Pasukan na naman, ilang buwan na din ang lumipas simula ng magsimula ang klase at abala ang mga estudyante sa kani-kanilang klase. Ang tatlong magkakaibigan na sina Verna, Krisha at Angela ay tutok sa pag-rereview ng lesson nila, takot lang nila sa adviser nilang pinaglihi ata sa sama ng loob, laging maiinit ang ulo sa kanila simula kasi ng sumali sila sa C.A.T. lage silang napupuruhan ng sermon,na wala naman daw kaming ibang mapapala Nasa top class sila, kaya ganun na lang siguro ang pag-aalala ng guro nila para sa mga grades nila. May mga nabuong panibagong pagkakaibigan din sa loob ng klase nila Angela, at binansagan pa nilang "D' GF Company" all girls daw kasi. At ayun habang tumatagal, hindi naman sila nahirapang pakisamahan, nadadagdagan ang circle of friends nila, kaya mas masaya ang buhay-school. Naging malapit na talaga sa isa't isa ang mga c.o.t.c applicant-officer, maliban na lang sa aso't pusa ng grupo na sina Chris at Angela, na hanggang ngayon ay asaran at bangayan pa din ang inaabot. Sa kabilang dako, sina Chris at barkada nito ay nasa second section, as usual bully sa klase nila lalo ang tatlong ulupong na sina Joel, Gerald at Zeus, puro kalokohan pag magkakasama, pero si Chris naman ang nagiging taga-saway sa mga ito kapag alam nyang nasosobrahan na, marunong din naman sya manimbang ng sitwasyon sa anumang pagkakataon. Subalit ayun, lapitin pa din sya ng dikya este mga classmate nilang over sa pampam ang alam, pero balewala lang naman yun sa kanya dahil sanay na sya sa mga style ng mga yun. Multi-talented din sya, kaya lapitin ng chiks, he's an ultimate dancer and leader of the group, magaling din sa mga instrument, drummer & guitarist, may boses din na talaga namang kakakiligan ng mga girls pag kumanta na."Chris, sama ka naman samin maya after class, punta tayo sa mall, ya'know gala" sabay kapit sa braso niya.
"Sorry Venus, marami pa akong aasikasuhin sa bahay, meron pa nga tayong mga special projects na kelangan isubmit db?" sabay alis ng pagkakapit nito sa braso nya
"Ahhh what's with you Chris! noon naman, isang yaya ko lang sayo with your barkada, sumasama ka samin?
"Aish! i'll try to come with you next time, wag lang muna ngayon,okay?"
"Puro ka na lang alibi, next time ka ng next time, you know what, you've change a lot now, hindi na ikaw yung kababatang nakilala ko dati. Masyado ka ng iritable sakin, ni ayaw mo na ko papuntahin sa bahay nyo, nakakainis ka na!" halata ang pagkagalit sa mukha nito at parang batang iiyak na, masyadong sensitive ang babaeng to.
"Everything changed Venus, hindi na tayo mga bata,yeah! lumaki tayo ng sabay, parang magkapatid na tayo, but can't you understand, hindi na tayo katulad ng dati, limitado na tayo sa mga bagay-bagay, and give me space naman, lagi na tayong magkasama sa class!" Nagpipigil namang galit nya dahil sa asta ng kababata.
"Fine, i think you don't need me anymore, bakit may girlfriend ka na ba kaya ka nagkakaganyan ha? and who the hell she is?mas maganda ba sya sakin? tell me!!!"
"Wala akong girlfriend, pwede ba Venus, just go kung makikipagtalo ka lang sakin."
"I'll tell your mom about this! I hate you!" sigaw nya at umalis na kasama ang mga kaibigan nya, sumama na lang din ang mga barkada nyang sina Joel, para hindi na magtalo pa ang dalawa.
CHRIS POV
Hindi ko alam pero wala talaga akong gana ngayong araw na to. Ayun nga at gumala na ang barkada kasama sina Venus, and yes, she's my childhood friend, palagi kaming magkasama nung mga bata pa kami, akala ko nga tomboy yan dati, kasi ako ang lagi nyang kasama hanggang sa nakilala nya ang mga barkada ko, andyan pa din sya. Noong nag-highschool na kami, mabuti na lang at may naging kasundo din sya sa classmate namin na babae, and that's Monica and Thea. Pati pagsali sa C.A.T, pinasok din nya, at pinasali pang pilit ang mga kaibigan nya, para daw mabantayan nya ko, and as usual kasama pa din. Kapatid lang naman ang turing ko sa kanya, at palagay ko ganon din naman sya sakin, pero minsan masyado talaga syang selosa, pati mga nagiging kaibigan kong babae sa school, tinatarayan nya at pinagsasabihan layuan na ko,hindi ko na masaway parang bata kasi umasta. Magkasundo sila ni Mama, kasi bestfriend ang mama nya at si mama, kaya simula noon madalas na yan sa bahay, sinasama ni tita. Pero nitong lumalaki na kami, sinabihan ko na syang wag na palaging nagpupunta sa bahay ng mag-isa, iba na kasi ang sitwasyon namin ngayon, limitado na ang mga bagay, kaya lang nung nalaman ni mama, ako pa ang pinagalitan, sinumbong ba naman ako ni Venus eh. Hay! ibang-iba na kasi sya ngayon, hindi ko na nga makita sa kanya yung ugali ng dating kababata ko eh, hirap spellingin ng ugali. Makauwi na nga lang, di na ko nakaalis dito sa kinauupuan ko simula nung nagtalo kami kanina ni Venus. Tumayo na ko at nagsimula ng maglakad palabas ng school,ng may tumawag sakin.
"Buds chris!!! tinignan ko lang sya at nag-antay ng sasabihin,si buds Amy pala, ano kasi, baka pwede kitang ma-invite sa birthday ko this friday, kasama naman ilan nating mga ka-buddy"
"Ahh, sige, let me know kung pupunta na, para makasabay na ko sa inyo, hindi ko alam bahay nyo eh" nahihiyang sabi ko
"Sure buddy! basta sama ka ha? para naman maging close ka na namin!hehe tsaka sabay ka na kina Angela, baka mauna na ang ibang wala ng klase sa hapon eh, okay ba yun sayo?hihi" ano kayang problema nito at parang kinikilig na naiihi ata to eh, di mapakali.
"Ah, i see.. sure, sasabay na lang ako kina Dabby!" sabay ngisi ko din.
"Dabby? kaw naman buds, buddy ang tawagan natin eh, mali mali ka naman dyan hehehe" sabay tapik pa sakin, feeling close din agad to eh
"Haha oo nga, buddy nga ang sabi ko, buddy-buddy tayo, ganon db? hehe"
palusot ko."Oo yun nga,haha! Sige buds, thanks!" paalam nya sakin.
"Ok, thanks sa invite, ingat na lang. bye!" ang wierd din nung Amy na yun eh, pare-pareho na sila nina dabby. Hay, time to go home!
BINABASA MO ANG
"I'm inlove with my BUDDY"
Teen FictionAdvisory: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either a product of the author's imagination. Any resemblances to actual events are purely coincidental. Madami pong grammatical/typo error, kaya sana maintindihan...