NAGLALAKAD kami ni Loucienne papunta dun sa restaurant kung saan magdidate ang bestfriend niya. It's just 5:30 in the afternoon, masyado naman silang maaga. It should be by 7 or 8 in the evening, tss.
If it wasn't for my beloved cousin, I wouldn't be here right now. I'd rather stay up all night talking and cuddling with Summer. I miss her already.
"Sorry Kuya ha? Alam kong abala pa ito sa iyo pero thank you kasi tinulungan mo pa rin ako." she gave me a smile. Napatango na lamang ako at namulsa.
"This should be the first and last time you'll ask something from me Lou especially if it involves that bestfriend of yours." I said, putting an emphasy on the word 'bestfriend.'
"Yes Kuya. I promise. You can ask something in return too as a payment." napaisip naman ako dun. Hmmm. Sounds interesting, may idea na agad na nabuo sa utak ko.
"Sige ba." pagsasang-ayon ko sa kanya.
Nagkwentuhan lang kami habang papunta kami doon sa meeting place at ilang minuto pa ay nakikita ko na ang bestfriend nitong pinsan ko na mukhang may hinihintay.
Good. Mukhang wala pa iyong kadate niya.
"Loucienne?" parang nagulat pa itong si Van nang makita kaming paparating.
"U-uy Van! Andito ka pala." I nudged her lightly. Halata kasing tensed eh. Madali kaming mabubuko nito.
"Ha? Ah oo diba? Si-sinabi ko naman sa'yong may d-date ako ngayon?" napansin ko rin agad na pinagpapawisan ng todo itong lalaking ito.
Sabi na eh. Ayaw pa kasi nilang mag-aminan. Wengya talaga ang mga pinoy na lalaki. Lakas makatorpe.
"Eh ikaw, anong ginagawa niyo dito?" napaiwas naman ng tingin si Lou at agad akong nilingon para humingi ng tulong. Napangisi ako.
Namulsa ako at nginisian din si Van.
"Wala naman. Nagdidate kami." pacool kong sabi. Kumunot ang noo ni Van at tinignan kaming dalawa ni Loucienne. At dahil doon ay inakbayan ko ang kabado kong pinsan.
"D-date? Diba magpinsan kayo?" naguguluhang tanong niya. Tumango naman ako.
"Bakit? Hindi na ba kami pwedeng magdate ng pinsan ko? Ikaw ba pre, ano mo ba yang kadate mo? Pinsan mo rin o girlfriend?" nagtagis ang bagang niya sa sinabi ko. Pikon.
"Kaibigan ko." seryosong sabi niya. Mas lalo namang napalaki ang ngisi ko at hinigpitan ang pagkakaakbay kay Lou.
"Oh? Hindi mo pa pala girlfriend pero nagdidate na kayo. Tsaka kaibigan? Kayo ba ni Lou nagdate na? Diba bestfriends naman kayo?" nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatikom lang ang bibig ni Loucienne habang sa ibang dako nakatingin.