Buds Amy's House
Nakadating na kami sa bahay nina Buds Amy at eto nga't andito na pala ang ilan din naming kabuddy kasama pa ang mga officer namin. Konti lang daw ang handa, pero wow! konti na pala sa kanya to, parang debut na nya eh, grabe tong si buds amy,hehe.. at nagpatuloy na kami sa pagpasok sa kanila na pinangunahan naman ng dalawang masiba, si Jeff at James, infairness sa mga to oh! nauna pang kumuha ng pagkain bago binati ang celebrant, haha
"Mga buds, buti naman dumating kayo, ang tagal nyo ah? kala ko ibang bahay na napuntahan nyo eh..hehe, oh sya kumain na kayo dyan, feel at home lang ha?" masayang wika ni Amy samin
"Okay buds, don't worry kakain kami ng madami, nakakagutom pagpunta dito eh hehe" Mark sabay kamot sa ulo
"Buds Chris, bakit nandyan ka lang sa gilid, dito ka nga!" sabay lapit at hila kay yabang papunta sakin, take note sa tabi ko pala, napagitnaan tuloy ako nila ni Levi.
"Ayan buds, mas bagay ka dyan!hehe" sabi pa ni amy,naku buds, pasalamat ka birthday mo! hayst!
"Kuha na kita ng food buds Gel! kahit ano naman kakainin mo eh, db?hehe" Presenta ni Levi na medyo nakakaasar kasi naman bakit may kadugtong pang 'kahit ano naman kakainin mo' naku ha? totoo naman eh, ayaw ko lang nung taba ng baboy hehe
"Ay naku buds, ako na lang, kaya ko naman noh? ginawa mo naman akong paralisado! kutusan kita dyan eh,hehe" balik na biro ko kay Levi, ganyan lang naman kaming lahat magbiruan, ewan na lang dito kay yabang, kaya tumayo na din ako at kumuha na ng pagkain, si Chris ayun, nakaupo lang, pa-vip din to eh!
Nauna na akong nakabalik sa mesa, konti lang naman kinuha ko, ano lang naman, salad, 2 hotdog on sticks, spaghetti, slice cake, tapos juice, opo konti lang yan,hahaha! At si yabang hindi pa din natinag, naconscious tuloy akong sumubo ng madami,lol! nakatingin kasi sya sakin,alam ko, naku tong lalaking to tlaga!
"Baka gusto mong tumayo na dyan at kumuha ng pagkain mo dun, walang magseserve sayo dito dong! wag kang maghintay ng himala dyan!" asar na sabi ko, kasi naman.
"Bakit pa? eh madami ka namang pagkain,baka pwedeng share na lang tayo dyan?" ay talaga nga naman ang kapal din ng pagmumukha nito, sabay walang sabi-sabing kinuha ang hotdog stick sa plato ko.
"Hoy yabang, may paa ka naman di ba? ibalik mo nga yan dito sa plato ko, kumuha ka ng sayo doon, napaka-epal mo talaga."
"Eh sa gusto ko na to eh!" sabay kagat na nya, walangya talaga! Arghh
"Ahhh! nakakainis ka talaga!!!" himutok na sabi ko, na sya namang ininatawa nya, pasalamat ka talaga at nasa bahay tayo ni buds amy, kung hindi, nalintikan ka na sakin.
BINABASA MO ANG
"I'm inlove with my BUDDY"
Teen FictionAdvisory: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either a product of the author's imagination. Any resemblances to actual events are purely coincidental. Madami pong grammatical/typo error, kaya sana maintindihan...