[Third Person's POV]
Umuwing luhaan si Lorenzo nang gabing iyon. Wala siyang kinausap kahit isa sa mga nakakasalubong niya sa kanilang bahay, maski ang pag kain ay kinaligtaan na rin niya. Sina Loucienne at Lavern naman ay walang magawa para sa kanya kundi ang maawa na lamang at masaktan para sa sinapit nito.
Summer was his first real love but she just left him.
Sa totoo lang ay alam na ito ni Lavern. Noong isang araw lamang ay nakita niya itong nakatayo malapit sa kanilang bahay. Para bang mayroon itong hinihintay na lumabas mula roon.
*****
"What can I do for you Miss?" magiliw niyang tanong na ikinagulat ng dalaga. But after that she flashed a very faint smile. Doon niya napansin ito, at doon niya rin naalala ang Summer na iniibig ng kanyang kapatid.
"Are you by any chance, Summer? The one that my brother Lorenzo knows?" tumango ito at saka yumuko.
"Uhm, I'll just call him." tatalikod na sana siya at papasok upang tawagin ang kapatid pero naramdaman niyang hinawakan nito ang dulo ng kanyang damit.
"Ah, ano Kuya. Wag na po. Napadaan lamang ako." bumitaw na ito sa pagkakahawak sa kanya at itinago ang mga kamay sa likuran.
He finds it really cute. 'She's pretty indeed. No wonder why Lorenzo fell for her.' anang isip niya.
Nginitian niya ito saka naglahad ng kamay.
"Ako nga pala si Lavern, ang Kuya ni Lorenzo." pagpapakilala niya rito. Nahihiyang nakipagkamay naman sa kanya ang babae.
"Summer po, kaibigan ng kapatid niyo." napangisi naman siya sa kanyang isip.
Kaibigan.
"Ayaw mo ba talagang tawagin ko ang kapatid ko?" muli naman itong umiling at ngumiti rin.
"Hindi na po talaga. Sige po, mauna na po ako sa inyo." aalis na sana ito nang siya naman ang pumigil rito.
"Uh, pwede ka bang makausap? Kahit saglit lang?" nagtatakang tinignan siya nito ngunit makalipas ang ilang saglit ay tumango na ito. Marahil ay nakuha na nito ang dahilan kung bakit gusto niya itong kausapin.
Naglakad sila papunta sa plaza na ilang kanto lamang ang layo mula sa bahay ng kanyang Lolo. Umupo sila sa isang bench ngunit wala pa ring nagsasalita.
"Kamusta ka naman pala Summer?" nakangiting nilingon niya ito.
"H-huh? Ayos naman po ako. Bakit?" naguguluhang sagot nito sa kanya. Mas lumapad ang ngiti niya saka siya nag-inat.
"Bigla kasi kitang naalala. You were that girl from the seashore right? Yung pinakaunang naging kaibigan ni Lorenzo nung minsang bumisita kami dito dati?" gulat ang rumehistro sa mukha ng dalaga. Hindi siguro nito akalaing makikilala niya ito nang ganoon kabilis. Ilang taon na rin kasi ang lumipas mula noong una silang magkita at ang pagkakatanda niya ay dalawang beses nga lang yata sila nagkita.
"Buti ka pa naalala mo ako." mahinang usal nito pero narinig niya pa rin iyon.
"Hindi ka na ba niya naaalala?" umiling ito saka ngumiti ng malungkot.
"He must have forgotten everything about his past. I'm sorry for that, siguro naman nasabi na niya sa iyo ang dahilan kung bakit ganoon diba?" aniya. Tumango ito bilang sagot.
Muli na naman silang binalot ng katahimikan. But only this time, it was her who broke the silence first.
"Kuya, may sasabihin po sana ako sa inyo. But please don't tell it to Lorenzo yet. Bahala na po ako sa kanya." tumango siya at bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib niya.