-=oOo=-
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. Bumangon na ako at nalaman kong nasa silid parin ako ni Dark sa kanyang apartment pero wala sya sa loob. Tanging kumot lang ngayon ang tumatakip sa aking katawan kaya bigla kong naalala ang lahat ng mga nangyari kagabi na nagpainit ng mukha ko.
Ngayon pa ako nakarandam ng hiya kung kailan natapos na. Pasalamat na rin siguro ako at wala sya dito dahil hindi ko ata alam kung paano ako haharap ng ganito ang dating kay Dark.
Natigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang aking phone na agad kong kinuha. Mabilis kong sinagot ang tawag ng makita kong si Tephie ang nakarehistro. Hindi nga pala ako umuwi kagabi. Hindi naman ako nakainom pero parang nakalimot ako nung inumpisahan ni Dark ang paghalik sa akin. Lagot ako nito kay pinsan.
"Uy Tephie, sorry. Hindi ako umuwi kagabi sa bahay." agad kong sabi pagkasagot ng tawag.
"Alam ko. Jusko naman Heizzel, bakit hindi mo agad ako sinabihan? At bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag? Alam mo bang magdamag kitang kino-contact? Sinabi ko nalang kina tito na dito ka sa amin natulog. Pasalamat ka at hindi iba ang sumagot ng tawag nila dito dahil kung hindi baka nag-histerical na magulang mo. Pasalamat ka din dahil hindi ako pumunta ng madaling araw sa inyo para umaming buong gabi kang nawawala. Ano nalang mangyayari sa akin dahil sa pinagtakpan kita?" pagalit ang tono ni Tephie pero maririnig parin ang kanyang pagka-concern kaya napangiti ako.
"Thanks ng marami Couz. The best ka talaga. Paano nalang ako kung wala ka di ba?"
"Buti alam mo. Ano ba kasing nangyari?"
"Ha? Mahabang kwento eh. Sasabihin ko lahat kapag nagkita tayo. Promise."
"Dapat lang. Sige, ingat ka kung nasan ka man at ako'y matutulog na."
Lumabas ako ng silid pagkabihis ko pero parang gusto kong bumalik sa loob ng makita ko si Dark na nakasandal sa may pintuan. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng maglakad sya palapit sa akin.
"Good morning." sabi nya sabay kiss sa noo ko kaya ako napapikit.
Sunod nyang hinawakan ang aking kamay tsaka kami sabay naglakad papuntang kusina.
"Anong gusto mo, hot choco or coffee?" kaswal nyang tanong na nagpapawala ng pagkailang na nararandaman ko kanina.
"Kape na may madaming creamer. Tsaka tinapay kung meron?" kaswal ko namang sagot.
"Sige. Sandali lang."
"Ahm, Dark?"
"Hm?"
"Pwede ko bang malaman kung ano nangyari noon?"
Nakita ko syang natigil sa pagtimpla ng kape kaya naisipan kong bawiin nalang yung tinanong ko.
"Ah sige, ayos lang sa akin kung hindi ko pwedeng malaman. Naiintindihan ko."
"Hindi. Handa na akong sabihin ang lahat."
Nagpatuloy sya sa kanyang ginagawa bago muling nagsalita.
"Ako ang solong anak ng may-ari ng Anzaldo's Empire, isang malaking kumpanya dito sa bansa. Madaming may gustong umagaw sa posisyon ni dad kaya lagi akong naki-kidnap noon. Ito din ang dahilan kaya natuto akong lumaban. Isang beses ay naakside si dad at hanggang ngayon ay comatose parin sya sa isang private hostipal. Nasa tamang edad na ako at pwede ng ma-take-over ang kumpanya sa pangalan ko kaya ako naman ang pinuntirya ng mga taong gustong makuha ang Anzaldo's Empire."
Inabot na sa akin ni Dark ang kape pero parang hindi ko ito magawang inumin. Hindi pa tapos ang kanyang kwento ngunit parang hindi na kinakaya ng isip ko ang aking mga nalalaman.
"Dumating ang panahon na na-corner ako ng isa sa mga gustong tumugis sa akin at kasama ko ang aking kaibigan noon, si Jemie, kaya nadamay sya sa gulo. Ang mahirap ay ama pala ni Jemie ang taong iyon kaya pinipigilan sana nya ang kanyang ama pero sya ang sinampal ng malakas ng sarili nyang kadugo. Nagdilim na ang paningin ko sa mga oras na iyon at wala akong ibang gustong gawin kundi ang saktan ang taong nanakit kay Jemie. Gaya ng ginawa mo kagabi ay hinarang nya ang kanyang kamay kaya sya ang nakagat ko imbes ang ama nya."
Huminga muna si Dark ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagkwento. Para syang nahihirapan kahit tapos na ang mga iyon.
"Lalapitan ko sana si Jemie matapos. Ang hindi ko napansin ay ang pagtutok ng baril sa akin ng ama nya. Sa halip ay si Jemie ang mabilis na lumapit at sumalo ng bala na dapat ay sa akin. Natakot ang ama nya kaya mabilis itong tumakbo at ilang sandali naman ay dumating si Vince. Napatunayang hindi ako ang pumatay kay Jemie pero ako ang sinisi ni Vince dahil sa marka ng ngipin ko sa kamay ng nag-iisang kapatid nya. Hindi ako nagsumbong sa mga pulis tungkol sa totoong nangyari dahil iyon ang huling hiling ni Jemie bago nya tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata habang hawak ko sya noon. Kaya hanggang ngayon ay nagtatago parin ako."
Lumapit si Dark sa akin tsaka ako hinawakan sa pisngi.
"Bakit ka umiiyak?" tanong nya sabay punas ng mga luha ko.
((- Photo ni Heizzel na lumuluha -))
Ngayon ko lang napansin na nagbagsakan na pala ang aking mga luha. Ang saklap naman kasi ng mga nangyari sa kanya. Kasalanan bang magkaroon sya ng ama na may malaking kumpanya kaya sya tinutugis?
"Ang unfair kasi eh." nasabi ko nalang. "Wala ka naman kasalanan pero ikaw ang nagtatago." sabi ko pa.
Hindi ko napigilan ang yakapin sya. Pakirandam ko kasi ay hanggang yakap lang ang kaya kong gawin para kay Dark. Nais kong tumulong pero wala akong ideya sa dapat gawin.
Kung minsan ay iniisip ko na nasa akin ang malas na buhay dahil hindi kami yung tipo ng pamilya na may maraming pera para mabili lahat ng gusto. At ngayon ko lang naisip na wala sa pera ang ikakasaya ng buhay dahil kung minsan ay ito pa mismo ang maninira sa tao.
-->BelomaCassidy