Chapter 7

27.7K 698 10
                                    

"I'M SORRY but Mr. Soriano isn't available right at this moment, ma'am. Please---"

"Ahm, no thanks. I'll just call again. Bye." Magkasalubong ang mga kilay na ibinaba niya ang telepono. Aba, hindi marunong magsabi nang pangalan!

"Nasaan ba kasi iyon..." napapakamot sa noo niyang bulong. Hindi pumasok ang magaling niyang boss sa kadahilanang hindi niya alam. He didn't even bother to call and tell her he isn't coming. Hindi naman sa namemersonal siya pero para lang sana alam niya ang tamang sasabihin sa mga taong maghahanap dito.

Napapabuntong-hiningang ipinagpatuloy ang ginagawa nang mag-ring ang kanyang cellphone. Sinagot niya iyon. "Hello. Sino ito?" tanong niya nang bagong numero ang nagpakita sa screen.

"Sassa." Her boss' raspy voice spoke from the other line.

"Sir? Bakit hindi kayo pumasok?"

Ubo ang sagot nito.

"May sakit ka ba?"

"Wala. Just a major headache." Tumahimik ito saglit. "I need you to buy me an aspirin. Dalhin mo rito sa bahay."

Kahit sinabi nitong wala itong sakit ay mahahalata sa boses nito na nagsisinungaling. "Okay. Iyon lang ba?"

"Dumaan ka na rin ng makakain."

Tumingin siya sa relong pambisig. Alas diyes na nang umaga. "Huwag mong sabihing hindi ka pa kumakain?"

"Just go, Sassa."

Tumalima siya. "Alright. I'm on my way." Tinapos niya ang tawag at may pagmamadaling dinampot ang bag.

Dumaan siya nang pagkain sa restaurant ni Khyryu at nagpaluto nang pang-maysakit na pagkain. Panay ang tukso nito sa kanya pero hindi na niya ito pinatulan dahil mas inaalala niya kung ano na ang nangyayari sa boss niya. "Tapos na ba? Baka mamatay na iyon sa gutom."

Nanunuksong ngumiti ito. "Malakas si Kenshin, Sassa. Don't worry about him. Baka ikaw ang mapahamak sa pagmamadali mo."

Umirap siya. "Khyryu, hindi ako nakikipagbiruan. Ibalot mo na iyan."

Panay parin ang ngiti nito habang ibinabalot ang pagkain. "Here. You're good to go."

"Thanks." Inabot niya iyon at agad na lumabas, dadaan pa siya sa bilihan ng gamot para sa gamot nito.

Gusto niyang maawa sa lulugo-lugo nitong itsura nang makarating siya sa bahay nito. Siya na ang nagsara nang pinto dahil agad itong bumalik sa pagkakahiga sa sofa bed pagkatapos siyang pagbuksan. He was wearing sweatpants and a hoodie. Ipinatong ang braso sa mga mata nito.

"Pakilagay na lang diyan ang mga dala mo at puwede ka nang umalis. Take the rest of the day off if you want."

Pinagmasdan niya ito. "Paano ka?"

"I can take care of myself. Sige na, Sassa. Umuwi ka na." He slowly got up at inabot nito ang tissue. "Sipon lang ito."

Hindi niya ito pinakinggan at yumuko upang magkapantay sila. "Sa nakikita ko ngayon ay hindi mo kaya ang sarili mo." Sinalat niya ang noo nito saka napapalatak na inabot ang pagkain. Good thing it was in a tupperware. "Kumain ka para makainom ka na ng gamot." Pinandilatan niya ito nang mataman lang itong nakatingin sa kanya. "Many people called today so you really need to recover fast." Susubuan sana niya ito pero kinuha nito sa kanya ang tupperware.

"Kaya kong pakainin ang sarili ko."

Humugot siya nang malalim na paghinga. "May sakit ka na nga, nagsusungit ka pa rin. Ewan ko sa'yo."

"I told you to go."

"And I choose to stay." Inilapit niya ang mukha rito saka pinatunog ang dila. "Namumula iyang ilong mo."

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon