Uy, yung iba dyan oh, nakikita na yung nasa multimedia >///< wahaha.. snob nyo muna. kunwari hindi pa napapansin. Tapos sasabihin ko maya kung saan part ang moving-picture na yan. hehe *u*
ENJOY READING!!!
-=oOo=-
Katahimikan ang naghari sa buong paligid ko kasama si Dark. Ilang sandali lang ay binitawan nya ang aking kamay tsaka sya naglakad papunta sa may bandang dulo ng rooftop. Hindi ako natakot na sumunod dahil may simentong harang para hindi kami mahulog sa building.
Kasalukuyan kong tinitignan ang mga ilaw mula sa mga sasakyan sa baba ng magsalita sya ulit.
"Kung minsan, gusto kong maging makasarili at gawin nalang kung anong gusto ko. Ano sa tingin mo?" sabi nya tsaka biglang lumingon sa akin.
"Para sa akin? Gawin mo na bago ka magsisi sa huli. Hindi mo masasabi na nandyan lahat ng chances para sa iyo. It's now or never." sabi ko ng hindi iniisip kung ano nga ba ang gusto nya.
"Pano kung may nag-aabang na consequences sa mga gusto kong gawin?"
"Dapat na mag-take ng risk. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay aayon nalang sa mga nais mong mangyari. Ano ba sa tingin mong mas matimbang sa iyo?"
"Ikaw."
"Te-teka, tanong ba ang sinabi mo o sagot sa tanong ko?"
"Pareho."
Ayaw ko sanang mag-conclude pero malakas ang tama sa akin ng mga salita nya. Parang sinabi nyang ako ang matimbang sa kanya at parang tinatanong nya ako kung ano o sino ang mas matimbang para sa akin. Hindi ako makasagot dahil wala akong ideya kung ano ang isusugal ko kapag sinabi kong matimbang sya para sa akin.
"Sinasabi mo ba na mamili ako, kung ikaw ba o kung anong meron ako?"
"Kaya mo?"
Tama ba kaya ang pagkakaintindi ko sa kanya? Na parehas kami nararandaman sa isa't-isa? Kinakabahan ako sa aming pinag-uusapan. Ni hindi ko na magawa pang magsalita sa huli nyang tanong. Mabuti nalang at biglang may nagbukas ng pinto palabas ng rooftop.
Mabuti nga bang nakarating dito si Vince?
"Heizzel!" tawag ni Vince pagkakita sa akin.
Hinihingal sya ng makalapit sa akin na parang galing sa pagtakbo. Sunod nyang tinignan si Dark na parang nagpabigla sa kanyang dating.
"Liam?" sunod nyang sabi na nagpabigla naman sa akin.
Nagkasalubong ang mga kilay ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Ang ibig ba nyang sabihin na si Dark at si Liam ay iisa?
"Ano ito Liam? Sya na ba ang isusunod mo? Ano bang atraso ko sa iyo ha?" galit na sigaw ni Vince at akmang susugurin si Dark pero mabilis akong humarang.
"Wag Vince! Kai... kasama ko sya dito. Wala syang ginagawang masama.
"Heizzel? Tama ba ang naririnig ko? Hinahanap kita at merong nakapagturo na may nanghatak sa iyo papunta dito tapos makikita ko kayong magkasama ng hayop na iyan? Akala ko ba hindi mo sya kilala? Ano ito? Pinagmukha nyo akong tanga?"
"Hindi Vince, nagkakamali ka! Hindi ganon iyon. Wala rin akong alam."
Saglit akong pinagmasdan ni Vince bago sya muling nagsalita.
"Sumama ka sa akin Heizzel." sabi nya sabay hawak sa akin kamay.
"Hindi sya sasama sa iyo dahil dito lang sya kasama ako." sabi naman ni Dark sabay hawak sa kabila kong kamay.
"Malaki na ang atraso mo sa akin Liam kaya wag mo ng dagdagan pa."
"Wala akong atraso sa iyo o kanino man kaya gagawin ko na ang gusto ko."
"Wag na tayong maglokohan dahil kita ko ang kagat mo sa kamay ni Jemie."
"Wala kang alam dahil dumating ka nalang ng nakaratay na sya. Bakit? Nagawa mo ba syang protektahan ng kailangan ka nya?"
"Wag mong ibahin ang usapan dahil ikaw ang may kasalanan."
"Ibinabaling mo lang ang sisi sa iba dahil isa ka rin sa mga walang nagawa."
"Wag mo akong igaya sa iyo, g@go ka!"
