MAGAAN ang pakiramdam ni Sassa pagkagising niya kinaumagahan. Wala nang sakit sa kanyang ulo at hindi na rin siya nahihilo. Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa kama habang pilit na inaalala kung ano ba ang gagawin niya sa araw na iyon. Napasinghap siya nang sumagi sa isip ang tungkol sa meeting. Nagkukumahog siyang bumaba mula sa kama at patakbong tinungo ang pintong palabas ng kuwarto. Inihanda na niya ang sarili sa maaaring sabihin sa kanya ni Kent ngunit imbes na galit na boses nito ang sumalubong sa kanya ay katahimikan.
Walang tao?
Nagtungo siya sa kusina at napansin ang post-it-note na nakadikit sa may refrigerator. Binasa niya ang nakasulat do'n.
"Magpahinga ka lang at kumain."
Ang tipid niya ring magbigay ng mensahe, ah? Nagkibit-balikat siya at ibinulsa ang papel sa bulsa nang suot niyang shorts. Sinulyapan niya ang wall clock na nakasabit sa dingding ng kusina at napamulagat nang makitang alas-onse na pala nang umaga.
Nakakahiya naman ang oras ng pagtulog mo, mahal na prinsesa, pangongonsensya sa kanya nang isang boses sa kanyang isip. Mabuti na lang at inatake nang kabaitan ang lalaking iyon.
Mayro'ng pancakes, hotdogs, and egg at bacons ang nakatakip sa hapag-kainan. American meal lang ang peg.
Pagkatapos niyang kumain ay pinasyal niya ang sarili sa loob ng kabahayan. Wla naman itong sinabi na bawal gumala sa bahay nito. She was enjoying herself wandering around that she didn't even notice the time. Alas tres na nang hapon nang nagdesisyon siyang lumabas at doon naman maglakad-lakad.
"Whoah! Nakita ba talaga kitang lumabas diyan sa bahay ni Tekken o baka naman nililinlang lang ako nang aking paningin..."
Nilingon niya ang isang matangkad at taglay ang guwapong mukha ni Khuryu. Ngunit may pakiramdam siyang ibang lalaki ito. Bagama't ay naniguro pa rin siya.
"Khyryu?"
She concluded it wasn't him when the man smiled. His twin perhaps? Napangisi siya.
"May kakambal ang lalaking 'yon?"
His smile widened. "Cool! Iilan lang ang mga taong napagsisino kami. I'm Kyzer."
"Well, iba na ang mga taong matatalino. I'm Sassa."
Namulsa ito. "Hindi ko alam na may itinatago pa lang dilag si Tekken sa kanyang bahay kubo."
Bahagya siyang natawa. Katulad din ito ni Khyryu. At Tekken ha? Gusto niyang mailing. "Sekretarya niya ako. Naiwan lang ako kasi may hindi inaasahang nangyari kagabi habang papunta kami rito kaya hindi ako nakasama sa business meeting niya ngayon," paliwanag niya bago pa ito mag-isip nang kung ano.
Sumeryoso ang ekspresyon nito at tumatango. "So you're the famous Sassa Cruz?" Napalatak ito. "Tekken is stupid with his rule," komento nito bago lumalim ang ngiti sa mga labi. "Do you want to wander around?"
"Oo sana kaso..."
"Huwag kang mag-alala kay Tekken. I'll inform him."
Saglit siyang nagisip bago pumayag. "Okay. Tara."
"Ilang buwan ka nang nagta-trabaho kay Tekken?" tanong sa kanya ni Kyzer habang nilalantakan ang barbeque na in-order nito. Ipinasyal siya nito sa iba't-ibang tanawin na makikita sa lugar kung saan naro'n ang village na tinitirhan ng mga ito. His house is only five blocks away from Kent's. Tumigil sila sa isang cafe nang makaramdam sila nang pagod sa paglalakad.
"A month," matipid niyang tanong.
Tumango-tango ito. "You think you could go with his rule?" tahasang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Her Boss' Number One Rule (Completed)
RomansaBoss Series #1 Book 1 KENT JULIAN: Her Boss' Number One Rule Kent Julian Soriano went back to the Philippines to take over his father's company. Managing two big companies at the same time is taking most of his time. Plus the frustration of firing a...