"KUYA ENZO, ready ka na daw ba?" sumilip si Lou sa pintuan ng kuwartong tinutuluyan ko.
"Just a minute. Sa baba ka na lang maghintay." tumango naman siya at lumabas na.
Oo nga pala, reunion na namin ngayon kahit kahapon lang kami nakarating. Bago pa naman kasi kami nakapunta dito naorganize na yun eh. At saka wala naman akong pakialam sa kanila. Kung pwede ngang wag na lang sanang sumama.
"Let's go!" sabi ni Lola nang makababa na ako. Sumakay na kaming lahat sa van at pumunta na sa venue. Malapit lang naman daw ang kaso maraming dala kaya kelangan ng sasakyan.
"How's your first night here, hijo?" baling sa akin ni Lola na ngayon ay katabi ko.
"Fine." simpleng sagot ko habang naglalaro ng PSP.
"Lola, maganda pala ang langit talaga dito kapag gabi no." pabida na namang sabi ng KUYA ko.
"Oo naman hijo, pero mas maganda twing new moon. Kitang kita mo ang mga bituin sa langit." nakangiting sagot ni Lola.
"Baba na guys! Diretso na kayo sa loob ng restau then call your Titos to get the things here." sabi sa amin ni Lolo. Dahil ako ang nasa tabi ng pinto ay ako ang naunang bumaba. Nagulat pa ako nang makita kong dito lang pala kami sa pinuntahan ko kahapon magrireunion. Pero sa kabilang bahagi nung beach, malayo sa bahay nina Summer.
Summer. Napalinga linga ako sa paligid, hinahanap ng mga mata ko ang presensya niya. Ewan ko. Pero kahit sa panaginip ko kagabi'y andun siya. Hindi pa ako nagkakaganito sa isang babae dati. Ngayon lang... at naguguluhan ako sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Sa isang babaeng kakakilala ko lang.
"Sinong hinahanap mo Kuya?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Si Loucienne lang pala.
Agad akong napatingin sa ibang direksyon at saka umiling.
"Wala." at naglakad na ako papunta sa restau. Hindi mo mahahalatang nasa isang public beach lang kami dahil ang ganda talaga. Parang isang paraiso.
"Bro!" bati sa akin ng mga lalaking pinsan ko nang makapasok na ako sa loob. Tinanguan ko na lamang sila't dumiretso sa isang sofa sa gilid at sinalpak ang earphones.
Isang oras pa ang hinintay namin bago magsimula ang program. Marami silang hinandang activities para sa reunion na ito pero hindi ako sumali. Lagi naman. Nung nagkainan na ay binilisan ko na lamang dahil tiyak na magdadaldalan pa itong mga kasama ko. Matapos nun ay ipinagpatuloy nang muli ang mga palaro nila.
Pero kanina pa ako naiinip kaya naman ay pumunta ako sa table nila Lola.
"La, sa labas muna po ako." bulong ko kay Lola na wiling wili sa panunuod sa mga bata kong pinsan na nagsasayaw.
"Huh? Osige apo. Bumalik ka lang agad para hindi mo mamiss yung mga susunod pang activities ha?" tumango ako at saka lumabas na. Nakita ko pang nakatingin sa akin si Mama pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Atlast!" naginat pa ako nang nakalabas na ako ng restaurant. 3:45. Anim na oras na pala akong nakatunganga lang habang nanunuod sa kanila.
Naglakad lakad lang ulit ako sa tabing dagat nang may makita akong isang grupo ng mga tao na parang may pinagkakaguluhan. Dahil sa nacurious ako'y agad akong lumapit.
And I was completely surprised by what I saw.
Dahil siguro sa pagkamangha ko ay napatunganga na lamang ako habang nanunuod at nakikinig sa kanya hanggang sa nag-alisan na yung mga taong nanunuod at tanging ako at iilang bata na lamang at siya ang natira.
