Chris POV
Ang hirap magpigil ng tawa kanina sa harap ni Dabby nung nag-walkout sya sa sobrang pagkainis nya, sarap asarin eh! Lakas mang-asar pero sya din naman tong pikon, pero kanina nakaramdam ako ng pagkainis dun sa birthday party ni Buds Amy naweweirduhan ako kasi parang nang-aagaw ng atensyon yung si Levi, aissh! ewan ko ba, makauwi na nga lang sa bahay at ng maitulog na lang tong iniisip kong wala namang kwenta..
Pagdating sa bahay..."Oh Christoph! Kamusta pag-aaral mo?" bungad ni Mama..hay nakita na naman ako..
"Ok naman ma, wala namang nagbago, aral-practice-training" malamya kong sagot
"Mainam naman, may nililigawan ka na ba? aba! wag ka munang mag-girlfriend ha! baka di ka makapag-focus nyan" litantyang panimula ni mama na hahaba na naman hay!
"Wala pa sa isip ko yun ma, don't worry! Akyat na muna ko sa room ma, may gagawin pa kasi ko eh.."
paalam ko kay mama bago pa masundan ng kung ano ang sasabihin nila.
Pagka-akyat ko sa kwarto ay humiga agad ako sa higaan ko at nag-isip, Girlfriend? wala pa ko plano, aminado akong may mga fling ako before, pero nothing serious, ang bata pa naman namin, pero minsan naisip ko lang paano kaya kung mameet ko yung ideal girl ko.. Yung mabait, caring, malambing, simple at walang arte, sa ngayon wala pa kong nakikita,malabong si Dabby yun, lahat yun wala sa kanya eh umaga pa lang nakabusangot na pagmumukha nun eh, mukhang pinaglihi pa sa sama ng loob pag nakikita ako, nakakatakot lang maging girlfriend parang matapang pa sa lalaki haha, ayyt! teka bakit ba napasok sa isip ko yung dabby na yun..Ahhhh erase!!!tsk tsk... zzzzzz
Kinaumagahan...
"Christoph!!! Gising na!!!" takip unan akong dumapa para di magambala ni mama, kahit dinung ko na ang pangigising nya saken,hay mama naman oh! aga pa eh!
"Ano ba chris! aba'y kanina ko pa naririnig ang alarm mo, may lakad ka kamo sa school nyo, hindi ba?" at dahil dun, dali dali akong bumalikwas sa kinahihigaan ko at halos mahulog na kakamadali...Shet! may training nga pala kami ng mga officer! lagot na naman ako neto! tsk
Pagkatapos gawin ang aking daily routine, nagpagwapo, nagpapogi at nagpacute pa ko sa harap ng salamin, "one last look! gwapo ko talaga!tss" oo ako na nagbuhat ng sarili ko haha,wala eh gwapo eh! At sabay nagmadali ng umalis ng bahay papunta sa school,
Andun na kaya sila dabby? sana wala pa para mapunishment din sila, tatawanan ko un ng malupit! pangungusap ng isip ko, hayzztt nasali na naman sa isip ko yun kaaga-aga e..
School...
Maaga pa pala, kala ko malelate na ko kanina, si mama naman kasi makagising eh ala-sais pa lang naman nung gisingin nya ko, akala nya daw alas nuebe na yun, baliktad pala ang tingin nya, walanjo! nakakatawa din si mama eh,minsan may pagkaengot, joke lang!
"Buds, Buds, Buds, patulong naman oh!" bungad saken ni buds jef na may dala dalang balde na puno ng tubig...
"Para saan to?" nagtatakang tanong ko..
"Ah nautusan ako nina officer eh, magsasaing daw sila, close yung gripo ng school, kaya no choice kahit sa payat kong ito, ako na lang ang nagkusa para makakain ang lahat mamaya, huhu" mahabang paliwanag niya,tss! saing? ibig sabihin kakain pala kaming lahat na magkakasalo, masaya to! Ayos! at dinala na nga namin ni Jef sa mga incharge sa pagluluto ang dalahin namin..
ANGELA POV
"C.O.T.C Applicants, humanay!!!" sigaw ni officer Poly, na halos lumabas na ang litid ng ugat sa leeg sa lakas ng pagkakasigaw, kaya lahat naman ay biglang karipas ng pagaayos ng formation bago pa matapos ang bilang ng sampu...
"Goodmorning C.O! i'm glad all of you make it today, walang late! That's great! so are you ready to start the training?" masaya't determinadong pagsasabi ni officer poly.
"Sir Yes Sir!!!" may kumpyansang sagot ng lahat at itinuro na nga ang mga basic drillings na gagawin ng bawat isa.
Bumuo kami ng dalawang linya, babae at lalaking magkakasunod na hanay, habang nagcocommand ang aming officer na cute,na nakakawala ng bagot, charot lang! ayun na nga at itinuro samin ang mga dapat naming umpisang gawin..Kung saan liliko, paano iikot, maghahalo sa isang linya at maghihiwalay sa dulo..At nang maidikta na samin ang gagawin at mga pwesto namin,nag-umpisa ng marinig ang alingawngaw ng komando.
"Lakad patakda, na! Hop! Hop! Hop! Hop! Tilap hinto, pasulong kad!!! Hop! Hop! Hop! Pabalik na!" hangang sa makailang ulit
kami'y nagpapaikot ikot sa quadrangle sa init ng araw, sunog na ang aking balat,huhu! Hindi naman na kami nahirapang sumabay, dahil sa tuwing ginagawa ng mga officer namin yun pag may line up drillings sila ay napapanood na namin, pero ang saya sa totoo lang, nakakatuwang pagmasdan ang bawat isa, ang mga paa naming sabay sabay na pumapadyak, umiikot, kumakalampag kada paglapag ng mga paa sa sementadong sahig, at ang sarap pakinggan, kasi madali kaming nakakasabay sa mga officer namin.."Move!!! Faster!!! alternate combination boys girls! Don't be lousy, drag your feet harder!" makailang sigaw pa ni officer na habang abala akong natutuwa sa isip ko knina ay natabig ang paa ko sa pagsingit ng isa kong kabuddy, What The Heck! si yabang unggoy pa pala! kamuntik na ko ma-out of balance, pero naalalayan ako nung kasunod ko na si Budz Lei, sabay buka ng bibig na walang tunog sa pagtatanong na "Ok ka lang?" sabay tango ko lang at thumbs up sa kanya, salamat na lang at di ako natuluyang matumba, nagkadelay nga lang sa mga nakasunod samin ng panandalian at habang patuloy pa rin lahat, na di alintana ang kamuntik ko ng kapalpakan..Argggh! nakakainis talaga ung lalaking yun, sadya man o hindi, makakabawi din ako sayo!
Sandaling tinapos muna ng aming officer ang nasabing first session drillings, ang iba'y halos magmartsa na kesyo sumakit daw ang paa nila, kanya-kanyang pwesto ang lahat para makanap ng mauupuan, may ilan pang umakyat sa puno para maidlip, isa na dun si yabang! kasama sina jef at james, kami asa damuhan na sumalampak para makapagpahinga at mag-antay sa nasabing "BoodleFight" ng aming team buddies! wooaah eto ang the best sa lahat eh, lafangan na!!!
BINABASA MO ANG
"I'm inlove with my BUDDY"
Teen FictionAdvisory: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either a product of the author's imagination. Any resemblances to actual events are purely coincidental. Madami pong grammatical/typo error, kaya sana maintindihan...