**Photo ni Dark sa side. Oh, oh, oh, laway mo! XD Nga pala, magde-dedicate ako nitong story sa mga readers na naglagay sa kanilang Library. Ayun. Hihi.
-=oOo=-
"Opo." sabi ko ng magbilin ang mga magulang ko na huwag magpapapasok ng hindi kakilalang tao ng basta-basta.
Kung alam lang nila na pinapasok ko si Dark kahapon kahit hindi ko pa sya gaanong kakilala. Ang taas pa ng araw pero mahigpit talagang magbilin ang mga magulang ko dahil nag-iisang anak nila ako.
Ilang saglit palang mula ng umalis mga magulang ko ay may nag-doorbell. Kakabanggit ko lang kay Dark kanina at heto sya ulit kaya muli ko syang pinapasok. Akmang iiwanan ko muna sya sa sala para makakuha ng kanyang makakain ng hinawakan nya ako sa kamay.
"Hindi na kailangan ng merienda. Usap lang tayo Heizzel." sabi nya bago kami umupo sa sofa.
Binitawan din nya agad ang kamay ko matapos non at biglang tumahimik. Sabi nya usap kami pero hindi naman sya nagsasalita. Ni hindi rin sya nakatingin sa akin kaya parang nag-alala ako. Sandali akong nag-isip ng sasabihin.
"Hmm, napansin kong hindi na mahaba mga kuko mo ah? Nagpa-manicure ka?" sabi ko na parang pinagsisihan ko sa huli.
Ang dami naman kasing topic kaya bakit ganon kinalabasan ng sinabi ko? Kulang nalang ay masapok ko ang sarili para iparating na ang tanga ko.
"Ah heto ba?" humarap na rin sya sa wakas tsaka pinakita mga kuko nya. "Galing kasi ako ng gubat non. Hindi kasi ako nakakapagputol ng kuko nung nagtatago ako sa gubat." dagdag nya.
"Nagtago ka sa gubat? Ano yun Dark? Tinutugis ka?"
Biro dapat ang mga sinabi ko kaya natatawa ako ng konti at natigil lang ako nung seryoso syang tumango. Parang natakot ako at humiling na sabihin nyang biro lang iyon pero mas hindi ko inasahan ang sunod kong nalaman.
"Iyon ang dahilan kaya ako nandito. Sabi kasi ng personal security assistance ng pamilya namin ay papunta na rin dito sa lugar nyo yung mga tumutugis sa akin kaya kailangan namin ulit lumipat. Kung ako ang masusunod Heizzel, ayaw ko sanang lumayo sa iyo pero ayaw ko rin naman na madamay ka sa gulo kaya ako nagpapaalam ngayon."
"Yan ba ang dahilan Dark kaya ayaw mong malaman ko ang tungkol sa iyo?"
"Tama ka."
"Kung ganon, hindi na tayo magkikita?"
"Baka pero wag naman sana."
Katahimikan ang naghari. Wala akong masabi at ganon din siguro sya hanggang sa marandaman kong umiinit ang gilid ng aking mga mata hudyat na maiiyak ako.
"May sasabihin ka pa ba?"
"Mami-miss kita Heizzel."
Parang go-signal ang mga sinabi nya dahil basta nalang lumabas ang butil ng luha sa aking mata kaya mabilis akong tumalikod. Pasimple kong pinunasan ang aking munting luha.
"Ganon ba? Sige, ingat ka nalang Dark."
Bakit ako ganito kaapektado? Bakit ganito ang nararandaman ko? Bakit parang meron akong dapat ipaglaban? Pero ano?
"Ayaw ko sanang mangako sa isang bagay na hindi ako ganoon kasigurado pero mahihintay mo ba ako?"
"Para saan? Wala naman namamagitan sa atin di ba? Malaya ako at malaya ka. Magkaibigan tayo oo. Pero sa tingin ko Dark, hindi iyon sapat na dahilan para humawak ako sa hiling mo. Parang ang hirap."
"Hindi ko naman hinihingi na umasa kang babalik ako. Kung pwede lang sana na hintayin mo ako hanggat kaya."
"Hindi ko makita ang dahilan kung bakit mo sinasabi ang lahat ng ito at hindi rin kita naiintindihan kaya ayaw ko ring mangako."
"Para sa ating dalawa."
Doon ako muling humarap sa kanya. Nagkasalubong kami ng tingin. Hindi nya kailangang sabihin dahil parang sinasabi na ng kanyang mga mata na meron syang nararandaman para sa akin.
Iyon ba talaga ang nababasa ko sa kanyang mga titig o iyon lang talaga ang gusto kong paniwalaan? Dahil parang pakirandam ko ay malapit na akong kumapit sa ideyang hihintayin ko sya kahit walang kasiguraduhan kung babalik nga sya o hindi.
"Mahihintay mo ba ako Heizzel?"
"Pwede."
"May babalikan ba ako?"
"Siguro."
"Meron ba akong pag-asa sa iyo?"
"Oo."
....
Magpipitong buwan matapos ng huling usapan namin ni Dark. Ganoong katagal ko na syang hindi nakikita. Kung tutuusin, basta lang naman syang dumating at kaunting panahon lang kami nagkakilala kaya ako nagtataka kung bakit ako nanlulumo ng ganito.
Nasa tiange ako ngayon at nagtitingin-tingin ng kahit anong mabibili habang kausap ko si Tephie sa cellphone. Hindi ko sya sinama dahil gusto ko talagang mapag-isa. Kaya heto, naglalabas sya ng sama ng loob dahil gusto nyang sumama sa akin. Napapangiti nalang ako dahil parang nakikita ko syang nakabusangot sa kabilang linya.
Tuloy lang ako sa lakad at pakikinig sa pinsan ko sa phone ng mapansin ko ang isang stufftoy. Isang paniki na may mahahabang pangil at maamong mata. Parang baby-paniki ang dating ng malambot na laruan. Naalala ko tuloy si Dark pagkakita non kaya napangiti ako.
Kinuha ko iyon at akmang babayaran ng masagi ng paningin ko ang pamilyar na imahe ng tao sa likod ng tindera sa hindi kalayuan.
"Dark." bulong ko sa sarili sabay bitaw ng stufftoy pabalik sa kinalalagyan nito kanina.
Pinatay ko na rin ang tawag kahit nagsasalita pa si Tephie dahil balak kong sundan ang nakita ko upang masiguro kung hindi nga ako nagkakamali. Siksikan sa tiange kaya nahirapan ako sa pagpunta sa lugar kung saan ko namataan si Dark.
Nakarating din ako pero wala naman pala sya dito. Namalikmata ko lang siguro na nandito sya at nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at naglakad pabalik.
"Makikiraan!" dinig ko mula sa aking likod.
Lilingon dapat ako ngunit huli na dahil natulak ako nung sumigaw sa kanyang pagmamadali. Sakto na may papadaan na malaking sasakyan sa pagbabagsakan ko kaya lubos-lubos ang takot na aking narandaman. Akala ko ay katapusan ko na. Mabuti nalang ay may biglang humablot sa akin palayo sa dinaraanan ng mga sasakyan.
Nanginginig pa ako pero kinaya ko parin iangat ang aking ulo upang matignan ang taong yakap-yakap ako. At ang taong iyon pala ay ang nagligtas na dati sa akin.
Si Dark.
-->BelomaCassidy