Chapter 3

33.6K 834 18
                                    

MARAHANG inunat niya ang mga kamay at pinatunog ang mga daliri. Nangawit siya sa dami nang ini-encode niya, hindi na rin niya namalayan ang oras kaya hayan, tanghalian na naman. Dadamputin na sana niya ang kanyang bag para magtungo sa cafeteria nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello auntie. Bakit ho?" Ang tita niya ang tumatawag na kasalukuyang niyang tinitirhan. Kapatid ito nang kanyang ina.

"A-alis ako ngayon papuntang Batanes. May retreat kami ro'n. Iiwan ko na lang ang susi kay ate Merlyn, ha? Sa lingo pa ang balik ko kaya ikaw na muna ang bahala rito sa bahay."

"Eh? Bakit naman ho biglaan ata?"

"Oo nga, eh. Kakasabi lang sa amin kanina."

Isa itong marketing officer sa isang immigration company. Single pa ito sa edad nitong trentay-kuwatro. Naging abala kasi ito sa trabaho kaya hindi na nabigyang pansin ang pagkakaroon ng kasintahan. Sayang lang dahil maganda pa naman ito.

"Sige, Sassa. Aalis na kami."

Napakamot siya sa batok. Ayaw niyang mag-isa. "Sige auntie. Ingat kayo."

Pinakatitigan niya ang cellphone nang matapos ang tawag. "Hay, Sassa... Boring na naman ang gabi mo," bulong niya sa sarili. Palabas na siya nang bumukas ang pintuan ng opisina nang boss niya.

Himala. Lumabas sa lungga.

Ngayon lang niya kasi itong nakitang lumabas sa panahon ng lunch break. Lagi itong nagkukulong sa opisina nito. Minsan ay naitatanong niya sa sarili kung kumakain pa ba ito o puro trabaho na lang. Para sa edad nitong trenta ay masyado itong seryoso. Hindi naman niya sinasabing ipagsawalang-bahala nito ang kompanya pero ni isang beses ay hindi pa niya ito nakitang ngumiti man lang lalo na kung mga empleyado ang kausap.

"Ah, sir, kakain ho ba kayo?" tanong niya nang hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan.

Nagsalubong ang mga kilay nito. May nasabi ba siyang mali? Ang laki talaga ng problema ng isang 'to.

"I have a lunch meeting today with Mr. Lim. Nakalimutan mo na ba?"

Napamulagat siya. Oh, crap! Not again. She quickly checked her wristwatch and sighed. Salamat naman at hindi pa sila late. "Hindi, sir, katunayan ho niyan, eh, tatawagin ko na sana ho kayo. Naunahan lang ako nang paglabas mo," palusot niya saka binigyan ito nang isang tipid na ngiti.

May pagdududang tumingin ito sa kanya bago tumango. "Let's go." Iyon lang at lumabas na ito.

Nakasimangot siyang sumunod. Peste! Muntik na ako ro'n, ah. Kahit kailan talaga ay problema niya ang kanyang memorya. Having a short-term memory is such a pain in the ass. At kahit uminom siya nang sangkaterbang memoplus ay wala pa rin.

Nang nasa loob na sila nang elevator pababa ay binalot ng nakakabinging katahimikan ang paligid. Napabuntong-hininga siya. Matutuyuan talaga siya nang laway kapag hindi pa siya nagsalita sa loob ng ilang segundo. Pero kung magsasalita siya ay ano naman ang sasabihin niya?

She cleared her throat. "Ahm sir---"

"Kent."

"Ha?" Parang umatras ang dila niya nang tingnan siya nito. Bakit ganito ito makatingin?

"Call me Kent."

Naguluhan siya. "Nge? Bakit?"

"Huwag ka nang magtanong. Gawin mo na lang."

"May gusto ka ba sa akin?" lakas loob niyang tanong.

Kakaiba ang tinging ibinigay nito sa kanya. Elevator, please bumukas ka na bago pa ako bumulagta sa hiya.

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon