NAKAHALUMBABA lamang ako sa veranda ng bahay habang nakatingin sa kawalan at may ngiti sa aking labi.
Sa loob lamang ng napakaiksing panahon, ang daming nagbago sa buhay ko.
Natuto akong magpatawad, magbago, maging positibo, magpahalaga, at magmahal. Mga bagay na hindi kailanman dumaan sa isip ko nung mga panahong wala akong ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili ko lamang, ni Diyos hindi ko kinikilala. Sarili kong ina halos itrato kong parang isang basura. Kapatid ko na buong buhay ko'y kinasusuklaman at kinaiinggitan ko. Buhay kong halos sirain ko na.
Pero nagbago ang lahat ng makilala ko siya, si Summer, ang babaeng unang minahal ko. Ang babaeng nagturo sa akin nang lahat ng ito.
Marahil ay paulit ulit na ako sa pagsasabi kung gaano niya ako binago, hindi ako magsasawa dahil siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ang pinakamahalaga't malaking biyayang ibinigay sa akin ng Diyos sa kabila ng aking kasamaan.
Pero natatakot ako. Na baka isang araw ay bigla na lamang siyang kunin sa akin ng Diyos. Na baka kung kailan sobrang saya ko na sa piling niya'y saka siya mawawala.
Ayoko nang iiwan ulit ako. Ayoko nang tatalikuran ulit ako ng taong mas mahalaga pa sa buhay ko. Ayokong mawalay pa sa kanya. Not in this lifetime.
"Kuya Enzo!" napatalon ako sa gulat nang may nagsalita mula sa aking likuran.
"Damn Loucienne, you startled me!" inis kong sabi sa kanya but she just gave me a sheepish grin before signing peace. Napailing na lamang ako't sumandal ulit sa railings.
"Eh kasi po, mas malalim pa sa Mariana's Trench ang iniisip mo kaya hindi mo man lang napansin na halos 5 minutes na akong nakatayo dito sa gilid mo 'no." nakangiti pa rin siya ng nakakaloko pero hindi ko na lamang pinansin pa.
"What do you need Lou?" mas lumawak ang ngiti niya at saka kumapit bigla sa braso ko.
"Kuya, pwede ba akong humingi ng favor? Just this once? Please?" nagpuppy eyes pa siya sa akin.
"What is it? Kapag kaya ko naman, sige. But if not, then might as well find someone who could help you." she pouted then afterwards she removed her hands from my arms.
"Eh kasi Kuya, you remember Van, right?" tumango ako at saka hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"Mayroon kasi siyang date mamaya doon sa restau na pinagreunionan natin. Yung restau ni Tito Oliver?" tumaas ang kilay ko sa tinuran niya.
"What? You want me to be their chaperone?" she frowned before hitting me lightly.
"Stupid! Ofcourse not! I want you to ruin it. Please? For me?" then again, she showed her puppy eyes. I smirked because of that.
"Why should I do that? He's just your bestfriend and he has the right to date anyone he likes. Not unless, he's not just a bestfriend to you." she blushed crimson red before shifting her gaze. Mas lumaki ang ngisi sa mukha ko.
"O-ofcourse not! I just... I just wanna have more time with him before he gets into a relationship. S-syempre mahahati na ang atensyon niya sa akin dahil may girlfriend na siya." I smiled teasingly at her.
"Is that really the only reason? Kung yun lang, I won't help you with your plan. Like what I've said, you're just his bestfriend and if he wants to have a girlfriend then it's his choice, not yours. You can't do anything about it just because you're his bestfriend Loucienne." I explained still smirking. She heaved out a long sigh before making a sad face.