Sixth

257 19 2
                                    

HINDI ako nakatulog buong gabi at sa totoo lang ay wala rin naman talaga akong balak matulog dahil may ginawa ako.

Isang surprise para kay Summer.

Yun agad kasi ang nasa isip ko buong araw lalo na nung sinabi ni Lou na tutulungan niya rin ako kapalit ng pagtulong ko sa kanya.

Napaupo ako sa kama at tinignan ang ginawa ko. Isang cardboard na may nakasulat na 'Will You Be My Girl Forever?' Simple pero pinaghirapan ko. Minsan lang ako mageffort ng ganito. Hindi lang naman iyon ang ginawa ko eh, nagpractice din akong maggitara dahil sa totoo lang mas magaling pa sa akin si Summer. Kapag magkasama nga kami ay siya lagi ang nagigitara para tuloy siya ang lalaki sa aming dalawa dahil doon.

At dahil ilang araw na lang ay babalik na kaming States, hindi para doon pa rin tumira kundi para ayusin ang mga papeles namin. Dito na kami sa Pilipinas maninirahan nila Mama at dito ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Isa pang dahilan ay ayoko nang mawalay pa kay Summer, gusto ko nasa tabi niya ako lagi at ganoon din siya.

Nag-inat ako at satisfied na ngumiti. Sa tagal ko na pala siyang kasama ngayon lang ako magkoconfess. Alam kong kahit hindi ko na gawin ito ay may iba na sa aming dalawa ni Summer, alam kong hindi kami basta magkaibigan lang. Alam kong higit pa doon at ramdam ko iyon.

Pero ayoko namang isipin niya na hindi ako manliligaw sa kanya dahil kahit na first time ko ito ay gagawin ko, para lang mapasaya siya. Mahal ko eh, kahit ano gagawin ko.

Tinignan ko ang oras at nakita kong mag-aalasais na, ilang minuto na lang ay sisikat na ang araw. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto, sakto namang palabas na rin si Lou sa kwarto niya.

"Goodmorning!" masayang bati ko sa kanya. Humikab siya at ngumiti.

"Goodmorning din Kuya,aga mo yatang nagising ngayon." aniya. Sabay kaming naglakad pababa ng hagdan.

"Actually I didn't sleep last night." sagot ko. Saglit niya akong tinignan at saka nagpatuloy sa pagbaba.

"Bakit naman? Nga pala, thanks para sa kahapon Kuya. Kahit na alam kong medyo out of plan yung mga sinabi't nagawa mo, in a way natulungan mo pa rin ako, tsaka si Van. Kasi kung hindi dahil sa'yo naloko na siya nung babaeng yun. Hindi ko akalaing ganoon pala siya." tumango na lang ako at dumiretso sa may refrigerator at kumuha ng isang box ng gatas.

"Ayos lang 'yon. Hindi rin deserve nung babae yung kaibigan mo eh. Masyado siyang mabait para gaguhin lang." napangiti naman siya ng malungkot at pinagsaklop ang mga kamay niya.

"Kaso Kuya... I don't have the guts to tell him my feelings." yumuko siya at naawa naman ako kaya nilapitan ko siya at tinapik sa balikat.

"Maybe it's not yet the right time for you to confess. Okay lang naman yan Lou, as long as you have him by your side, hindi naman kailangan palagi na may commitment eh." I said as I sat next to her. Tinignan naman niya ako at ngumiti.

"Ikaw ba Kuya, kayo na ba ni Summer? You seem so inspired and happy eversince you met her." it's my turn to smile, but the only difference between our smile is that mine is because of happiness while hers is a sign of sadness.

"Actually, we're not yet official. Maybe because our feeling's mutual that's why I'm this happy." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"You mean Kuya... hindi kayo?" tumango ako.

"But it should be hindi PA kami. Anyway, you told me yesterday that you'll help me right?" she nodded. I crossed my arms as I smile again.

"Tulungan mo ako sa gagawin ko. I'm planning to confess to her maybe later this or tomorrow if I won't be able to set all things up." masayang tumango siya at mahinang ipinalakpak ang mga kamay na parang bata.

Good bye, Summer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon