HINDI man naging madali para sa akin ang pagbabagong ginagawa ko, but I can manage. Kasi alam kong para naman sa ikabubuti ko 'to.
"You look so lost in your thoughts son. May I know what's bothering you?" tumabi si Mama sa akin sa gazebo dito sa garden ng bahay.
"Wala naman Ma, inisiip ko lang kung anong mangyayari once na bumalik na tayong States." then I sighed. Nakita ko namang napangiti si Mama sa sinabi ko.
"Is it because of that girl you're talking about last time. What's her name again?" I smiled before answering her.
"Summer."
Summer. Summer. Summer. Ang babaeng umookopa ng isip ko simula nang makita ko siya dito sa lugar na ito. Hindi ko talaga lubos akalain na makakadama ako nang ganito, na magmamahal ako.
"Ma, posible bang magmahal pa ang isang tulad ko? I mean, despite of all the things I've done to those girls I had met before." she tapped my shoulder before sighing.
"Everyone's capable of loving son, remember that. Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit ano ka pa dati, you still can feel that beautiful thing we call 'love'." napatango naman ako sa tinuran ni Mama.
"Tsaka anak, if you're really having a problem about leaving, pwede namang dito na lang tayo magstay sa Philippines eh." nagulat ako sa sinabi ni Mama kaya hindi makapaniwalang tinignan ko siya. She just gave me an encouraging smile.
"Tapos na sa college ang Kuya mo and besides, kaya lang naman tayo nagsistay pa sa America ay dahil sa'yo. Matagal na naming napagplanuhan ng Kuya mo na dito na ulit tumira pero hindi namin masabi sa'yo dahil nga ayaw mo kaming kausapin dati. Pero I think it's about time for you to decide kung gusto mo nang magstay dito sa Philippines for good or kung babalik pa tayong States." napangiti na naman ako nang wala sa sarili at saka tumingin sa kalangitan.
Magsi-stay na ba ako dito sa lugar na ito? Kahit saan naman ako mapadpad, basta kasama ko siya. Basta kasama ko si Summer, ayos lang.
*****
"Lalim ng iniisip ah." halatang nagulat pa siya sa pagsasalita ko.
"Kanina ka pa ba jan?" umiling ako at saka tumabi sa kanya.
"Ikaw, kanina ka pa ba nagdadrama dito?" loko ko sa kanya. Nakangiti naman siyang umiling. At heto na naman ako, masyadong nahuhumaling sa ngiti niyang malaanghel.
"Hmm. May gusto nga pala akong itanong sa'yo." pagsisimula ko. Ibinaling naman niya ang atensyon niya sa akin kaya bumuntong hininga ako.
"Nasaan pala ang pamilya mo?" nakita ko kung papaano siya matigilan at kung paano lumungkot ang mukha niya. Pero saglit lang yon. Dahil agad din naman siyang ngumiti at tumingin sa dagat.