@Lola Iseng's House/James:
"Buds, andito na tayo, antay lang muna kayo dyan at magsasabi lang ako kay Lola na kasama ko kayo." wika ni James habang naglalakad papasok ng bahay.
Nang makabalik na si James ay agad naman nya kaming niyaya sa malawak na taniman nila, ang sarap sa pakiramdam, napakaaliwalas ng paligid, ramdam na ramdam ang sariwang hangin, naku! nawala ang pagka-inis ng araw ko. Ang ganda talaga dito.
"Buds, anong gusto nyong kainin? Tanong ni James samin, habang kanya- kanyang naman kaming salampak sa parang. Parang picnic style ang gagawin namin, ayos!
"Kahit ano buds, basta wag lang panis hah?!" si Jeff, nakurot ko nga! haha
"Buddy, pwede ba kami kumuha ng mangga? Aakyat kami mismo pwede?" Jules
"Oo naman buds, sige pakasawa kayo dyan, wag kayong mahiya kasi wala naman kayo nun, haha basta mag-ingat lang kayo." paalala ni James sa mga aakyat.
Nagsimula ng umakyat ang ilang kasama namin. Gustuhin ko mang gumaya eh ipaubaya ko na lang sa mga boys, madami naman sila, kami na lang ang sasalo.hehe
"Buds, salo!!!" di na magkandamayaw sa pagsalo ang mga naiwan sa baba.
"Buds Gel, saluhin mo na tong puso kong hulog na hulog sayo!" litanya ni Levi sabay hagis ng bunga na kamuntik na dumaplis sa maganda kong mukha.
"Letse ka Lei, kamuntik na kong tamaan, umayos ka sa kaka-punchline mo dyan, dahil mukha mo mapa-punch ko pagbaba mo dyan!" himutok kong sabi.
"Wag mo kasing binibiro si buds Gel ng ganyan Lei, gusto nya manggaling yan kay Chris eh! BOOM!" Dagdag pang-asar naman ni Verna, na nagtatakbo na dahil hinabol ko ng makurot ko sa singit, kung ano-ano lumalabas sa bibig eh. Jusko!
Hangang sa nagsimula na kami kumain, at eto nga nagbabalat na ko ng mangga, ang sarap talaga lalo pa na bagoong na may sili ang sawsawan, Wooahh! Perfect! pero ayun katakawan ko, dumaplis ang kutsilyong gamit ko sa daliri ko.
"aww! nakakainis naman tong kutsilyo nyo buds james! ahhh!" impit kong sabi dahil may dugo ng lumalabas.
"Sinisi mo pa talaga ang kutsilyo buds sa katakawan mo ah!" Jeff
"Ang tanga kasi nung kutsilyo eh! HAHAHA" Krisha
"Akin na nga ang kamay mo Gel, di ka kasi nag-iingat sabi ko sayo ako na magbabalat eh" sabay kuha naman nya sa kamay kong may sugat at walang anu-ano'y binuhusan ng alcohol ng walangya!Akala ko pa man din concern na concern, ang hapdi pa naman, ang lalim ng cut.
"Lei, di ko alam kung magpapasalamat ako sayo o ano eh, napaka-ano mo talaga! kakainis ka!" sabay ihip ko sa sugat kong nilagyan ng alcohol.
"Buds naman, wag kang maano dyan, syempre naman para di ma-infect kaya always ready ako sa first aid.Baka maano ka pa dyan eh!" paliwanag naman ni Lei.
"Oh sya tama na yang anuhan nyo, baka maano pa kayo eh!HAHAHA" James na sinabayan naman ng tawanan namin.
Napuno ng tawanan ang paligid namin, nagkakasayahan sa mga simpleng mga bagay lamang katulad nito. Hindi naghahangad ng sobra, basta sama-sama kami, alam kong masaya na ang pagkakaibigan namin. Magiliw kaming nagpasalamat at nagpaalam kay James at kay Lola Iseng, na giliw na giliw kay Jeff, mukha daw kasing panda! Hahaha. Pauwi na kami,mas maaga pa kesa sa napag-usapang oras namin. Habang palabas na sa lugar nina James ay may nahagip ang mapupungay kong mata, na biglang naging apoy ng makilala ko kung sino.
BINABASA MO ANG
"I'm inlove with my BUDDY"
Teen FictionAdvisory: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either a product of the author's imagination. Any resemblances to actual events are purely coincidental. Madami pong grammatical/typo error, kaya sana maintindihan...