Ako nga pala si Angela Balbiran y Custudio, Gel for short, A,B,C are my initials -meant to be! haha..Junior High school sa Charles Academy, 16 y/o, chubby-cute, simpleng astig, small but terrible,haha.. simpleng tao lang naman ako na may mga pangarap sa buhay, madami akong gustong mapatunayan, ang makatapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang trabaho balang araw, maiahon sa hirap ang aking pamilya, at kapag ayos na ang lahat, lovelife ko naman syempre! JOKE HAHAHA
kringgg...kringgg...
(a/n: alarm clock yan, wag kayong ano!haha)
Hala!!! 7am na pala, lagot male-late na ko!!! Takbo sa banyo, Buhos, ligo, kuskos, sabon, banlaw, at huli toothbrush hanggang sa natapos din ako! Tapos, bihis, suklay, polbo, and tadannn! "I'm done!" sabay labas na ng kwarto ko dahil dinig ko na ang tumatawag ng pangalan ko..
"Gel, tara na pasok na tayo!" sigaw ni Krisha at Verna sa labas ng bakuran namin.
" Sige, sandali na lang ah!" sagot ko din sabay takbo kay mama, para magpaalam at kunin ang baon ko. "Ma,mano po! papasok na po ako" sabay abot ni mama ng baon ko syempre.
"Sige anak mag-iingat kayo ng mga kaibigan mo at magsipag-aral ng mabuti hah?"
"Opo ma, salamat." sabay halik sa pisngi nila. Good girl ako eh.
"Ang tagal mo naman Gel, malelate na tayo ohh! lagot tayo kina officer pag wala pa tayo sa formation before class" himutok ng bestfriend kong si Verna habang palabas na kami sa kanto para sumakay ng jeep. Opo, nag-ko-commute po kami papasok, may jeep din si papa pero nasa pasada din kasi sila, swerte na lang kung matyempuhan namin, para maka-minus sa pamasahe.
"Toh naman ang bilis ko nga lang, 5mins. tapos na ko maligo at magbihis,hahaha"
"5 MINUTESSS!!!??? Anong ligo ang ginawa mo insan hah!?" pasigaw na tanong naman ni Krisha, ang pinsan na bestfriend ko.
"Makasigaw naman insan, kaw nga dyan minsan wala kang ligo kapag malamig at naulan eh!" at ayun sinamaan ako ng tingin..hahaha
"Tara na nga, late na tayo kakadaldal nyo eh!"-Verna
After 12345678 years...nasa school na din kami. Mga 15-20mins. lang naman ang byahe namin papasok eh. at 7:35 na kami dumating, at wala pa naman masyadong estudyante dahil 8am pa start ng klase, ang libreng oras naman ay nagugugol namin sa pagiging applicants namin, aspiring candidates kami ng C.A.T, ang astig kasi ng dating. May mga officer pa kami, sila yung nasa senior 4th year.
Naupo muna kami sa mga bench na bakante habang nag-aantayan ng iba pa naming ka-buddy, "buddy/budz" ang tawagan naming nasa CAT, sa kapwa aplikante. Nag-time in na kami sa aming daily log book schedule,ng pangalan, code #, at oras..
Angela Custudio / #14 / 7:35am
(parang ganyan)"oh, aga nyo mga budz ahh!" sabi ng bagong dating na si Levi, nginitian naman naming tatlo.
"HELLO BUDSSSS!" ang dalawang tukmol na sina Jules at Mark.
"Hey fellow boys applicant!" maarteng wika ni Venus sa mga boys na nandoon na din, ksama ang mga friendship nyang si Thea at Monica in short Moon for half moon! haha lagi kasing nakabusangot samin na halos humaba na ang baba. Nakakainis, pampam sila masyado sa totoo lang. Ang boys binati, kami hindi,hangin kami? aba matindi!!!
Hanggang sa patuloy na nagdatingan ang iba pa naming kasundong aplikante, sina Amelie, James,at Jeff ng matanaw namin ang isang nilalang na ubod ng hangin, si Christoph Montealegre, kaya pala bigla akong gininaw, at si Venus ayun at nakadikit na agad kay yabang. Ay sus! aga-aga landi agad, hindi ba pwedeng aral muna! Tss..
"C.A.T APPLICANTS HUMANAY!!!"
Sigaw ng officer namin na nasa gitna ng quadrangle. Sya si Officer Policarpio, Poly for short, mabantot daw pangalan nya pero wag ka, may itsura at ang lakas ng dating nyan, strict and super serious mode kapag nasa formation namin, parang nasaniban ng dragon! sya ang tinaguriang S3/ Training Officer sa batch nila."Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, late comers punishment!!!sampu" at boom! andito na kaming lahat na aplikante't nakahanay.
"Isang bilang mula sa kanan, na!"
command nya sa amin, at nag-umpisa na ngang bumilang isa-isa hanggang maibigay ang kabuuang bilang ng nasa platoon."May tatlumpo't tatlong katao sa isang pulutong officer!" buong buong boses na pagkakasabi ni Buds Rod, habang nakasaludo, ang pinaka-kuya sa aming lahat.
"Tikas Pahinga!" utos ni S3, nakapaligid din sa amin ang ilang officer. Habang kami ay nakatayo't nasa mga likudan ang mga kamay habang naghihintay ng sasabihin ni Officer Lea, ang S1, command officer na pumalit naman ngayon para mag-salita.
Maputi at may pagka-nerdy look dahil sa salamin nya, pero bagay naman sa kanya."Sa ngayon, ang pag-uusapan natin ay tungkol sa mga rules at regulation as an aspiring officer, unang una na dyan, ipriority nyo ang inyong mga grades, sa oras na may bumagsak o nagreklamong adviser ninyo na bumababa ang grades nyo dahil dito, wala kaming magagawa kung hindi ibagsak kayo sa pagsubok. Pangalawa, may mga obligasyon tayo sa school na ito, sa pagpapalaganap ng 3K- Kaayusan, Kalinisan, Katahimikan, mahigpit na ipinagbabawal ang ang mapasali sa anumang gulo, lalong lalo na sa fraternity, vandalism at pagbibisyo, dahil kayo ang "role model" ng paaralang ito, sa inyo dapat magmula ang mabubuting gawa at adhikain na mapabuti ang kapwa ninyo estudyante. Simula umaga at hapon, before and after class, may formation at drillings tayo, kung may mga exams or any curricular activities ay exempted. Nagkakaintindihan ba tayo applicants?! tanong nya matapos ang mahabang paliwanagan.
"Yes Officer!" malakas at sabay sabay naming sagot.
"Okay, now dismiss!" sabay pugay kamay namin at kanya kanya ng punta sa klase.
BINABASA MO ANG
"I'm inlove with my BUDDY"
Teen FictionAdvisory: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either a product of the author's imagination. Any resemblances to actual events are purely coincidental. Madami pong grammatical/typo error, kaya sana maintindihan...