"K! Nandito na ako!" malakas na sigaw ni Cy. I roll my eyes hindi naman halatang nandyan na siya. Ang hina kaya ng boses niya.
"Oh my god!Bakit di ka pa nakabihis!" sabi niya ng makita akong nakaupo sa sofa at kumakain ng popcorn.
"kasi naman tinatamad na ako kung saan man tayo pupunta. Wag na kaya nating ituloy?" sabi ko ayoko talagang lumabas eh knowing na may pasok pa bukas. Wala namang quiz or exam pero kasi I just don't feel to go out.
Nagulat ako sa agad niya naman akong hinila at sapilitang pinapasok sa banyo.
"Cy ano ba!bitawan mo nga ako!"
Sabi ko habang nagpupumiglas sakanya. Malakas pala siya."Hindi! Itutuloy natin ito. Dalian mo at maligo kana!" sabi niya aalis na sana ako sa c.r pero bigla niya inopen ang shower kaya nabasa na ako! Kainis naman!
Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Hoy wag mo akong matingnan ng ganyan. Tinutulungan kita dito." sabi niya sabay alis. Hayss naman!
Pagkatapos maligo agad niyang binato sakin ang isang skirt na kulay brown at isang off shoulder na damit na kulay pink! Nagtatanong akong nakatingin sakanya. Mukhang nakuha naman niya kaya agad niya akong sinagot.
"Damit yan K! Tsaka since wala ka namang mga matitinong damit kasi puro ka jeans at shirt. Binilhan na kita kanina. Ako na nag adjust! Oo na alam ko magaling ako" sabi niya habang pinupuri ang sarili.
"Saan ba kasi talaga tayo pupunta? At bakit ganito ang damit na kailangan? Hindi ba masyadong maiksi yan?" sabi ko.
Inirapan niya lang ako.
"Ang manang mo talaga! Yan ang uso na ngayon, isuot mo na yan at baka malate na tayo jusko!"
Gusto ko siyang hambalusin sa sinabi niyang manang part! hindi lang nagsusuot ng sexy na damit manang na? Diba ba pwede di lang komportable?
Pagkatapos kong magbihis agad niya akong nilagyan ng blush on at konting lipstick. Alam niya kasi na ayoko ng makakapal na make up parang ang bigat sa mukha. Ayoko na ding kontrahin siya sa gagawin niya. Nakakapagod makipagtalo sakanya."yan! Okay na!" sabi niya ng matapos akong ayusan at pumapalakpak pa siya. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Not bad. Buti nalang magaling si cy mag make up kahit papaano di ako takot ipagkatiwala make up ko sakanya.
Agad na niya akong hinila sa may parking lot. Nagmamadali na siya dahil late na daw kami.
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
Tanong ko ng huminto kami dahil sa traffic light."It's for me to know and for you to find out!" makahulugan niyang sabi. Inirapan ko nalang siya, Cy and her malalim na sagot. Hindi ko nalang siya pinansin dahil alam kong hindi siya matinong kausap.
Dumating kami sa lugar kung saan ang sinasabi ni Cy pupuntahan namin. Ano ito Bar?!
Pagkapasok bumungad sakin ang nakakahilong ilaw at ang nakakarinding music! Ang daming tao, pero buti nalang hawak hawak ako ni Cy kaya hindi ako natatakot mawala.
Ilang siksikan pa ang nadaanan namin na akala ko hindi na matatapos bago kami nakarating sa isang sofa na puno din ng mga tao.
"Hi Cy!" sabi ng isang babaeng nakasuot ng tube top na kulay white at highwaist na short. Kung short pa bang matatawag yun dahil sa sobrang iksi.
"Oh Hi Chloe!" sabi ni cy na bumeso pa. Ganun din ang ginawa ng ibang babae sa mesa. Kumaway at tumango lang si Cy sa mga lalaking kasama ng mga babae sa lamesa. Siguro hindi din niya kilala ang mga iyon.
"Ay Guys by the way, This is Keila my bestfriend" sabi niya nginitian ko lang sila lahat well except doon kay Chloe na agad tumayo at nagbeso pa sakin sabay sabing