Keila POV'S
Kinaumagahan nagising ako dahil sa lakas ng pagkatok ni Cyrene sa pinto ng kwarto ko. kaya heto kami ngayon at magkaharap sa living room ko para alamin kung ano bang problema niya dahil kung hindi worth it ang pag gising sasapakin ko talaga siya.
"oh anong problema mo?" mataray na tanong ko sakanya. aba ikaw kayang maistorbo ang tulog hindi ka magsusungit?
"Ai ang aga- aga ang sungit mo" sabi niya with matching pout pa. tsk.
"sige nga sabihin mo sakin kung paano ako magiging mabait sayo kung lagi mo nalang sinisira ang tulog ko, tsaka siguraduhin mong maganda yang sasabihin mo kundi sasamain ka sakin." sabi ko sakanya sabay cross arm.
"eeehh wag na nga lang ang sungit mo naman" sabi niya aba?! ako pa tinakot niya? sabagay makakatulog ulit ako sabado pa naman ngayon pahinga day hay!
"ok" sabi ko sabay tayo. madali akong kausap no!
"wwwwaaaaiiittt!ang dali mo namang kausap, hindi mo ba ako pipilitin?" tanong niya. tinitigan ko siya ng masama.
"ok, ok sasabihin ko na eh ayaw kasi akong payagan ni mommy lumabas mamayang gabi"
"oh eh di wag ayaw pala ni tita eh" simpleng sagot ko
nagulat ako ng bigla siyang nagpapapadyak sa harapan ko.
"eeehhh date namin ni Simon yun eh"
"hay naku cy kung ayaw ni tita sundin mo siya"
"may kondisyon siya, papayag lang daw siya kapag sumama ka"
halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. hindi ako sasama never.
"no way!"pabulyaw kong sagot sabay tayo.
"waaaaahhhh please friend?"
"alam mong ayaw ko sa mga Date tsaka anong gagawin ko dun?alalay?tsk hindi!"
nagulat ako ng bigla niya akong hinarang at lumuhod siya.
"please friend kahit ngayon lang pagbigyan muna ako" sabi niya na halos maiyak na siya.
bumuntong hininga ako gaano ba niya kagusto ang lalaking yun at ganyan siya makaasta?
wala akong magagawa after all kaibigan ko siya.
humugot ako ng malalim na hininga at sinabi ang sagot ko sana hindi ko pagsisihan.
"ok".
Authors note:
hey readers (kung may nagbabasa man haha) pasensya sa slow update:)tsaka pasensya na din sa typo's first story ko po ito. sana suportahan niyo:)
vote and comments para sana alam ko kung nagugustuhan niyo haha.