Second Chapter

658 16 1
                                    

**Photo ni Heizzel sa side. Hehe. Enjoy Reading!!! ^_^

-=oOo=-

"Oo nga pala!" sigaw ko sabay yuko sa mesa.

Nasa kusina kami ng bahay nina Tephie at nakikipagkape ako. Sabado kasi ngayon kaya walang pasok. 

"Hoy, umayos ka nga. Para kang ewan dyan. Oh heto, pinagpalaman na kita ng tinapay." sabi ng pinsan ko kaya inangat ko na ang aking ulo tsaka kinuha ang binibigay nya.

"Eh kasi naman, hindi ko nalaman pangalan nya."

"Sino may kasalanan?"

"Ako."

Nakita ko na nga ulit yung halimaw pero hindi ko natanong pangalan nya. Sa dami ng tinanong ko sa kanya, bakit hindi ko isinama ang tungkol sa kanyang pangalan? Siguradong matatagalan na naman bago ko sya ulit makita. O baka nga hindi na kami magkita kaya kahit pangalan lang sana ang alam ko sa kanya. 

"Bakit ba intresado kang malaman pangalan nung lalaking nagligtas sa iyo? Nagkita na kayo ulit at nakapagpasalamat ka na tapos ganyan ka parin umasta. Siguro crush mo sya no?" sabi ni Tephie dahilan para mapaisip ako. 

Crush ko na ba yung halimaw? 

"Pwede." sabi ko kaya inumpisan na nya akong asarin. 

Mabilis kong ininom ang kape tsaka kumuha pa ng dalawang tinapay bago tumayo. 

"Saan ka pupunta?" tanong ni pinsan.

"Uuwi. Inaasar mo lang ako kaya makaalis nalang."

"Hindi ka naman mabiro. Dito ka muna. Oy!"

Tuluyan ko ng nilisan ang bahay nina Tephie. Kunwari lang akong nagtampo. Tapos na kasi akong makipagkape kaya naisipan kong umuwi na.

Nasa malayo palang ako subalit kita kong may tao sa harap ng bahay namin. Nakasandal ito sa dingding katabi nung gate habang nakabaluktot ang isang tuhod at nakapamulsa. Nakilala ko kung sino sya ng makalapit na ako ng tuluyan. 

"Napadaan ka?" tanong ko sa halimaw na umayos na ng tayo. 

"Hindi lang ako napadaan ngayon. Ikaw talaga ipinunta ko." simpleng sabi nya na nakapagpangiti sa akin. 

"Hmm, hali ka. Pasok?" paanyaya ko sa kanya. 

Sa sala ang diretso namin. Ipinagtimpla ko sya ng kape at pinagpalaman ng tinapay. Gusto ko lang talaga makipagkape kanina kina Tephie kahit meron kaming almusal. Nagtimpla din ako ng kape para sa akin kahit katatapos ko lang uminom upang may kasabay sya.

"Yayayain sana kitang lumabas." bigla nyang sabi habang iniinom ko ang kape kaya muntik ko na iyong maibuga. 

Buti at hindi natuloy dahil nakakahiya kapag nagkataon. Tinignan ko sya at masasabi kong hindi nagbibiro. Talaga bang gusto nyang lumabas kasama ako? 

"Ayaw mo?" tanong nya sunod. 

"Ha? Wala naman akong sinasabing ganon ah? Ano? Gayak na ako?" sunud-sunod kong tanong na nagpalitaw ng ngiti nya na nakakahawa. 

Tumango sya bilang sagot. Ako naman ay agad na tumayo para makaligo na at makapag-ayos ng sarili. Kakaibang saya ang nararandaman ko ngayon. Baka nga crush ko na ang taong tinatawag kong halimaw. 

Doon ko naalalang hindi ko pa nga pala alam pangalan nya kaya dapat ay maitanong ko iyon bago ang lahat. Palabas na kami ng bahay ng pinigilan ko sya. 

"Teka. Hindi ko pa alam pangalan mo. Ako si Heizzel. Ikaw?" sabi ko sabay alok ng aking palad para makipagkamay pero parang wala syang balak tanggapin iyon dahil basta nalang sya tumingin sa ibang direksyon. "Natutuwa akong malaman pangalan mo Heizzel, pero pwedeng wag mo nalang alamin ang akin?" sabi nya na may lungkot sa tono. 

"Pero bakit?" hindi ko maiwasang itanong. 

"Sa isang dahilan na hindi mo na dapat malaman pa. Mas makabubuti kung wala kang alam tungkol sa akin. Ayos na rin naman ako sa ganito." malinaw nyang sabi pero wala akong maintindihan. 

Halata na ayaw nyang sabihin kaya hindi ko na alam kung ano na sasabihin ko. Sandaling katahimikan bago nya ako nilingon at muling kinausap. 

"Ikaw nalang magbigay ng kahit anong gusto mong itawag sa akin." sabi nya sabay ngiti.

Hindi ako natutuwa kaya naging pilit ang ngiti ko sa kanya sa pagkakataong iyon. Saglit akong nag-isip para sa itatawag ko sa kanya. 

"Dark." sabi ko. 

Kita ko ang pag-iisip sa kanya kahit wala syang sabihin kung bakit iyon ang napili ko kaya sinabi ko ang aking dahilan. 

"Nagkita kasi tayo sa madilim na lugar kaya gusto kitang tawaging Dark. Isa pa, para ka kasing dilim na nakakatakot sa una dahil hindi ko nakita agad kung anong nasasaloob mo. Ayos ba?" sabi ko nalang pero ang totoo ay gusto ko pang sabihin na para syang dilim ngayon dahil napakamisteryoso nya. 

"Oo. Ayos na ayos. Salamat Heizzel." sabi nya bago namin tuluyang iniwan ang bahay.

Nagpunta kami sa iba't-ibang lugar kagaya ng mall, teenpark, arcade place, biking venue at marami pang iba. Nakakapagod nga lang dahil wala kaming sariling sasakyan pero sulit dahil sya ang kasama ko. Ang sabi ni Dark kanina ay mabuti na yung wala akong alam tungkol sa kanya pero masasabi kong parang kilala ko na sya matapos lahat ng nangyaring galaan. 

Hindi halata pero makulit pala sya at pilyo pa. Napakamaloko dahil ilang beses nya akong pinagtripan katulad nalang nung nagsuot sya ng nakakatakot na maskara tsaka ako ginulat ng nasa mall kami. Binabangga-bangga din nya yung bike na sinasakyan ko nung nagba-bike kami kaya gumegewang-gewang ang lakad nung akin. 

Ganoon man ay meron parin syang pagkamaginoo para sa isang tulad ko na kung tutuusin ay kakakilala nya lang din. Ginagabayan nya ako tuwing sasakay o bababa ng sasakyan. Sya din ang bahalang kumukuha ng pwesto namin kung kailangang umupo. Muntik na rin akong matumba dahil may nakabangga sa akin pero mabilis ang pagsalo nya. 

Mga bagay iyon na nagiging dahilan kaya ako napapatitig kay Dark. Mga pangyayari din kaya nagkakahulihan kami ng mga tingin sa bawat isa. Mga titig nyang parang may ibig sabihin pero hindi ko maintindihan. Mga dahilan para masabi kong may nararandaman nga ako sa tinawag ko noong halimaw na kakakilala ko lang. 

Posible nga ba?

-->BelomaCassidy

Beauty in a Beast [Short Story / Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon