Beauty in a Beast

2K 29 9
                                    

**Masyado akong nababagot ngayong araw na'to at itong story ang naging bunga. (akalain mu un? XD) Ano kaya mangyayari? Pfft~ haha. Good luck sa story!**

-=oOo=-

Hindi ako naniniwala sa mga engkanto o halimaw hanggang sa magpakita sa akin ang isa sa kanila...

Madilim ang paligid ngunit kita ko parin ang panlilisik sa kanyang mga mata na ngayon ay nakatingin sa akin.

Bakit ko ba kasi naisipan na dumaan dito sa lugar na hindi madalas daanan ng tao? Bakit ba kasi nagpadis-oras ako sa paglalakwatsa? Edi sana hindi ako naghanap ng shortcut para agad makauwi sa bahay. Edi sana hindi ko kaharap ang halimaw na ito. Edi sana hindi ako nakakarandam ng takot ngayong nagsimula na syang maglakad palapit sa akin.

Kinakabahan ako sa kanyang tingin. Gusto kong tumakbo pero para akong napako sa aking kinatatayuan. Gusto kong sumigaw at humingi ng saklolo pero parang nalunok ko ang aking dila dahil sa takot.

"Wag kang lalapit! Ibabaon ko itong kutsilyo sa babae kapag nanlaban ka! Akin na mga pera nyo!" dinig ko sa isang lalaki mula sa aking likuran.

Meron pa palang ibang tao bukod sa aming dalawa ng halimaw at mas nadagdagan ang takot ko dahil sa kanyang mga sinabi. Mabilis akong lumingon sa lalaki na nagsalita kaya kita ko ngayon ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo at akmang isasaksak sa akin.

Ang buong pag-aakala ko ay katapusan ko na ng makita ko ang kutsilyong papalapit ng papalapit sa akin subalit sa isang iglap ay may biglang tumulak sa akin palayo sa lalaki. Yung halimaw na may nakakatakot na mata ang may gawa.

Bumagsak ako sa sahig ngunit hindi ko pinatay ang aking tingin sa kanilang dalawa kaya nakita ko kung paanong sinipa ng malakas nung halimaw ang kamay ng lalaki na naging dahilan ng pagtilapon ng kutsilyo sa malayo. Nasaktan ang kamay ng lalaki sa ginawa ng halimaw pero hindi iyon naging dahilan upang hindi gumanti.

Sumuntok ang lalaki na madaling naiwasan ng halimaw. Napakabilis gumalaw ng halimaw na parang sanay makipaglaban. Ang astig din nyang kumilos hindi gaya ng mga halimaw na napapanood ko sa tv na gumigewang-gewang.

Kung tutuusin ay para rin lang din syang tao na nakasuot ng maong at long-sleves na may hood. Ang pagkakaiba lang nya sa normal na tao na naging dahilan kaya mukha syang halimaw sa aking paningin ay ang mga kuko nya na napakatulis, mga pares ng pangil na sumusilip ng kaunti sa kanyang bibig at mga mata na nakakatakot dahil sa nanlilisik na tingin. Napakaliksi nitong kumilos dahil sa isang saglit ay hawak nya sa magkabilang braso ang lalaki.

Hindi ko kinaya ang sunod kong nakita. Biglang kinagat nung halimaw ang lalaki sa balikat malapit sa may leeg nito kaya abot langit ang sigaw nung lalaki sa sakit. Kita ko ang pag-agos ng dugo. Matapos non ay binitawan nung halimaw ang lalaki na agad tumakbo palayo.

Tumindig ng tayo ang halimaw tsaka isinuot ang hood ng kanyang damit sa ulo nya bago lumingon sa akin. Merong dugo na naiwan sa kanyang labi na lalong nagpadagdag sa dating nyang parang halimaw pero sa hindi ko malaman na dahilan ay nawala ang takot ko sa kanya. Dahil siguro sa iniligtas nya ako sa lalaki na gustong mang-holdap kanina.

Walang pagdadalawang-isip akong ngumiti bilang pasasalamat sa kanyang ginawa. Dumaan ang isang kotse na may ilaw kaya naging napakaliwang sa aking paningin ng gumanti din sya sa akin ng isang ngiti na lalong nagpawala ng kahit anong klaseng natitirang  takot na nararandam ko kanina.

Meron pala syang maamong mukha kapag ngumiti na nakakagaan sa pakirandam. Pagkatapos ay bigla na syang tumakbo palayo. Hindi ako nakakontra dahil hindi agad ako nagising sa pagkakatulala ng masilayan ko ang ngiti nung nilalang na tinawag kong halimaw.

Totoo ngang hindi mo mahuhusgahan ang isang bagay, tao o nilalang sa panlabas na anyo lamang. Dahil kung minsan, kung sino pa ang may dating na hindi kagandahan ay sya pa ang may napakagandang kalooban. Ito na nga ang tinatawag na BEAUTY IN A BEAST...

-->BelomaCassidy

Beauty in a Beast [Short Story / Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon