Chapter 10

25K 627 7
                                    

PASALAMPAK na naupo siya sa sahig saka inihilig ang ulo sa couch na ginawa niyang sandalan. Inabot ang unan at niyakap iyon sabay pikit ng mga mata. Pambihira! Hindi niya lubos akalain na napaka-energetic parin ng ina nito sa kabila ng edad nitong sixty-five. Ang sakit ng mga paa niya dahil halos lakarin na nila ang buong Tagaytay sa pamamasyal. Halata na sobrang nangulila ito sa lugar. Panay din ang kuwento nito noong maliit pa lang si Julian at ang mag kalokohan nito. Napangiti siya nang maalala ang mga iyon. Mabuti na lamang at dumiretso sa kuwarto nito pagkauwi nila sa bahay.

"Tired?" Nang-aarok at seryosong mukha nang ate nito ang nabungaran niya nang magmulat siya.

Umayos siya nang upo at nginitian ito nang tipid. "Medyo."

"Alam ko ang kasunduan ninyo nang kapatid ko, Sassa."

Kinabahan siya. "Ano'ng kasunduan?"

She gave out a sigh. "Alam kong binayaran ka ni Kent para magpakasal sa kanya. Hindi ako gano'n kadaling lokohin."

Hindi siya agad nakapagsalita. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Tinitigan siya nito. "Tell me, mahal mo ba siya?"

Mahal ko ba siya? The question strucked her and she didn't know how to answer. Mayamaya ay nabalot ng pagkalito at pagkamangha ang pagkatao niya nang bigla itong bumunghalit ng tawa. Pinunasan nito ang luha sa gilid ng mata nito. "Gosh. I didn't know my brother would do such thing." Umiling-iling ito habang may ngiti parin sa mga labi.

Nakatanga lang siya rito. She doesn't know how to react.

"Ngayon ay ako naman ang makikipagkasundo sa iyo." Sumeryoso ito. "Make him fall in love with you."

"What?" she whispered, still not coping up.

"Or else you'll spend your six years in prison." Ngumiti ito nang matamis sa kanya. "Let's see if he can break that stupid rule for you. And besides, I don't like that Margo girl for him." She grimaced then left.

Naiwan siyang nakamata sa hangin. Just what the hell is happening?

Napaigtad siya nang tumunog ang cellphone niya. "Nasaan ka bang lalaki ka?" bungad na salita niya kay Julian nang makitang ito ang tumatawag. "Umuwi ka nga!"

"I'm here in the office. I needed to sign some papers. Kumusta riyan?" kaswal nitong tanong.

"Oh, please! Don't ask."

"May problema ba?"

"Wala." Iwinagayway niya ang kamay sa ere. "Ano'ng oras ka uuwi?"

Tumahimik ang kabilang linya. "Julian? 'Uy."

She heard him clear his throat. "Baka late na ako makakauwi mamaya."

May lungkot siyang naramdaman. "Okay."

Tumahimik ulit ito. "Okay. Bye."

"Ba-bye." Tinitigan niya ang cellphone nang matapos ang tawag.

Ano na ang gagawin niya? Naiipit na siya sa magkapatid. Oh, well. Mas pipiliin nalang niyang huwag maghimas ng rehas.

Ang tanong... Kaya ba niyang paibigin ito?



GULAT na ekspresyon ang bumadha sa mukha ni Julian ng pagbuksan niya ito nang pinto. He looked at his wrist watch. "Bakit gising ka pa?"

"Hinintay kita."

"Hindi mo na kailangang hintayin pa ako."

Naghikab siya. "Gusto ko, eh. Bakit ba?"

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon