"Pasensya na Sir! Akala kasi namin basurahan yang nasa harapan!" sigaw nung isa.

"Mukhang di mo alam ang tamang pagtapon ng basura Bata." Nilapitan ko yung kumag na nagtapon sakin nung bolang papel.

"Gusto mo turuan kita?"

Akmang magsasalita yung kumag kaya agad kong pinasok yung papel sa bibig niya.

"Ooppss .. Akala ko basurahan. Amoy basura kasi .." nginitian ko ang kumag halatang nagulat siya sa ginawa ko. Bumalik ako sa harap at pinagpatuloy ko ang pagpapakilala.

"Once again I am Hansel Valderama, sanay maging magkaibigan tayong lahat!" pagkatapos ay bumalik na ako sa aking upuan.

When I'm With You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon