First

698 24 2
                                    

It was that Summer... when my whole life changed because of that one girl.

----

"LORENZO! " I didn't listen to my Mom and continued driving away from our house.

It's vacation time but she keeps on reminding me not to go outside. Stupid right? It's Summer and I have to enjoy this freaking vacation of mine! So why would I lock up myself in my room doing nothing? Psh.

"Bro!" 

"Dumating ka rin!"

"After ten years."

Yan agad ang bati ng mga kaibigan ko pagkarating namin sa ko sa aming tambayan. Eventhough I grew up in States, solid pa rin ang pagkakaibigan namin ng mga kaibigan kong ito.

"Pre." nakipaghigh-five ak sa kanilang lahat.

"Sup?" tapos ay sumandal ako sa hood ng sasakyan ni Steven, isa sa mga kaibigan kong maituturing ko nang parang kapatid ko. Sa States ko yan nakilala kaso lumipat sila dito sa Pilipinas four years ago. Sinuwerte dahil yung mga dating kaibigan ko dito ay naging kaibigan niya rin. Kaya madaling gumimik paggusto namin.

"Wala naman. Bukas mag a-out of town kami. Kayo ba?" sabi ni George, ang Kuya ng barkada.

"Tsk. Kami nga rin eh." iritadong saad ko naman.

Pupunta kasi kami sa Palawan bukas para bisitahin yung Lolo't Lola namin kay Mama. Ayoko ngang sumama ang kaso ikacut nila ang allowance ko. Tsk. Kaya no choice.

"Saan ba kayo?" tanong ni Steven tapos ay hinagisan ako ng isang bote ng beer. Oo, umiinom na kami. Lalo na ako. I started drinking hard liquors when I was ten, up until now. And by the way I'm 19 years old, 2nd year college.

"Palawan." tumango-tango sila sa sinabi ko.

Tumambay lang naman kami dun ng ilang saglit at dumiretso rin agad sa isang bar na malapit. Ayos, sakto lang dahil pagabi pa lang naman kaya't di pa masyadong madami ang tao.

"Hi handsome." may grupo ng babaeng lumapit agad sa table naming magkakabarkada. I smirked at one of them at alam naman na niya agad kung anong gusto ko.

 This is gonna be a long long night for me... again.

*****

"You've been drinking again! Kelan ka ba titigil ha, Lorenzo?! Ni hindi ka man lang umuwi kagabi! My goodness! I almost got a heart attack because of you tapos malalaman kong galing ka lang na naman sa bar!" sermon agad ni Mama pagkapasok ko ng bahay. Tama, hindi ako umuwi kahapon. Eh sa nag-enjoy kami eh.

"Tsk. I'm going to sleep now." walang ganang sagot ko at saka umakyat ng kwarto. Nakasalubong ko pa sa hagdan ang kapatid kong walang kapintasan.

"Wala ka talagang galang. Paano kaya kita naging kapatid." tapos ay ngumisi pa siya bago bumaba ng tuluyan. Nagpanting ang tenga ko at biglang kumulo ang dugo ko.

Sinundan ko siya at agad hinila ang kwelyo ng damit niya at walang sabi sabing sinapak ko siya. Bago pa siya nakaganti ay naawat na kami ng mga katulong at ng umiiyak na si Mama.

"LORENZO! Paano mo iyon nagawa sa Kuya mo?! Wala ka na talagang ginawang tamang bata ka! Wala ka na talagang pag-asang magbago pa!" galit na sabi ni Mama. Napangiti na lang ako ng mapait at saka sila tinalikuran at naglakad paakyat ng hagdan.

"Lagi naman akong mali sa paningin niyo eh. Siya na lang sana ang binuhay niyo." puno ng pait na sabi ko.

Letcheng buhay to! Ang swerte ko!

Good bye, Summer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon