" Hay kailan kaya ako magkakaroon niyan?"
"Hindi ka magkakaroon niyan?!
nagulat ako ng biglang may umagaw sa kinakain kong popcorn at sabay umupo sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"What?! I'm just stating the truth"
kaswal niyang sabi sabay subo ng popcorn ko.Binato ko siya ng unan. bwisit eh!
"alam mo sobra kana ah?!!!!!!!!!! sabay irap sakanya.
by the way I'm Keila Ann Mendeza at pinakamabait at supportive kong bestfriend *insert sarcastic tone* Cyrene Mendez.
"Friend naman kahit lang beses kang manuod ng lovestory ng iba, iba pa rin magiging lovestory mo!"
sinabi niya sakin sabay subo ulit ng popcorn ko. sa pagkakaalam ko sakin yun ah?! tsk!
nanunuod kasi ako ng isang pelikula lovestory to be specific malapit na silang magkatuluyan eh. feel na feel ko na yung moment sinira lang niya.
"bakit ba masama bang mangarap?"
tanong ko sakanya sabay agaw nung popcorn ko.
"Friend kung pangarap din lang naman hindi masama. pero yung mangarap ka ng imposible yun yung masama!"
"bakit Imposible ba talaga akong magkaroon ng malafairytale na lovestory?
"friend kailangan ko ba talagang sagutin yan?baka masaktan ka. pero dahil kaibigan kita sasabihin ko na OO IMPOSIBLE. lovelife nga wala ka?magkaroon pa kaya ng lovestory na ganyan?
aba't concern pa siya dyan kung masasaktan ako?! ang harsh ah?kailangan ipamukha ganun?
"Che! ewan ko sayo!minsan talaga nagdududa ako kung kaibigan ba talaga kita."
sabay walkout ko at punta sa kwarto. pero sinundan pa din niya ako with matching halakhak pa siya habang nasa likod ko. bwisit talaga! umupo ako sa kama ko at nagbasa ng libro oo lovestory na naman bakit ba?!
"kaibigan mo ako kaya ayaw kong umasa ka sa isang bagay na malabong mangyari. pano ba naman kasi hindi ka lumalabas ng bahay. pagkatapos ng klase diretso ka agad sa condo mo wala kang social life friend!pano o makikilala si Mr. Right?!"
Napabuntong hininga ako. yes, panagarap kong magkaroon ng magandang lovestory katulad ng iba. sino namang hindi diba? pero kasi natatakot akong makihalubilo sa tao. ewan ko i used to feel alone not until i see my mom and dad sweet to each other. naisip ko kung makakahanap ba ako ng lovestory na kagaya nila, not perfect wala naman talagang perpektong relasyon diba? pero kasi kahit ganun mararamdaman at makikita mo yung sincerity at pagmamahal sakanila.
"alam mong ayaw kong makihalubilo sa tao."
"haay friend kung ganyan rin lang accept the fact na tatanda kang dalaga."
sabay pat niya sa likod ko na may kasamaang iling.
Tiningnan ko siya. gusto ko man siyang hampasin pero kasi may point siya hindi ko talaga makikita si Mr. Right kung nakakulong lang ako dito. tatanggapin ko na lang ba yun?yun nalang ba ang lovestory ko hanggang pangarap?haaaaayyyy.