Chapter 7

11 1 0
                                    


"Good morning!!!"
Malakas na boses ang bumulabog sakin pero Hindi ko pinansin dahil inaantok pa ako.

"Hoy K! Ano ba?!gumising kana. It's your first day" sabi  niya sakin sabay yugyug. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya anong first day?eh matagal na kaming pumapasok sa school malapit na nga ang midterm eh.
Bumangon ako at tiningnan siya. Bigla akong kinilabutan sa the way ng pag smile niya. Natuluyan kaya Ito kagabi? Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa C.R para maligo. May pasok pala kami ngayon.

"Seriously Cy ang creepy ah?kanina ka pa nakangiti diyan? Nabaliw kana ba?".

Tanong ko sakanya habang kumakain kami ng breakfast. Siya na naman kasi ang nagluto eh.

"Hindi mo naalala?this is our first day?your first day?"

Agad kumunot ang noo ko.

"First day saan?"

"My God K! Makakalimutin ka talaga. It's your first day to find Mr.Fight!"sinabi niya yan with matching taas ng kamay. At halos maibuga no naman ang kapeng iniinom ko.

"Find---what?! Ako?pero akala ko panaginip yun? Totoo pala?"

"Uh-huh kaya bilisan mo ng kumain at para makapasok na tayo.dun ang first place natin"

Habang nakaupo sa Canteen ay yun ang iniisip ko. Kaya pala napuyat ako kagabi kakaisip kung tama ba ang desisyon kong hanapin siya. Hindi kaya masyadong desperada ang labas nito? Pero kasi wala din namang masama Kung sususbukan Kong tulungan si destiny diba? Hay ewan ko!

"Ahm what if si Kyle nalang?ang SSC President ng school natin?mayaman, gwapo at matalino ano bet?"?

Agad kong tiningnan ang tinuturo ni Cy. Si kyle?oo nga no?pero parang hindi ko siya nakikitang maging boyfriend. Umiling ako.
Bumuntong hininga naman siya alam ko kasi napapagod na siya. Kanina pa yan turo na turo eh.

"Oh ayan si Jordan.  Bad boy tingan pero sabi nila mabait yan. Kaso maraming gang na sinalihan pero kinatatakutan ng lahat."

Umiling ako.

"Si Tristan. Nerd pero  Soon to be Magna cum laude tahimik at mabait"

Umiling ulit ako.

"Hay naku K!yung totoo? Gusto mo bang mahanap o hindi?
Naiinis niyang sabi. Kanina pa kasi siya salita ng salita pero puro iling Lang anyg sagot ko.  Eh wala naman talaga akong magustuhan eh.

"Syempre gusto ko siyang mahanap. Magpapakadesperada ba ako dito Kung Hindi?!its just that wala akong magustuhan. Ni wala ngang spark eh!. Napasimangot siya.

"OK I have an idea susunduin kita mamaya sa unit mo. Exactly  8 o'clock."

Magsasalita pa sana ako pero agad na niya akong iniwan at umalis. San kami pupunta?

Finding MR.RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon