**Promote again! Ahaha.. "Precious" Completed na sya at hanggang chap19 lang. Kwento ng isang mayaman girl pero nakakulong lang sa kanyang room dahil sakitin. Makakakilala sya ng isang taong magbabaligtad ng kanyang mundo hanggang sa makadiskubre ng mga bagay na hindi nya inakalang mangyayari sa kanya. Click na External Link! ;)
-=oOo=-
Nanonood ako ng TV sa bahay ng biglang tumawag si mama tsaka sinabing may bisita daw ako kaya pinatay ko ang aking pinapanood at pumunta sa sala. Hindi ko inasahan na si Vince ang bisita ko kaya hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan mula sa may pinto.
"Oh anak, wag kang tumayo lang dyan. Lapitan mo bisita mo. Sya yung naghatid sa iyo kahapon di ba?" tanong ni mama na sinagutan ko ng tango bago ako naglakad at umupo sa sofa na katapat ni Vince.
"Tatanungin mo na naman ba ako tungkol dun sa Liam na hinahanap nyo? Sinabi ko naman na hindi ko sya kilala di ba? Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?" diretsong sabi ko ng makalayo si mama.
"Bumibisita lang ako. May masama ba?" diretsong sabi din nya na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.
"Anong gagawin mo dito?"
"Hindi ko alam. Mag-uusap?"
"Anong pag-uusapan natin?"
"Tungkol sa iyo."
"A-ano?! Bat mo gustong malaman ang tungkol sa akin? May kinalaman na naman ba yan dun sa Liam?"
"Wala. Intresado lang talaga ako sa iyo."
Tumahimik ako dahil wala akong masabi. Napakadirekta nyang magsalita na nagbibigay sa akin ng wirdong pakirandam na medyo nakakailang. Ang seryoso din nyang tumitig kaya hindi ako makatingin sa kanya. Mabuti nalang ay dumating si mama na may dalang merienda kaya medyo gumaan ang hangin.
"Heizzel anak, hindi mo ba ipapakilala ang bisita mo sa akin?" biglang sambit ni mama.
"Sya si Vince, aahm, kaibigan ko po." sabi ko kay mama bago humarap kay Vince. "Sya mama ko." sabi ko sunod.
"Salamat sa paghatid mo sa anak namin kahapon Vince."
"My pleasure po."
"Oh sige, maiwan ko na muna kayo at tawagin nyo lang ako kung may kailangan."
Muli kaming naiwan sa sala.
"Heizzel."
"Bakit?"
"Heizzel pala pangalan mo. May mga kapatid ka ba?"
"Wala. Solong anak lang ako."
"Ako rin, solong anak nalang ngayon. Pero parang kapatid na ang turing ko kina Merbin at Sed dahil halos magkakasabay lang kami lumaki."
"Ah parang si Tephie, yung pinsan ko. Madalas nga sa kanila ako tumatambay dahil ang saya sa kanila. Dikit kami nun na parang totoong magkapatid."
"Ako rin kina Merbin at Sed. Kanila yung condo na pinagdalhan namin sa iyo kahapon. Doon naman ako madalas tumatambay."
"Magkapatid sila?"
"Step-brothers lang. Saan ka pala nag-aaral?"
Hindi ko namalayan na biglang naging magaan ang usapan sa pagitan namin. Madami pala kaming pagkakatulad na dahilan kaya siguro nag-iba ang pagkakakilala ko sa kanya ngayon. Doon ko naalala na bakit nga ba nila nagawang dalhin ako, na hindi nila kakilala, sa isang hindi pamilyar na lugar?
"Matanong ko lang Vince, bakit nyo hinahanap sa akin yung Liam?"
"Dahil pinatay nya ang taong malapit sa akin. Inakala namin na ikaw yung kasama nya kaya ka namin dinukot."
"Bakit hindi nyo nalang isuplong sa pulis?"
"Ayoko. Dapat na ako ang makahuli sa hayop na iyon. Ako ang magbibigay ng tamang parusa na nararapat sa kanya."
"Pero hindi naman tama na ilagay ang batas sa mga kamay mo di ba? Bakit? Mapapayapa ba kalooban mo kung nakaganti ka dun sa Liam?"
"Hindi ko alam."
Nagdaan ang mga araw at kasama si Vince sa mga taong nakikita ko araw-araw. Kung hindi kasi sya nakakabisita sa amin ay inaabangan nya ako sa paglabas ko ng school. Meron na ngang mga pagkakataon na pinagkakamalan na kaming magkasintahan.
Ang totoo ay nakalimutan ko na ang tungkol kay Dark simula ng makilala ko si Vince hanggang sa dumating ang panahon na kinailangan na naman akong saklolohan.
Pinagpaalam ako ni Vince isang gabi para makapanood kami ng concert. Nagkahiwalay kami dahil kailangan kong magbanyo. Pabalik na ako ng may humarang sa akin na dalawang lalaki na mukhang mga nakainom. Pinipilit nila akong sumama sa kanila na sobrang nakakatakot dahil para silang may gagawing hindi maganda.
Halos mawalan ako ng lakas nung sinimulan nila akong hatakin na natigil din ng may sumuntok sa isang lalaki na agad nagpatulog dito. Lumingon ako sa tumulong sa akin kaya nakita ko sunod kung paano nya kinagat ang isa pang lalaki. Kilala ko itong may ganitong pamamaraan.
"Dark." otomatiko kong sambit pagkakilala sa kanya.
Sa muling pagkakataon ay nakita ko ang kanyang nanlilisik na mga matang nakatingin sa mga lalaki pero nawala rin ng ako na ang tinignan nya. Bigla nya akong hinawakan sa kamay tsaka hinila papunta kung saan.
Nakatingin lang ako sa mga kamay namin habang tumatakbo. Meron kasi akong nararandaman na parang daloy ng kuryente mula doon. Ang bilis din ng tibok ng puso ko at napapaisip ako kung dahil ba iyon sa tumatakbo kami o dahil sa magkahawak ang aming mga kamay.
"Heizzel." bigla nyang tawag.
Ngayon ko lang napansin na tumigil na pala kami sa pagtakbo. Dinala nya ako sa rooftop ng building malapit sa concert. Hindi ko alam kung bakit pero parang naiilang ako dahil hanggang ngayon ay hawak nya ang aking kamay.
"Heizzel?"
"Ha? M-may sinasabi ka?"
"Tinatanong kita kung ayos ka lang?"
"Ah oo. Uhm, thank you sa pagtulong sa akin Dark. Maraming beses mo na ako niligtas kaya maraming salamat talaga."
"Nasaan ba yung kasama mo? Bakit ka nya basta iniwan mag-isa?"
"Teka, alam mo na may kasama ako?"
"Oo. Alam ko rin na madalas kayong magkasama nitong mga nakaraang araw. Alam ko rin kung gaano ka kasaya tuwing kasama mo sya. Pero anong silbi ng lagi sya sa tabi mo kung hindi ka naman pala nya kayang protektahan? Para saan pa ang pagtitiis ko kapag nakikita ko kayong magkasama kung hindi naman pala siguradong ligtas ka kahit nandyan sya?"
Napatitig ako sa mga sincere na mga mata ni Dark. Malinaw na sinusubaybayan nya ako at naiintindihan ko na nahihirapan syang makita ako na may kasamang iba.
((- Photo nina Heizzel and Dark with their expression sa side ng page. Haha. Malabo nga lang pero nagawan ng paraan -))
Pero anong dapat kong sabihin gayong wala naman namamagitan sa amin?
Meron ba akong karapatang magalit at sigawan sya na kasalanan naman nya dahil lumalayo sya?
Pwede kayang sabihin na hahayaan ko naman sya sa tabi ko basta sabihin lang nya?
-->BelomaCassidy
![](https://img.wattpad.com/cover/7314353-288-k339760.jpg)