IBINAGSAK niya ang katawan padapa sa couch pagdating nila ni Kent. Tinapik-tapik pa niya ang gilid niyon bago nag-inat.
"Huwag mong sabihing diyan ka matutulog?" tanong nito. He is so darn sexy with his hands on his hip.
"Iyon lang naman pala, eh. Sige, hindi ko sasabihin."
"If you're gonna sleep, go to your room. Ayokong nakakakita nang pakalat-kalat na katawan dito sa bahay ko lalo na kapag gabi. It irritates the hell out of me."
Inabot niya ang throw pillow. "Nakadikit na ang katawan ko rito. Bukas na ako babangon." Pumikit na siya.
"Sassa."
"Hmmmm?"
"I'm still your boss."
"Yes."
"Gusto mong masesante?"
Mabilis pa sa alas-kuwatrong bumangon siya at inayos ang mga nagulong throw pillows. "Sorry. Hindi na mauulit."
"Good."
Hindi na siya nagsalita pa at tahimik na nagtungo sa kuwartong inuokupa niya. Inaantok na talaga siya. Pero nagising siya dahil sa kumakalam na sikmura.
Anak ng tipaklong naman, oh! Hahalikan na siya ni Zach Efron, eh!
May ilang minuto niyang hindi pinansin ang nagrereklamong sikmura at pinilit ang sariling bumalik sa pagtulog sa pag-asang maitutuloy ang naudlot na panaginip ngunit sa kasamaang palad ay hindi na siya pinatahimik ng tiyan. Bumangon na siya at tamad na nagtungo sa kusina.
"Ano naman kaya ang aasahan kong makakain dito?" bulong na tanong niya. Binuksan niya ang refrigerator. Beer. Beer. Coke. Coke. At yes! May naka-tupperware na adobo.
Kinuha niya iyon at ininit. "Ano kaya ang kinakain no'n kapag mag-isa. Nakakasawa kaya ang orders." Bubulong-bulong siya habang hinihintay na uminit ang pagkain.
Nasa kalagitnaan siya nang pagkain nang biglang lumiwanag ang paligid. Iniwan niyang naka-dimlight lang kasi ang mga ilaw kanina. Na-freeze ang kamay niya na may pagkain sa ere nang makitang nakatayo si Kent sa may pintuan. Hawak nito ang switch ng ilaw samantalang ang isang kamay nito ay may hawak na beer na de lata.
Naglalasing ba ito?
He leaned against the wall. "Akala ko may daga akong bisita." Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. Iminuwestra nito ang kamay niya. "Kain ka lang."
Nahiya tuloy siya. Pero no choice siya kundi ituloy at tapusin ang pagkain. "Bakit ka naman naglalasing? Broken hearted?"
"Hindi porke umiinom ay naglalasing na."
"So broken hearted ka nga?"
Hindi ito sumagot. Huli ka!
"Sige, i-inom mo lang 'yan. Mawawala rin ang sakit sa pagdaan ng panahon. Kung sino man ang babaeng nanakit sa iyo ay kalimutan mo na. You know, she does not know what she got until it is gone. At hindi siya kawalan." Sumubo siya nang pagkain bago nagpatuloy. "Guwapo ka, matalino, macho, mabango at mayaman. Hindi ka mahihirapang makahap ng kapalit niya kaya chill ka lang. The right woman for you will come at the right time." Tinapik-tapik pa niya ang balikat nito. "Waiting is blessing."
Nakamata lang ito sa kanya bago lumagok ng alak. "Ang dami mo nang sinabi."
"Sus, ayos lang. Pinakain mo naman ako, eh."
"Ang sabihin mo madaldal ka lang talaga."
"At least I am making sense," pagtatanggol niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Her Boss' Number One Rule (Completed)
RomanceBoss Series #1 Book 1 KENT JULIAN: Her Boss' Number One Rule Kent Julian Soriano went back to the Philippines to take over his father's company. Managing two big companies at the same time is taking most of his time. Plus the frustration of firing a...