Kita kong susuntukin ni Vince si Dark kaya muli akong humarang subalit sa pagkakataong ito ay hindi nakapagpigil si Vince kaya sa akin dumapo ang kamao nya. Nahilo ako at tumumba sa sahig. Ganon man ay malinaw sa aking paningin na pareho silang nagulat. Kita ko rin ng sumuntok si Dark. Pati nung hinawakan nya sa magkabilang braso si Vince at doon ako naalarma.
Randam ko parin ang hilo sa pagkakasuntok sa akin at ang sakit sa pagkakabagsak ko pero ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para makalapit sa kanila. Tamang-tama ang aking dating dahil akmang kakagatin na ni Dark si Vince ng yumakap ako sa likuran nya at pinagsangga ang aking kamay.
Ngayon ko nalaman kung gaano nga kasakit kumagat si Dark pero wala akong pinakawalang sigaw. Kinimkim ko lahat ng sakit na sabay-sabay kong nararandaman pero sadyang mahina ang aking mga mata dahil agad akong naiyak.
Habol hininga ako kahit hindi na kagat ni Dark ang aking kamay. Inalis nya sunod ang pagkakayakap ko sa kanya bago ako hinarap tsaka binuhat. Aalis na dapat sya na bitbit ako pero muli nyang hinarap si Vince.
"Siguro naman alam mo na ngayon kung bakit ko nakagat si Jemie noon. At kung gusto mong malaman kung sino ang ayaw nyang kagatin ko, tanungin mo ang magaling mong ama! Itanong mo na rin sa kanya ang buong katotohanan kung may lakas kang loob."
....
Dinala ako ni Dark sa hospital at doon ginamot ang sugat ko. Binigyan ako ng pain-reliever kaya hindi ko na randam ang sakit. Pagkatapos ay pumunta kami sa apartment ni Dark.
Nag-text nalang muna ako kay Tephie para sya na ang bahalang magsabi sa parents ko na madidisoras ako ng uwi. Hindi ako ilalaglag ng pinsan ko kaya ako'y kampante. Wala pa kasi ako maisip na dahilan sa mga magulang ko kung bakit may pasa ako sa mukha at may benda ang aking kamay.
Nasa kusina kami ngayon ng apartment at umiinom ng hot choco.
"Hindi ko sinasadyang makagat ka. Malalim ang sugat at mang-iiwan yan ng peklat sa kamay mo kaya sorry Heizzel."
"Alam ko naman iyon. Pero bakit ka ba nangangagat? Alam mo bang pinagkamalan kitang halimaw noon dahil sa pagtingin mo, sa galaw kapag nakikipaglaban at dahil sa pagkagat mong iyan? Bampira ka daw sabi ni Tephie noon."
Natawa sya ng mahina matapos ng mga sinabi ko.
"Hindi ako nagbibiro Dark, curious talaga ako. Bakit nga ba?"
"Inborn itong mga parang pangil at lagi ako noon tinutukso dahil ganito nga sa mga ngipin ko. Ang sabi noon ni dad na hindi ito kapansanan kaya dapat ipagmalaki at gamiting kapakipakinabang. Dumating nalang ang panahon na ginagamit ko na ang mga ngipin ko para pandepensa at panlaban. Hindi ko na napipigilan ang sarili ko lalo na pag may parang gustong umatake sa akin o manakit sa mga taong... importante sa buhay ko."
Natigilan ako sa mga huling katagang binitawan nya dahil sa pagkakatanda ko ay ako ang dahilan kanina kung bakit sya nangagat. Ninenerbyos ako lalo na ng ilapit nya ang kanyang sarili sa akin. Sobrang lapit na halos hilain ko ang aking sariling hininga dahil sa kaba.
Kuha ko kung bakit iba ang kanyang tingin. Alam ko rin ang mga nangyayari at lubos puso ko itong tatanggapin. Matapos non ay hinawakan nya ang aking batok tsaka ko narandaman ang paglapat ng kanyang mga labi sa mga labi ko. Isang munting halik ang aming pinagsaluhan na sapat para malaman kong iisa ang aming damdamin.
((- Sina Dark at Heizzel nga pala sa side. Ehem -))
Walang salitang makakatumbas sa pinapadama nya ngayon sa akin kaya kahit hindi sya magsalita ay naiintindihan ko na. Isang pangyayari ito sa buhay ko na tatatak sa akin ng sobra-sobra dahil si Dark ang taong pinagkatiwalaan ko at ang taong nakauna sa akin.
It's now or never, and I'm more than willing to take the risk since I'm already in love with him.
-->BelomaCassidy
![](https://img.wattpad.com/cover/7314353-288-k339760.jpg)