Fourth Chapter

544 13 3
                                    

**Promote! Haha. "Bratinella Series: Maldita ako. Paki mo." Posted na ang last chapter sa mga oras na ito. Kwento ni Samantha Eleighn Fae Geisler na ginagawa ang kahit anong gusto kahit nakakasagasa na sya ng buhay ng iba. Click External Link if interested ka. ;)

Photo ni Vince sa side. Bagong character. Hehe. Oh ang mga mata, lumuluwa! XD

-=oOo=-

Nasa loob ako ngayon ng karaoke room kasama si Dark. Hinila nya ako kanina matapos akong iligtas mula sa paparating na malaking sasakyan at dito dinala. Open-time ang arkila nya dito pero wala ni isa sa amin ang pumili ng kanta. May kutob ako na dito kami nagpunta para walang makakita sa kanya kasama ako.

"May tumutugis parin ba sayo?" pagbasag ko ng katahimikan.

"Oo." simpleng sagot nya.

"Kung ganon nagtatago ka kaya tayo nandito?"

"Tama ka."

"Edi matapos nito, aalis ka ulit?"

"Hindi naman ako umalis. Hindi lang kita nilalapitan. Ngayon lang."

Napakunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya. Anong ibig nyang sabihin? Na dati pa nya ako sinusundan at minamasdan sa malayo? Sa loob ng magpipitong buwan?

"Wala akong balak na magpakita muna sa iyo Heizzel, pero mas wala akong balak na makita kang masasagasaan na ng sasakyan ng wala akong ginagawa. Lalayo na ulit ako kaya mag-iingat ka." sabi nya bago tumayo.

Lalakad na sya pero pinigilan ko sa paghawak ng laylayan ng kanyang damit.

"Sama ako." walang pagdadalawang-isip kong sabi na naging dahilan kaya muli syang humarap.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Delikado kapag sumama ka sa akin dahil buhay mo ang nakataya. Gusto ko naman kung sanang normal ang buhay ko gaya ng iba. Pero hindi eh. Hindi pa pwede."

"Sino ka ba talaga Dark?"

"I'm sorry."

Hindi nya sinagot ang tanong ko. Basta nalang nya inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanyang damit tsaka basta nalang umalis kaya nakarandam ako ng matinding lungkot.

Wala akong ideya sa pagkatao ni Dark at wala akong ideya kung bakit ako nagkakaganito sa taong hindi ko pa lubos na kakilala. Yung parang hindi ko na rin kilala ang sarili ko. 

Meron talaga sigurong mga bagay na napakagulo kung iisipin kaya madalas ay umiiral ang damdamin.

Ilang sandali matapos lumabas ni Dark ay sumunod na rin ako at hindi pa man ako nakakalayo sa lugar ay may biglang humawak sa magkabila kong braso. Dalawang lalaki na ngayon ko lang nakita ang basta nalang humatak sa akin papunta kung saan. 

"Wag ka ng manlaban kung ayaw mong masaktan." sabi ng isang lalaki kaya tahimik nalang akong sumunod. 

Papunta kami sa isang van kaya nagkaideya akong doon nila ako ipapasok. Bahagya akong bumwelo bago pa kami tuluyang nakalapit tsaka ko inapakan ang paa ng isa sa mga lalaki bago sinipa ang maselang parte ng katawan nung kasama nya. Mabilis akong tumakbo ng makawala ako sa kanila. 

Pero isang bagay ang hindi ko napansin, meron pa pala silang isa pang kasama na biglang lumapit sa akin sabay lagay ng dalawa kong kamay sa likuran ko at tsaka tinakpan ng panyo ang aking bibig na may halong amoy. At lahat ay nagdilim na.

....

"Bakit mo kasi tinakot? May 'wag kang manlaban' ka pang nalalaman. Ang sakit kaya nung sipa nya sa 'Ano' ko! E kung sipain ko ang sa iyo tutal ay ikaw naman ang may kasalanan?" dinig kong sabi ng isang lalaki malapit sa akin.

"Sorry na nga di ba?" dinig kong sabi ng isa pang lalaki na nagpagising sa akin ng tuluyan. 

Iyon kasi ang boses ng isa sa mga lalaki na basta nalang lumapit sa akin kanina. Mabilis akong bumangon at doon ko nalaman na ang dalawang lalaking nag-uusap pala ay ang mga taong basta nalang nanghatak sa akin.

"Hindi ka namin sasaktan kaya wag kang mag-alala miss. Huminahon ka lang."

"Oo. Nagbibiro lang ako sa mga sinabi ko kanina miss. Ako nga pala si Merbin at si Sed naman itong kasama ko. Ikaw miss, ano pangalan mo?"

Hindi ako sumagot. Sinong matinong tao ang makikipagkilala sa mga taong dinala ka sa hindi pamilyar na lugar? Umurong ako ng upo sabay yakap ng aking mga tuhod dahil pakirandam ko ay ito nalang ang kaya kong gawin sa ganitong sitwasyon.

"Vince!" sigaw nung Sed. 

Ilang saglit lang ay pumasok yung lalaking nagtakip ng bibig ko kanina. 

"Ayaw magsalita. Natakot ata ni Merbin." dagdag pa nung Sed.

Lumapit yung Vince na hindi pinapatay ang tingin sa akin. Umupo sya sunod sa tabi ko. Hindi nakakatakot ang lugar dahil para itong condo o hotel pero hindi parin ako kumportable kaya muli akong napaurong.

"Isang tanong, isang sagot at makakaalis ka na. Anong koneksyon mo kay Liam?" diretsong tanong nung Vince.

"Sinong Liam?" tanong ko naman.

"William Chris Anzaldo."

"Wala akong alam na ganon. Hindi ko sya kilala. Pwede na ba akong umuwi?"

"Baka hindi sya yung nakita nating kasama nya. Ano na gagawin natin Vince?" singit bigla nung Merbin.

"Ihahatid ko sya pauwi sa kanila." sagot nung Vince na diretso parin ang tingin sa akin.

"Kaya kong umuwi mag-isa. Hatid nyo nalang ako sa pinakamalapit na station ng bus, jeepney o taxi. Kahit alin." matapang kong sabat sa kanila.

"Hindi pwede. Baka dumiretso ka sa mga pulis. Ako maghahatid sa iyo at pipiringan kita para di mo malaman daraanan." pilit naman nung Vince.

Wala akong ideya kung bakit ako napunta sa sitwasyon na ito. Wala rin akong alam kung ano atraso nung William Chris Anzaldo sa kanila at kung sino man sya, sana ay makita na nila dahil may pakirandam akong hindi ito ang magiging huling pagkikita namin ng tatlong lalaking nasa harap ko hanggang makita nila yung Liam.

-->BelomaCassidy

Beauty in a Beast [Short Story / Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon