Chapter 12

25.3K 605 10
                                    

TAHIMIK silang nakaupo sa may terrace nang bahay nito kinabukasan. Abala ito sa pagbabasa sa dyaryong hawak habang siya ay nakamasid lang dito. He's utterly handsome in his simple shirt and sweat pants with his messy hair. She could stay there forever and watch him without blinking.

Iniisip pa rin niya ang naging usapan sa cafe ni Heiti nang nagdaang gabi. Hindi na nga siya masyadong nakatulog dahil doon. Ang tanong kung ano ba ang kaganapan sa pagitan nila ni Margo nang magkita sila kahapon... Pilit isinisiksik ng isang boses sa kanyang ulo.

"Hindi ka ba papasok?" basag niya sa katahimikan. Pasado alas otso na kasi ay hindi pa rin ito naliligo.

"Hindi."

"Bakit?"

Sinulyapan siya nito. "Kasi hindi."

Hay naku! Hindi talaga maasahan ito sa matinong paliwanagan!

"Kung gano'n ay ihatid mo na ako sa bahay." Since his family isn't at home anymore, she can take her leave.

"Stay."

Umawang ang mga labi niyang tumitig dito na puno nang pagtatanong ang mga mata. "Bakit?"

Ibinaba nito ang hawak na diyaryo sa lamesa bago sumagot. "Pinamamanmanan tayo ni mama. She hired a private investigator to watch our every move."

Paktay ka diha!

"Hindi pa ba siya kumbinsido sa acting natin?" maang niyang tanong.

"I'm afraid so..."

"How about my personal life? Baka paimbistigahan niya rin?"

She groaned when he didn't answer. Paano na ang tahimik niyang buhay?

"Just act naturally. Legal naman ang kasal natin kaya wala kang dapat ipag-alala."

"Paano sina mama? Ang mga taong nakapaligid sa akin? Paano kung isang araw may bigla nalang magtanong sa kanila?"

"Ako na ang bahala riyan," tugon nito.

Tumahimik siya at pinaglaruan ang mga daliri na nakapatong sa lamesa.

"It's okay. Everything's alright," saad nito nang mapansin ang ginagawa niya.

Easy for you to say! Gusto niya itong singhalan. Pero dahil hindi niya mailabas ang totoong saloobin ay napabuntong-hininga na lang siya.

"Medyo makulimlim ngayon, ah. Kumusta ang usapan ninyo ni Margo kahapon?"

Ano'ng konek? Gusto niya naman ngayong tampalin ang sarili.

She cocked her head to the side when he trained his gaze on her and pretended to inspect the plant that was near her.

"It's fine," tipid nitong sagot nago humugot nang isang malalim na hininga.

Problemado much?

"Does she know about us?" Pinitik niya ang kawawang insektong dumapo sa halaman.

Is there an us?

"No."

Tumatango-tango siya at niyugyug ang dahon ng halaman.

"May problema ka riyan sa halaman?"

Napabaling siya rito. "Ha? Wala naman. Bakit?"

"Kulang nalang luray-lurayin mo..."

"Uy, grabe ka... Inaalis ko lang ang mga insekto."

"Wala akong nakikitang insekto."

Iniikot niya ang mga mata. "Duh, lapitan mo kaya. Tsaka wala na talaga, inalis ko nga, 'diba?"

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon