Chapter 8

27.8K 646 9
                                    

"BAKIT?" Hindi mapakali si Sassa sa paraan ng pagkakatingin ni Julian sa kanya. "Alam mo kung nagagandahan ka sa akin ay sabihin mo lang. Bibigyan kita ng picture. Katabi mo pa sa pagtulog kung gusto mo."

He only tapped his pen on his chin and leaned agaist his seat. Tatalikod na sana siya para bumalik sa puwesto niya dahil mukha namang wala siyang mahihita rito ngunit nagsalita na ang binata.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Anong tanong?"

"My proposal." Inilapag nito ang hawak na panulat saka itinukod ang dalawang siko at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ilalim ng baba.

Darn him for looking so good even at his usual stance.

Nagpakawala muna siya nang malalim na hininga bago sumagot. "Hindi."

He cooly arched an eyebrow. "Why not?"

"Hindi pa ba obvious ang sagot diyan?" naiirita niyang sagot. "Ano na ang nangyari sa batas mong hindi dapat ako mahumaling sa iyo? Ang gulo mo rin, eh. Lagi mong ipinapaalala sa akin ang batas mong iyon pero heto ka at niyayaya ako nang kasal. Baliw ka ba?"

"The rule is still on. Kung iyan ang inaalala mo. Besides the marriage will only be on papers."

Wow, ha. Ano'ng tingin mo sa akin?

Nagbilang muna siya nang sampu hanggang uno para kalmahin ang sarili baka mabulyawan na niya ito. "Iba na lang ang yayain mo. Hindi ko gagawaing laro ang magiging kasal ko."

"Ikaw ang gusto ko."

Sumikdo ang dibdib niya.

"A-ano? Yo can't just go and marry someone you do not love," napapantastikuhang wika niya.

"Ikaw lang ang gusto kong yayain," walang anuman nitong turan bago may kung anong pinirmahan ito na papel sa ibabaw ng mesa nito. "Here's the contract. Pirmahan mo iyan kapag nakapagdesisyon ka na tanggapin ang alok ko."

Wala sa loob na kinuha niya ang inabot nitong papel at hindi makapaniwalang tinitigan ito. "Bakit?"

"I already told you the reason, Sassa. Ayoko nang ulitin pa."

Uminit na naman ang ulo niya. "To hell with your personal reasons! Gusto kong malaman kung bakit bago ako pipirma!"

There was an unknown expression flashed accross his face before it became neutral again. His grey eyes penetrated her brown ones. "Hindi mo kailangang sumigaw," mahinahon nitong saad.

"Sumagot ka na lang."

Tumaas ang isang kilay nito. "Watch how you talk to me, Sassa. You're still my employee." May pagbabanta sa boses nito. "Hindi mo na iyon kailangan pang malaman."

Ibinalik niya ang papel dito. "Kung gano'n ay hindi ko rin iyan kailangan."

Then he gave out a frustrated sigh and ruffled his hair, now exasperated. "Fine, alright? Pero umupo ka muna, kanina ka pa nakatayo riyan."

Noon lang din niya iyon napansin. "Mas gusto kong nakatayo."

Bumuntong-hininga ito saka tumayo at tumanaw sa labas ng building. The tall glass wall mirrored his figure. Sinundan niya ito nang tingin. "My sister made a deal with me three years ago. If I won't be married in three years, she will take this company away from me to sell it to whoever she wants to," simula nito. Nanatili siyang tahimik. "It was a stupid deal, I know." Umiling-iling ito. "But she made sure that everything was put on papers. Alom kong ginawa niya 'yon dahil alam niyang mananalo siya." Inihilamos nito ang kamay sa mukha.

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon