Chapter 15

24.7K 565 5
                                    

SUNOD-SUNOD na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang pinagmamasdan ang mga magulang niyang inuulan ng tanong si Julian. Nakaharap sila ngayon sa mga ito. Hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kanyang ina dahil ayaw niyang makita ang pagkadismaya nito sa kanya.

"Bakit ninyo itinago ang inyong kasal?" tanong ng kanyang itay. Kalmado ang ekspresyon nito ngunit alam niyang hindi ito natutuwa sa kanyang naging desisyon.

Lumipad ang tingin niya nang gagapin ni Julian ang kanyang palad at pinagsalikop ang kanilang mga kamay. He was serious as hell too. "Pasensya na ho kung hindi ho namin naipagbigay alam sa inyo agad ang pagpapakasal namin ng inyong anak."

Tumango-tango ang kanyang ama. "Bakit nga---"

"Ah, 'tay... Sobrang busy niya ho kasing tao kaya hindi ho namin nasabi agad kaya kumuha muna ho kami nang papel sa munisipyo. Huwag ho kayong mag-alala dahil pinag-uusapan na ho namin ang kasal namin sa simbahan," maagap niyang saad bago pa sumagot si Julian. Sigurado kasi siyang madedehado siya kapag ito ang nag-isip ng magiging palusot nila.

Julian knotted his forehead as he looked at her but she only smiled sweetly at him, silently begging him to just go with the flow. Her heart almost leaped out from her chest when he gave out a smile. Nasapo niya ang dibdib na ikinataas ng kilay nito.

"Sa, ayos ka lang ba?"

Tabingi ang ngiting napabaling siya sa ina. "Oho, 'nay. Ayos na ayos," wika niya saka marahang tinapik ang braso ni Julian.

Nagkatinginan ang mga magulang niya bago tumayo ang kanyang ama. "O, siya sige. Dumito muna kayo at nang magkaroon naman kami nang pagkakataon ng inay mo na makilala itong si Julian."

"Sige ho. Dadalhin ko lang ho ang mga gamit namin sa kuwarto."

"Julian, iho, samahan mo na ang asawa mo," turan nito nang nanay niya.

Agad namang tumalima ang huli at binitbit ang mga dala nilang bag. Napangiwi siya nang lihim. The least thing she wanted to happen is to be alone with him in the same room again. Natutukso siya.

"Church wedding, huh..." sabi nito nang nasa kuwarto na sila. Inilapag nito ang mga dalang bag sa sahig saka inilibot ang paningin sa loob ng kanyang silid. He put his hands on his hip. He was wearing a simple v-neck shirt and a pair of ripped jeans.

Hmmm... Delisyoso!

Lihim niyang ipinilig ang ulo dahil kung saan-saan na napapadpad ang kanyang imahinasyon. "Eh, bakit may mas naiisip ka bang ideya na maganda? 'Yong tipong ni katiting na pagdududa ay hindi sila makakaramdam, aber?"

Magsasalita sana ito nang itaas niya ang palad sa ere upang pigilan ito. "Hep! Nagbago na ang isip ko, 'wag mo na palang sabihin."

Julian gave her a crazed look. "You have a nice room though..."

"Siyempre, maganda ako, eh."

Hindi nito pinansin ang papuri niya sa sarili. Nilapitan nito ang litarto niyang nakapatong sa kanyang study table. Pinagmasdan nito iyon. "Maganda, 'diba?" turan niya at kumindat-kindat pa.

Inilapag nitong muli ang litarto. "Puwede na."

She scoffed and smacked his right shoulder. "Hindi ka mamamatay kung sasabihin mong oo."

Napatanga na naman siya rito nang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi nito. Ngunit agad niyang sinupil ang nararamdam nang kusang mag-replay sa kanyang utak ang mga sinabi nito sa kanya no'ng isang gabi.

"Halika na nga!" yakag niya. "Ipapakilala pa kita sa mga kapatid ko." Hindi na niya hinintay ang sagot nito at nauna na siyang lumabas na agad namang sinalubong ng malalakas na tili ng kanyang bunsong kapatid. "Hoy, Esme, tumigil ka nang katitili riyan kundi makakatikim ka nang sapok galing sa'kin," banta niya.

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon