**Wala akong maisip na ibang ilagay sa multimedia kaya yan nalang na nasa gilid. Sina Dark at Heizzel na magkayakap. Hihihi. Ay nga pala, 2nd to the last chap na ito means matatapos ang story sa next chap. Aiun. ^__^
-=oOo=-
"Ano ka ba Heizzel?! Nasisiraan ka na ba ng bait?! Bakit mo binigay ang sarili mo?!" galit na sabi ni Tephie matapos kong sabihin sa kanya ang mga nangyari nung isang gabi.
Mabuti nalang at nakasara ang pintuan dahil baka malaman ng mga kamag-anak ko dito ang pinag-uusapan namin. Hinagis ko ang isang unan sa kanya tsaka ko sya binawalan.
"Manahimik ka nga!" pabulong kong sabi pero sapat para marinig nya.
Hindi doon natapos ang usapan namin. Para syang nanay na pinagsasabihan ako at ayos lang sa akin kesa naman si mama ang nandito dahil baka maatake sya sa puso kapag nalaman nya ang nangyari sa kaiisang anak nila. Ilang sandali lang ay kumalma na si pinsan. Napagod ata sa kakasalita.
Matapos non ay niyaya ko syang lumabas na hindi naman nya tinanggihan. Mabilis kaming nakarating sa mall dahil malapit lang ang bahay nila doon. Manonood dapat kami ng sine ng bigla syang tinawagan ng kanyang bandmate at may practice daw sila. Kaya heto, naiwan akong mag-isa sa mall.
Napagdesisyonan ko na umuwi nalang dahil wala na ako sa mood maggala pero may biglang nanghatak sa akin papasok ng van nung naglalakad ako sa labas ng mall. Kilala ko ang mga ito. Sina Sed at Vince.
"Dinukot nyo na naman ba ako dahil kay Liam? Oo na, kilala ko sya. Pero hindi ko alam kung nasaan sya kaya wala kayong mapapala sa akin." agad kong sabi.
Bigla akong hinawakan ni Vince sa dalawa kong kamay tsaka ako pinakatitigan bago sya nagsalita.
"Wag mo na syang pagtakpan Heizzel. Mamamatay tao sya. Sinabi na sa akin ni dad ang buong katotohanan."
Nagkasalubong ang mga kilay ko. Anong katotohanan ang pinagsasabi nya? Na si Dark ay sinungaling at inosente ang kanyang ama?
"Nagkakamali ka Vince, hindi sya ang pumatay sa kapatid mo."
"Kung ganon alam mo na pala ang nangyari kay Jemie. Pero parang iba ata ang sinabi nya sa iyo?"
"Dahil iyon ang totoo."
"Kung ganoon, bakit sya nagtatago kung wala syang kasalanan?"
"Hiling ng kapatid mo Vince, na wag sabihin sa mga pulis na ang mismong ama nyo ang pumatay sa kanya."
"Kalokohan. At naniwala ka naman? Malabong gawin iyon ni dad kay Jemie."
"Siguro nga dahil si Liam ang babarilin dapat ng ama nyo pero humarang si Jemie kaya sa kanya napunta ang bala. Wag kang paloloko sa ama nyo Vince. Maniwala ka sa akin."
"At anong gusto mong palabasin? Na balak patayin ni dad si Liam. Kasinungalingan. Nalason na nga ang isip mo Heizzel. Patawad pero wala na akong ibang mapagpipilian kundi heto."
"Te-teka. Anong ginagawa mo? Vince! Hm!"
Nilagyan ako ng panyo sa aking bibig at piring sa mga mata. Ginapos din ang aking mga kamay kaya para na talaga akong kini-kidnap. Nagsisisigaw ako pero tanging ungol lang ang lumalabas kaya naiyak na ako.
"I'm so sorry Heizzel. Magtiis ka muna dahil gagiging maayos din ang lahat kaya wag kang mag-alala." dinig kong sabi ni Vince na may sinseridad.
Alam kong wala syang intensyon na saktan ako pero iyon ang nararandaman ko ngayon. Ang sakit kasi na ayaw nya akong paniwalaan at nakaya nyang gawin sa akin ang ganito. Oo nga naman, anong laban ko sa ama nya di ba?