Chapter 5

311 2 0
                                    

Nagising ako ng may kumalabit sa balikat ko.

''We're here hijo,'' sabi ni Tita sabay ngiti. Nakatulog pala ako dahil sa haba ng byahe. Paglabas ko ng kotse ay napanganga ako sa laki ng bahay nila.

''Feel at home Noah,'' sabi ni Tito sabay tapik sa balikat ko. Nginitian ko lang ito bilang tugon.

Sinalubong agad kami ng mga katulong, isa-isang binaba ang mga gamit sa sasakyan.

Di pa rin ako makapaniwala na pumayag ako sa mga plano ni Tita Ellie na magpanggap bilang si Hansel.

****

'are you sure about this Noah?', tanong sakin ni Tita.

'opo, wala naman akong uuwian at walang naghahanap sakin tsaka para na rin po 'to sa utang na loob ko po sa inyo ni Tito,' sagot ko.

'salamat Noah,' si Tito.

'kung tutuusin po ako po ang dapat magpasalamat sa pagtulong at pagpapatira niyo sakin dito. Wala po akong planong palitan si Hansel bilang anak ninyo, ang sakin lang ay ang makatulong', sagot ko.

****

'Eto ang kwarto ni Hansel', si Tita sabay bukas nung pinto. Ang laki ng kwarto, kulay asul ang pader na may stripe na skyblue. Sa gitna ay isang malaking kama na may maliit na mesa sa gilid na day lampshade. May computer katabi ng isang malaking skyblue na cabinet. Simple lang ang buong kwarto wala masyadong gamit.

'Eto na ang magiging kwarto mo,' biglang nagsalita si Tita.

'Ayoko po,' sagot ko. Halatang nabigla si Tita sa sagot ko.

'B-bakit Noah?', nag-aalala niyang tanong.

'Di ba po sabi ko di ko papalitan si Hansel bilang anak ninyo? Kaya po ayaw ko po dito,'

'Noah ..', natigilan saglit si Tita. 'Kung yan ang gusto mo,' ngumiti si Tita, ''Maghintay ka muna dito at ipapahanda ko ang kabilang kwarto', pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang umalis.

Lumapit ako sa may mesa na malapit sa kama. May larawan doon ni Hansel. Magkamukha talaga kami medjo maputi lang ito kumpara sakin. ''Ang swerte mo alam mu ba 'yun,''. Nakangiti si Hansel kasama ang mga magulang niya sa picture.

''Handa na ang kwarto mo Sir Noah', si Manang.

''Sige po susunod na ako', ngiti kong tugon. Ngayon ko lang napansin na maraming medals at trophies ang nasa loob ng cabinet.

Pagkatapos 'nun ay lumabas na ako ng kwarto't dumiretso na dun sa kwartong tinuro sakin ni Manang. Nasa loob pala si Tita Ellie, hinihintay ako. Ngumiti ito ng makita ako.

''Tita nandito ka pala dapat sinabi mo na hihintayin mo ko-''

''Call me Mommy Noah'', ngiti niyang tugon. ''Since dito ka na titira tawagin mo akong Mommy,''

''Okay po ... M-Mommy,' tipid kong sagot.

''This Monday papasok ka na sa school, magpahinga ka na. Alam ko pagod ka na dahil sa byahe,'' sabay halik sa noo ko at lumabas na ng kwarto.

Naglinis ako ng katawan at naghanda na upang matulog. ''Kaya ko 'to,'' sabi ko sa sarili ko at nakatulog.

Σ( ° △ °|||)︴

When I'm With You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon