TRAINING PART 2:
"First officer!" sigaw ni Buds Rod sabay subo ng lollipop at pagkatikim ay ipinasa naman sa susunod na kahanay at ako hindi na mapakali, naku gutom na ko siguro.
"Psst..Bez,oy!" pasimpleng kalabit ko kay Verna.
"Oh ano?!" mahina pero dinig ko naman,magkatabi kaya kami noh? bawal kasi mag-usap sa formation.
"Palit tayo please! Libre kita mamaya." pa-cute ko pang sabi
"Ayoko" with matching iling-iling pa yan, bakit ganon pag yung ibang friend mo, pag nakadinig ng magic word na "libre" pumapayag agad sa favor.Hay!
"K!" dissapointed na sagot ko. Kasi naman sa apatnapo't limang bilang namin, sya pa talaga eh! Grrr.. Hanggang na kay Verna na ang lollipop at nasa mga kamay ko na,oh gosh Inhale, Exhale..hehe, sabay subo na at wala pang ilang segundo naipasa ko na agad kay yabang, na ngayon ay titingin sa lollipop at sa mapupula kong labi, hala! ang landi ko! erase..erase..
"Officer, itong lollipop ay limited edition ba? Ngayon lang kasi ako nakakakita ng lollipop na may bubbles at sprinkles pa! HAHAHA"
Atlahat sila nagtawanan pa, sabay lingon sakin at may nang-aasar na tingin,humanda ka saken mamaya, bwisit ka talagang lalaki ka!"Quit laughing C.O.,go and pass that candy #02" sabi ni Officer Poly.
Hanggang sa natapos ang lollipop session na yun, at biglang..
"Oy insan,ok ka lang ba? pasimpleng tanong ni Krisha sakin.
"Ay hindi siguro!" sarkastikong sagot ko
"Eto naman! alam mo namang bully yan si buds Chris eh, yaan mo na, cute naman eh! hihi" Verna
"Wow ah, hayaan! eh anong gusto nyang palabasin kanina na tinga ko yung sprinkles at laway ko yung bubbles! ganon? nakakagigil!bagong toothbrush ako bez!" namumula na ko sa pagpipigil ng galit ko.Natawa naman ng mahina sina Krisha at Verna sa inasta ko.
"Ngayon naman, malamang uhaw na kayo, kaya simulan nyo ng uminom gamit ang isang icewater na ito!" sabay angat sa hawak nya. Jusko! Parusa!
Hanggang sa naumpisahan na nga at nakarating na sa akin, nakaisip ako ng ganti, lets see! at ng iaabot ko na kay yabang, ay sinadya kong ipatapon sa pants nya! Alright, it's payback time! HAHA
"Hala, Buddy, hindi mo naman sinabi na kanina ka pa najijingle, inabutan ka ba? dapat nag-out ka muna sa formation! tsk tsk" Sabay iling iling ko pa! pang-asar din gaya nya kanina..
Naglingunan naman sa gawi namin ang mga kabuddy namin at ilang officer, at boom! basa na ang mukha ko! Paanong?! lintik ka talaga!
"Ano bang problema mo hah? nananadya ka ba talaga?!" napalakas na sabi ko dahil sa gigil ko!
"Aba't kaw pa may ganang magalit, eh nasamid ako nung sinabi mong naihi ako sa pants ko, sira ka ba hah? paano ko maiihi sa ganitong sitwasyon! Sadya? palibhasa gawain mong babae ka!" halata na din ang pagkainis nya sa itsura nya.
"#02,#14, Magtigil na kayo dyan! Ginawa ko ang training na to para magkapalagayan kayo ng loob, hindi ang mag-away sa harap pa namin at mga kasamahan nyo! Ipasa mo na sa susunod yan." ma-awtoridad na sabi ni Officer Poly.
Yuko at bagsak ang balikat na lang akong nanahimik matapos ang iringan namin ni Chris. Hanggang sa natapos na ang palabas este training kono na naging "tikiman ng laway session" Tsk.tsk. Habang papunta na kami sa sakayan nina Verna at Krisha ay biglang may sumigaw sa likuran namin sina Levi,Julz,Jeff,James at Amy.
"BUDSSSS!!! sabay sabay pa! kaya naman napahinto na lang kami at nilingon sila.
"Oh anong meron? uwian na, maglalakwatsa pa ba kayo?"
"HB lang buds, relax ka lang, nawawala ang ganda mo eh!" sabay pasimpleng umakbay sa akin si Levi.
"Naku! tigil-tigilan mo ko sa kakaganyan mo buds Lei, baka di kita matantya!" sabay alis ko ng kamay nya sa balikat ko.
"ayy LQ sila oh!" James
"Ayiiee!" umpisang tuksuhan na naman nila..tinamaan na ng lintik!
"Hay naku, bahala nga kayo dyan, uuwi na ko! Oh kayo dyan, sasabay ba kayo sakin o sasama pa kayo sa kanila maglakwatsa?" iritang tanong ko kina Krisha at Verna.
"Ang init ng ulo mo insan, meron ka ba?" hehehe nabatukan ko nga!
"Ano ba kasing meron ah?" tanong ko sa kanila.
"Buds, punta tayo sa bahay ng lola ni buds James, madaming makakain dun eh, anihan din ng mangga sa kanila, bonding na din natin." paliwanag ni Mark
"Oo nga buds, iisa lang naman way natin pauwi eh, kaya sama na kayo, the more the merrier hehe" Jules
"Bebe Gel, tara na, sama na kayo please!" pa-cute na sabi pa ni Amy.
Sabay tingin nila saking lahat na akala mo'y nasa akin ang desisyon ng lahat, naku naman oo! Ayaw ko naman maging KJ.
"Oh sya, tara na nga, bilisan nyo na dyan, basta bago mag-alas singko uuwi na tayo hah? Magagalit sina Papa ko pag ginabi tayo ng uwi."
"COPY Buds!"
"YEHEY!!!"
"Let's Go"
"TARALETS"
kanya-kanyang hiyaw nila..Napapailing na lang ako at napapangiti sa mga asta nila na animo'y mga batang napayagang maglaro.Hay! kakalimutan ko na muna ang bangungot na nangyari kanina samin ni yabang. Enjoy na lang muna with my friends, my brother's and sister's in crime. Chos!
BINABASA MO ANG
"I'm inlove with my BUDDY"
Teen FictionAdvisory: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either a product of the author's imagination. Any resemblances to actual events are purely coincidental. Madami pong grammatical/typo error, kaya sana maintindihan...